81

134 8 0
                                    

Nanatiling tulala si Mara pagkatapos ng tawag. Naguguluhan dahil ang huling sabi sa kanya ni Danjay ay 'all boys' gathering 'yon.

How come na nando'n si Jewel?

Natigilan sa pag-iisip si Mara nang makarinig ang sunod-sunod na busina. Nang tignan niya iyon ay natanaw niya si Carlo na alalang -alala.

"Tara?" tanong ni Carlo. Napangiwi si Mara habang iniisip kung tama na ba ang desisyon niya. Hindi ba magagalit si Danjay sa gagawin ko?

Sabi ni Danjay may lakad kami ng 7:00. Lagpas 7:00 na at kasama parin niya si Jewel. Ayos na naman siguro 'to 'no?

"Kaliwa ka diyan." Instruct niya kay Carlo na mabilis nitong sinunod. Nang matanaw ang bahay nina Jana ay nanlaki ang mata ni Mara nang makita ang nagkalat na tao. May mga tanod at mga tsismosang mukhang pinag-uusapan na rin silang kadarating lang. 

Sumubsob pa si Mara sa likod ni Carlo sa bilis nitong pagpreno.

"Si Melly?!" Bungad ni Carlo nang makababa. Halatang halata ang kaba sa mukha nito kaya napaiwas na lang ng tingin si Mara. I never saw that expression, miski nung kami pa.

Nakita ni Mara ang kaibigan niyang si Jana at imbis na sumagot ito kay Carlo ay si Mara ang tinakbuhan nito. "Bakit ka nandito?"

Tinignan muna ni Mara si Carlo na nakikipag-usap na sa mga tanod. Malamang dahil hindi siya pinansin ni Jana. "Sinamahan ko siya. Tignan mo mukhang urgent," mahinang sabi ni Mara.

"Nasaan si Melly?" Pag-iiba niya sa usapan.

Si Jana naman ngayon ang nataranta kaya napangiwi na siya. 

Ano ba kaseng meron?

"Nako umuwi na sa kanila. Dinamay pa ako. Dumaan lang naman siya dito. Hindi siya dito nag-stay! Ayaw ni mama ng ganoon."

"Eh nasaan siya?" tanong ulit ni Mara. Imbis na sagutin ay tinignan ni Jana si Carlo. At sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay napalingon na rin si Mara sa direksyon nito.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Carlo kaya lalo siyang naguluhan. Unti unti ay hinila siya ni Jana palapit sa kanya para bumulong.

"May boyfriend si Melly. Bukod pa kay Carlo. Doon siya nag-i-stay." Sa narinig niya ay siya naman ang natigilan. Lilingunin niya sana ulit pabalik si Carlo nang may biglang humatak sa kanya.

"Umuwi na tayo." Si Carlo na mukhang nabalitaan na ang nabalitaan niya. Ayaw niya sanang sumakay pero sobrang daming tao, kasama ng mga nakikiisyoso kaya napasakay na rin siya pagkatapos.

"Magko-commute na lang kaya ako?" Habol ni Mara habang ini-i-start nito ang motor.

"Ihahatid kita."

"Kumalma ka kaya muna?" Mara suggested pero pekeng tawa ang ginanti nito. "Mababago ba nan 'yung nalaman ko?"

Mabilis ang kabog ni Mara lalo na nang magsimulang umandar ang motor ni Carlo.

Damang dama niya ang paghampas ng hangin sa mukha niya dahil a mabilis na pag-andar ng motor nila.

At mula doon alam kinabahan na siya.

~

"Kali!"

Halos hingal na hingal na tawag ni Danjay kay Kali nang matanaw niya ito sa may kanto. Naguguluhang binalingan ni Kali ang binata.

"Si Mara?" tanong ni Danjay. Napasarap kase ang usapan nila sa bahay ni Tom at nakalimutang niyaya nga pala niya si Mara na kumain sa labas.

May miscall pa ito na si Jewel ang nakasagot kaya nataranta siyalalo.

"Akala ko kasama mo?" tanong pabalik ni Kali na nagpagulo kay Danjay.

"Papunta pa lang ako sa kanila."

Kali looked at him with shock. "Umalis. Nakamotor. Akala ko ikaw 'yong driver?"

Nanlaki ang mata ni Danjay at lalo nang naguluhan. "Anong oras?"

Tinignan ni Kali ang relo niya bago tinignan pabalik si Danjay. "Around 7:10? Ganon." Hinanap ni Danjay ang pangalan ni Mara sa contact pagkatapos ay tinawagan nang paulit ulit pero laging out of reach.

"Nagkaaway ba kayo?" Kali asked of nowhere. Naisip agad ni Danjay ang ideyang si Jewel ang nakasagot ng tawag na dapat siya.

And Jewel is a girl. I told her na all-boys gathering 'yon...

"Parang." Awkward na sagot ni Danjay. Tumaas ang kilay ni Kali at napatahimik na lang.

Sabay nilang pinuntahan ang bahay nina Mara. At nakumpirma na wala nga si Mara doon. Parang tumakas pa ata.

Sino bang kasama nito?!

Halos baliw na ang lahat kakaisip. Alalang-alala na ang mama ni Mara habang si Danjay at Kali naman ay kung sino-sino na ang tinatawagan. Halos lahat ay hindi alam kung sino ang kasama ni Mara.

"Lagot sa akin ang batang 'yon pag-uwi!" gigil na gigil na sigaw ng mama ni Mara. Hindi na rin maipinta ang mukha ni Gail kaya dumoble na ang tensyon sa lugar.

Lagpas ala-otso na nang magpasya si Danjay na umuwi sa kanila to get his motor. Makikihanap na sana siya nang biglang mag-ring ang isa sa mga cellphone nang mga nandoon.

Kay Kali 'yon at isang unknown number kaya ni-loud speaker na ni Kali 'yon.

"Hello." Si Kali.

"Uyy... Si Mara 'to. Patulong.." Natigilan silang lahat kasama na si Danjay. Kapwa nagpapakirmadaman kung sino ang sunod na magsasalita.

"Nasaan ka?!" Sa taranta ay ang Mama na ni Mara ang kumuha ng phone. Danjay cannot move, nakatingin lang siya sa kawalan habang dinadama ang kabog ng dibdib na kanina pang hindi kumakalma.

"Ma? Sorry..." Dumagdag pa ang kaba sa dibdib nila ng marinig ang background sound ni Mara. Mukhang nagkakagulo kase ro'n.

"Uhh... Nasa pangatlong kanto ako ng Lilac Street." Dahil nakaloud speaker rinig na rinig nang lahat and sinasabi ni Mara. Hindi nila alam na ang susunod nasasabihin niya ay mas malala pa pala.

"Naaksidente kami..." 

Wala ang papa ni Mara tanging si Gail at at kanyang Mama ang nasa bahay kaya nagkagulo ang lahat. Kailangan ng tricycle or motor dahil medyo malayo ang Lilac street.

"Tatawag ako ng tricycle.." Si Gail na tumakbo na. Si Kali naman ay nalinga na sa paligid parang naghahanap ng kung ano, tumigil ang mata niya kay Danjay na hindi parin malaman kung ano ang gagawin. Medyo malayo ang bahay nina Danjay kaya takaw oras kung uuwi pa siya para sa motor niya.

"Danjay knows how to drive, 'di ba?" Si Kali. Tumango si Danjay kaya walang pasabing pumasok ng bahay nina Mara si Kali. Maya maya ay sumigaw pa ito.

"Tita! Yung susi ng motor ni tito?!"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon