102

122 9 3
                                    

"Congratulations!" bati ng Principal bago nagliparan ang mga toga hat namin.

Napuno ng sigawan at tawanan ang lugar. Kanina pa ako lutang pero hindi ko na namalayan na pati ako ay nakikisigaw at nakikitawa na.

Inakbayan agad ako ni Jash na katabi ko lang sa pila. Maya maya ay dumating ang nakasimangot ng si Kali. She's holding 4 roses kaya nataranta kaming tatlo.

May paganito pa nga pala.

Each graduates kasi, makakatanggap ng rose. Ibibigay namin 'yon sa kahit sinong family member or special someone namin, depende na lang sa student kung kanino ibibigay.

Strictly one rose per student.

S'yempre kay Mama ko binigay 'yung sa akin. Patawa-tawa pa sila ni papa kahit naiiyak na talaga sila. Sobrang lapad ng ngiti ko habang inaabot sa kanila 'yon.

Na hindi nakatulong dahil mahihpit akong niyakap ni Mama nang makalapit ako. Graduation ko, pero mas lamang ata 'yung lungkot.

Niyakap ko si Mama at Papa pabalik habang naiiyak na rin. "Thank you..." bulong ko.

Lalong naiyak si Mama kaya gusto na rin tuloy lalong umiyak. Tinapik niya pa ang balikat ko, parang inaalo.

"Mag-i-stay ka na lang dito. Kami na lang nina Gail sa Aklan. Mag-aaral ka." Udyok parin ni Mama. Malabo 'yon pero hanggang ngayon pinipilit parin nila.

Alam kase nila kung gaano ko kagusto magpatuloy sa pag-aaral. Tinawanan ko si mama. Maipakita ko na lang na okay lang ako. 

Patuloy parin ang pagtugtog ng madamdaming kanta habang nag-a-abutan ng roses ang mga tao.

Habang busy ang lahat. Pasimple akong kumuha ng isa pang rose sa basket at naglakad papunta sa likod na parte ng court. Nagpaalam naman ako kina mama na tinawagan saglit si Ate Gail.

Tinawag ako ni Jash pero 'di na ako lumingon. Pinagtitinginan ako ng lahat dahil nga imbis na magstay sa parents ko ay pumunta sa sa pinakalikod na part ng court.

Dagdag points pa na kumuha ako ng rose. Kahit tag-iisa lang naman talaga dapat.

Okay na 'yon. Anim na taon naman akl nag-aral dito hehe.

Palinga-linga ako habang hinahanap ang kanina ko pang napapansing tago nang tago. Nang magtagpo ang mga mata namin ay kapansin-pansin ang pagkataranta niya.

Yumuko pa siya para lang magkunwaring hindi ako ang tinitignan kaya umirap na lang ako.

Nilapitan ko ang pwesto niya at dinikit ang rose sa dibdib niya.

"Kita na kita, lupang hinirang pa lang." Napaangat ng tingin si Danjay sa akin. Hindi na malaman kung anong sasabihin.

Hindi ko mapigilang mamangha sa ayos niya. Kahit sobrang simple nagsusumigaw ang posisyon niya sa buhay. Back long sleeve and white pants.

Takteng rich kid 'to.

"Ang ganda mo."

Napaayos ako ng tayo nang marinig 'yon. Dahil busy ako kakatitig sa kanya, 'di ko na namalayan na nagkakantahan na yung mga ka-batch ko for our closing.

"Gwapo ng ex ko," tanging nasabi ko. Nalukot agad ang mukha ni Danjay kaya hindi ko mapigilang matawa.

"I'm offended, Mara." Reklamo niya. Nanubig bigla ang mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Mamimiss ko 'tong lokong 'to... Sobra...

"Atleast may ex kang Mara," casual kong sabi. Lalo akong natawa dahil napansin kong gustong gusto na akong pitikin ni Danjay pero hindi niya magawa.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon