109

127 10 6
                                    

Tinuloy ko nga. Pumunta ako sa school nina Kali kahit hindi ko naman sigurado kung nandon talaga sila. Balita ko magkakaiba pa sila ng section, kaya bahala na.

Nakailang missed call na rin kasi ako. Ewan ko ba bakit tinuloy ko pa.

Pangarap ko ring makapasok sa community college na 'to. Bukod sa libre, maganda rin ang reputation. Sobrang hirap nga lang makapasok, parang stars of all stars ata estudyante dito.

Unti unting napuno ang mini plaza sa tapat ng school nila. Nagkakatao na rin sa simbahan na matatagpuan sa tapat ng mini plaza at sa mga kainan na nasa gilid no'n.

Ang solid naman pala ng school nila...

After ten million years. Sinagot din ni Kali ang tawag ko.

["Ano?"] Napakataray talaga.

"Nasaan ka?" Lalo ata akong na-excite nang mapansing maingay ang background niya. Mukhang nandito rin sila! Kung kanina ay inip na inip na ako, ngayon para akong nabuhayan.

["Sino 'yan boyfriend mo?"]

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Jash. Napaayos ako ng tayo at mas pinakinggan ang maingay na linya.

["Si Mara, gaga."] Nailayo ko ang phone ko ng biglang may sumigaw sa kabilang linya. It's Rei! Lalo akong natawa at luminga na sa paligid. Legit ba? Magkakasama sila?!

["Sorry. Kakatapos lang ng klase ko. Kasama ko sina Jash. Bakit?— Ingay ata diyan? Nasaan ka?"] Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Bigla ko kasing natanaw si Kali sa entrance hall ng school nila. Pababa siya ng mataas na hagdan palabas ng school kaya hindi ko na mapigilang mapangiti.

Nakasunod sa kanya sina Jash na halos idikit na mga tenga sa phone ni Kali. Mukhang pinapakinggan ata ang sinasabi ko.

"Pangit mo parin pala, Rei 'no?!"

Mula sa kinatatayuan ko. Natanaw ko ang panlalaki ng mata ni Rei. Halos hablutin pa niya phone ni Kali masigawan lang ako.

["Narinig ko 'yon Mara!"] Reklamo agad niya. Imbis na sumagot, pinatay ko na ang tawag at tumakbo na papunta sa kanila.

Sabay sabay na nanlaki ang kanilang mga mata noong tumigil ako sa tapat. Nagbuffering si Kali habang sina Jash at Rei at nagtatalon na papunta sa akin.

Sumabit pa si Rei sa leeg ko kaya halos maubusan ako ng hangin sa bigat niya.

"Mara! Huhuhu. Miss ka na namin, napakainit lagi ng ulo ni Kali. Wala kaming makausap na matino!" Sumbong ni Rei. Si Jash naman nakayakap lang sa bewang ko.

"Ang plastic mo naman." Puna ko. Tinulak agad ako ni Rei na lalong nagpatawa sa akin. Pinagtitingin kami ng mga ka-schoolmate nila.

Bigla pa akong nahiya nang mapansing may mga pamilyar na mukha. Nakakahiya siguro pagpumasok na ako. Lower year 'yung mga ka-batch ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Kali. Kasalukuyan kamibg nakain ng kwek-kwek sa tapat ng school nila.

Nilunok ko muna 'yung kanina ko pa nginunguya. "Ayaw mo ata?"

"Miss mo si Danjay?" Speaking. 'Di ko siya nakita sa school nila. Nga naman, napakaimpossible no'n lalo na't malaki 'yung school.

"Hindi ba p'wedeng miss ko kayo?"

"Asa naman 'no." Epal talaga ni Rei. Bakit ba pinanganak pa 'to sa mundo?

"Bakasyon ko, mga one week or two." Kahit dito na talaga ako for good hehe. Gusto ko lang isuprise sila pagnakauniform na ako. Mga next next month. Pag-ayos na lahat. Baka mabati eh.

"Finals namin ngayon, tanga! Umay na umay kami. Buti dumating ka! Magcelebrate tayo!" Pinagpagan niya ang palda niya. "Tara. Gala tayo!"

"Naka-uniform ka!" Turo ko sa damit niya. Tinignan niya 'yon at napaisip na rin.

"Uwi muna tayo? Then gala later? Bakit naman kasi hindi kayo nag-iinom?" Nakapamewang pa si Jash habang sinasabi 'yon.

Umiling na si Kali habang si Rei ay nakaangat na ang kamay. Nakasign ng wait. Nilulunok pa ata 'yung kinakain bago umimik.

"Gusto ko matulog." Biglang sabi ni Kali. Sumimangot agad si Rei. "Ngayon lang 'to!"

Nagpahatak din si Kali at ginala nila ako sa school nila. Maganda, sobrang daming tourist spot. Like may mini plaza, may mas malaking plaza for their school events. Tapos may luma at napakagandang simbahan sa tapat, madaming puno at higit sa lahat, madaming convenience store at kainan.

"Duda akong bakasyon mo." Bwelta ni Jash. Nasa jeep na kami pauwi, tinawanan ko lang si Rei bago nag-abot ng bayad.

Saka na ako magkukwento pag-okay na lahat. Time flies so fast. Malapit kina Kali ang bahay na uupahan namin, pero hindi palalabas si Kali kaya hindi niya rin nabalitaan.

Nabalitaan ata ng nanay niya pero sabi ko huwag muna sabihin. Naging busy ako buong bakasyon, bakasyon na rin nina Jash kaya madalas kaming magkita.

Nagtatakha pa sila kasi napapadalas daw ang luwas ko. Hindi nila alam, nakatira na kami talaga dito.

Saktong weeks before class, naayos na ang lahat. Nakaluwas na sina Mama at Ate, start na rin sa work si Papa.

Lahat kami busy. Ako sa enrollment si Mama sa bahay. Nandito rin lagi sa bahay si Lester, boyfriend ni Ate Gail. 'Yon 'yung katulong nila sa bahay habang ako busy sa pagpaprocess.

Pumunta ako ng mall mag-isa. Hindi naman ako naligaw, ayoko talaga magpasama kina Kali. Gusto ko isuprise sila sa pasukan.

Namimili ako ng mga damit. Since freshman, pwede pa naman daw na nakacivillian for the first three months. Inarbor ni Lila ang mga damit ko kaya halos wala na ring natira.

Naging maayos naman ang lahat. Nakaattend ako sa school tour, nakapagpasukat na ng damit. Nakareceive na ng study loads. Pagpasok na lang ang kulang.

Sa daming beses kong nagpabalik balik sa school, pagala-gala sa mall. Never kong nakita si Danjay. Kahit makasalubong manlang, wala.

Baka wala na siya dito sa Laguna? Baka naman hindi na rin siya doon sa private na school na 'yon nag-aaral?

Pa'no 'yon?! Doon nga ako nag-aral para sumilay! Bakit naman gano'n?!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon