97

107 7 0
                                    

"Saan na naman ang punta mo?" Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit nang marinig ang boses ni Kali. May seminar kami sa court kaya kami lang ang tao sa room.

Sinalubong ko ang tingin niya at napansin agad ang pagiging seryoso no'n. "May dadaanan lang."

"Nakita ko si Danjay sa gate," seryosong sabi niya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko habang nag-i-isip ng bagong paliwanag.

"May pupuntahan lang kami." Sinukbit ko ang bag ko bago tumawa. "Seminar lang naman 'di ba? Excuse mo na lang ako."

Tumaas ang kilay niya bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Ang dalas mo mawala. Pinuntahan kita kahapon sa inyo, wala ka—"

Tinignan niya ako sa mata. "What's up with you and Danjay? May klase rin 'yon ah?"

"Wal—" sabay kaming natigilan nang biglang mag-ring ang phone ni Kali. Sinenyasan niya akong tumigil, na huwag munang umalis habang sinasagot niya ang tawag.

"Yes, si Kali po 'to." Napangiwi ako nang mapansing kahit nakikipag-usap siya sa iba ay matalim ang tingin niya sa 'kin.

Bakit ba? Huhu

Nagbago ang expression nang mukha niya. From mataray hanggang sa naguguluhang mukha.

Kapansin pansin ang pagpapanic sa kilos niya. Hindi ko man dinig ang ping-uusapan ay nataranta na rin ako.

"Kasama ko po si Mara," sabi niya nang nanlalaki ang mata. "Phone mo?!" singhal niya sakin.

"Bakit?!" tanong ko habang kinakapkap na ang bulsa ko. Ano bang meron?!

Nakapa ko ang phone sa bulsa. At agad na bumungad ang sandamakmak na missed call ni mama.

Halos mabitawan ko pa ang phone ko nang madinig ang sunod na sinabi ni Kali. "Saang hospital po?"

Para akong nabingi habang nakatingin sa kawalan.

"Hospital?" Manginig nginig kong tanong. Kali ended the call bago ako hinatak palabas ng room.

Nanghihina ang binti ko habang pababa ng hagdan. Dala nang taranta ay ligtas naman kaming nakababa. Natanaw ko ang gate at namataan si Danjay na simpleng nakatayo roon. Mukhang hinihintay ako.

Sinenyasan ni Kali ang gurad na handang handa na kaming harangin.

"Emergency—" Tinuro niya ako. "Naospital papa niya."

Tuluyang nanlambot ang binti ko bago binalingan si Danjay na gulat na rin. Kali pulled me.

"Susunod ako— kami nina Rei. Mauna kayo nina Danjay. Tita needs you."

Maingat akong sinuutan ng helmet ni Danjay. Hindi ko alam ang irereact. Basta nilalamig ako. Gusto ko umiyak pero wala rin naman akong maintindihan.

"We'll be there in 5 minutes..."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon