59

179 14 2
                                    

Nasapo ko ang noo nang marinig na naman ang sunod-sunod na paghampas ng mga kaklase ko sa arm chair.

"Ten tenen tenen tenen tenen! Happy happy happy birthday sayo ang pulu—"

"'Di na nagsawa amp," si Rei na 'di na rin natutuwa. Napatingin agad ang teacher ko sa amin habang nilalapag ang kanyang mga gamit. Halos gusto ko nang magpalamon sa lupa sa hiya. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang kanta na nila 'to, ngayong araw.

Kada may darating atang teacher, magkakantahan sila ng walang katapusang happy birthday.

Nang matapos ay pinagkrus ni Ma'am Dina ang kamay bago binaba ang salamin nang matitigan kaming lahat.

"Sinong may birthday?" tanong niya. Walang umimik. Maya maya'y halos sabay sabay na bumaling sa akin ang mga kaklase ko sabay turo.

"Wow, Marya. Birthday mo?" tanong ni Ma'am, napangiwi ako roon hindi dahil sa pinansin niyang birthday ko. Kundi sa tinawag niya sa akin!

"Mara ho," I said awkwardly. Hindi niya ako pinansin pero umayos siya ng tayo.

"Alright, hindi ako magkaklase sa isang kundisyon," anunsiyo niya. 'Yung mga siraulo kong mga kaklase nag-ingay kaagad habang ako ay dinadama na ang mabilis na kabog ng dibdib.

"Be ready," rinig kong bulong ni Kali. Si Jash naman ay tinuktok na ang kanyang arm chair, tunog drum roll.

"Kung masasagot ni Marya ang tanong ko." Doon pa lang ay parang gusto ko ng himatayin. Umingay agad ang buong room kaya lalo akong kibahan.

Anong subject namin ngayon?!

"Anong sub?" bulong ni Rei sa amin.

"Business Math," si Jash.

"Hard pass p—" bago ko matapos ang sasabihin ko ay siniko na ako ni Jash. Hindi pa man ako umo-oo ay biglang nagsulat na si Ma'am ng mathematical equation sa unahan.

Pinagmamasdan ko pa lang ay hindi ko na agad alam ang gagawin.

"Kaya ni Mara 'yan," cheer ni Kali. Inilingan ko siya nang i-abot ni Ma'am Dina ang marker sa akin.

"Pwede po calcu?" tanong ko, matagal pa niya akong tinitigan bago tumango. Kukunin ko sana calcu ko ng biglang i-abot ni Kali 'yong kanya.

Nanlaki ang mata mo ng makita yung mathematical equation na nasa board, nakatype na agad sa calcu'ng inabot niya at may sagot pa!

Hindi ko mapigilang mapangiti parang gusto kong halikan si Kali!

"Just go!" inis na sabi niya nang akmang iki-kiss ko siya. Malakas akong natawa bago sinulat sa board yung sagot.

Medyo gets ko naman to, medyo lang.

Nang masulat ay hindi na kinuwestyon ni Ma'am Dina ang sagot ko, bagkus kinuha na niya ang gamit niya sabay paalam.

"Have a great weekend." Sa isang iglap narinig ko na naman ang beat ng kantang Happy Birthday.

"May pasurprise si bebe Danjay sa 'yo?" tanong ni Rei. Nagkibit balikat lang ako.

"Hindi niya nga ata alam," mahinang sabi ko. Sadyang malakas ang pandinig nila kaya ayon, binigyan nila ako ng nakakaawang tingin.

"Kawawa naman ang bebe Mara namin!" Madramang sabi ni Jash, with matching simangot at pekeng iyak kaya inirapan ko na lang siya.

"Saan tayo? May party ka ba gorl?"

"Uso ba 'yon? Syempre matanda na ako, wala ng gano'n gano'n."

"Iba talaga nagagawa ng pagiging broken, okay lang yan Mars. Madaming pang next birthday malay mo next time alam—"

"Dami talagang alam!" Inis na sigaw ko. Napahagalpak na si Rei bago naunang malakad.

Kinuha ko na rin ang bag ko bago sumunod.

Oo na, nakakatampo. Hindi niya alam na birthday ko. Pero ays lang, friends lang naman kami. Hindi ko rin naman nasabi, ni hindi ko nga rin alam kailan birthday e.

No big deal, Mara...

No big deal.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon