53

196 14 2
                                    

"Bored ka ba?" tanong ko. Binalingan ako ni Danjay na nakain na rin ng siomai na mamahalin.

20 lang 'to sa labas e.

"Hindi," maikli niyang sagot. Pasimple ko siyang pinagmasdan at doon ko napansin na nauniform pa pala siya. Nakasabit yung mamahalin niyang coat sa braso niya.

"Late ka ata umuwi?" Wala sa sarili kong tanong. Nabitin si ere ang siomai na isusubo niya na sana, gulat siyang napatingin sa akin.

May mali na naman ba akong nasabi?

"Alam mo schedule ko?" Bigla atang nag-init ang tenga ko nang marinig ang tanong niya. Napaiwas ako ng tingin at nanguna nang maglakad.

"3:30 uwian niyo ah? 5 na."

"Ikaw, wala kang pasok?" Wow.

"Half day," sabi ko. Nawuweirduhan na sa mga pinag-uusapan. Para kaming magsyota na naghuhulihan ng kasalanan. Nu kaya yon.

"Hmm.." pagtatapos niya. Humakbang na naman ako, saan ba ako pupunta? Watson? Wag. Mauubos pera ko. Pangmayaman lang 'yon.

"Matagal pa ako dito." Umalis ka na kase. "Baka gusto mong mauna na..." nang makapagcommute na ako.

Hindi pinansin ni Danjay ang sinabi ko, imbis na magsalita ay nagtungo siya sa tapat ng trash bin bago ako binalikan.

"Wala naman akong gagawin," sabi niya. Pinakatitigan ko muna siya, naramdaman niya atang nakatingin ako kaya sinalubong niya ang tingin ko.

"Ayaw mo 'ko kasama?" tanong niya bigla. Nanlaki ang mata ko, hindi na malaman kung anong isasagot.

"Hindi a!" Oo, napakadefensive. "Hindi talaga!" sigaw ko pa. Natawa si Danjay na ilang araw ko ring di nakita. Nag-init ang pisngi ko at umiwas na ng tingin.

"Saan ba tayo?" tanong niya. Napakagaling ng utak ko, ngayon pa talaga di gumana. Di ako makaisip ng lugar. Saan nga ba?

"Ikaw ba baka may bibilhin ka?" tanong ko. Baka lang naman. Pinanliitan niya ako ng mata at tumingin sa isang mamahaling shop.

"Meron, pwede ba?" Ramdam niya rin atang wala naman talaga ako pupuntahan.

"Sure," masiglang sabi ko. Nauna siyang maglakad, habang nakasunod lang ako. Nang makapsok doon ay nanliit agad ako.

Nakakapangilabot tignan ang presyo, nakita ko isang damit nasa 4 digits. Binalingan ko si Danjay na natingin ng design hindi sa price!

Namataan ko kung paano siya kumuha ng kung ano at sinabit sa braso niya, ni hindi manlang tinignan yung price tag! Napaka-

"May gusto ka ba?" tanong ni Danjay na biglang sumulpot sa tabi ko. Napakurap ako at tinuro ang sarili.

"Sa'yo? Nako wala ha."

Nalaglag ang panga niya kasabay ng pagkunot ng noo ko. What now?

"Mara lutang ka na naman." Iiling-iling na sabi niya. Kumunot ang noo ko, ni hindi ko nga maalala sinabi ko. Basta nalulula ako sa mga presyo. Nang magbabayad na siya sa counter ay mas lalo ata akong na-highblood.

Kaya ng bumili ng cellphone yung nagastos niya!

"Seryoso ka ba diyan?" bulong ko sa kanya. "Saan?" naguguluhan pa niyang tanong.

Lumayo na lang ako at nahiya na, mayaman nga pala siya.

"Hey, are you okay?" Panglimang tanong na niya ata to mula kanina. Oo ako nang oo pero di niya pinapasnin.

"Tara na, maggagabi na." Aya niya. Sumundo na lang ako. Wala rin naman akong maintindihan.

Nagulat pa ako ng di kami pumuntang parking, papunta kaming terminal!

"Commute?!" tanong ko. Tumango siya't may tinipa sa phone na kung ano.

Maya maya ay may sumulpot na pamilyar na lalaki, isa sa mga kasama niya sa Street food hauz noon.

May hinagis si Damjay na kung ano na lalong nagpagulo.

"Nasaan ang motor mo?"

"Wala akong extra helmet."

"Edi ako uuwi mag-isa," bawi ko. Hindi niya ako pinansin at pumila na sa linya nang lugar namin.

"Gabi na, Mara."

"Kaya ko sarili ko."

"Kaya rin kita."

"Ano?"

Gagi, di ko nagets basta natameme ako after non. Nang kami na ang sasakay ay hinawakan pa ni Danjay ang ulo ko dahil baka mauntog ako.

Napakapa-fall mo Danjay!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon