88

138 14 3
                                    

"Binusted ka?" Malakas na tumawa si Rei kaya mabilis ko siyang binato ng notebook.

Wala kaming klase dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teacher kaya ayon. Ang gulo ng classroom namin.

"Deserve mo!" Si Rei na naman.

"Ikaw sinusumpa ko wala kang magiging jowa na matino!"

"Okay lang. Fling lang naman kailangan ko," sabi niya na nagpawala ng ngiti sa akin. Napailing na lang si Jash habang si Kali naman ay busy kaayos ng kung anong secretary duty.

"Kukuha na ba tayo ng Form 137?" tanong ko nang maalalang kailangan namin 'yon sa school enrollment.

Shocks. College na kami next year, akalain mo 'yon.

Kahit na naka-skirt ay tinaas ni Jash ang paa niya sa upuan. Parang nasa bahay lang. "Saan ka ba mag-aaply?"

"Tinatanong pa ba 'yan?" Inabot ko 'yung bag ko. "Syempre kung saan kayo."

"Sa University tayo mag-apply!" sigaw ni Rei. Binalingan niya si Kali na walang kainte-interes sa pinag-uusapan namin.

"KJ naman kase ni Kali. Ayaw mag-apply sa ibang school. Loyal na sa Community College porque sure pass ka ro'n?"

Walang kapake-pakealam na umayos ng upo si Kali. "Bakit pagpumasa ba kayo sa University... Sabihin na nating sa Batangas— Do'n ba kayo papasok?" tanong niya.

Nagkatinginan kaming tatlo at napaisip.

"Hindi. Pero pwede!"

"See? You're just wasting your time, money for transpo and energy kakapabalik balik." Umirap siya bago nagsalita ulit. "Hindi naman kayo doon papasok."

"Collection duh." Si Rei na laging ginagaya si Kali. Kali give her a flat look bago bumalik sa pagsusulat.

"Ang sabihin mo naghahanap ka ng gwapo," singit ni Jash. Siniko siya ninRei bago bumulong nang, "Magkakampi tayo."

"Oo nga. Collection... Exploration..." Biglang bago ni Jash. Natawa na lang ako bago nag-isip na rin.

Saan nga ba ako papasok?

~

"I'm planning to take electrical basta connected sa course ko ngayon..." Binalingan ako ni Danjay. "Ikaw? Business ad?"

Wala talaga akong gusto pero... Pwede naman.

"Pwede," I said. Tinanggal niya ang coat niya at sinampay iyon sa kanyang braso. Kasalukuyan kaming nasa Sun Park— Park na malapit sa school namin.

Malawak na damuhan ang paligid at may children's park sa gilid pero may lugar rin para sa amin like... Dito sa pwesto namin ni Danjay.

Puro upuan at sobrang aliwalas dahil sa kabi kabilang mga puno.

"Undecided?" tanong pa niya. Inilingan ko siya bago hinawakan ang kamay niyang hawak ang baso na puno ng fishball. Kumuha ako ng dalawa at diretsong kinain.

Natigilan pa ako nang mapansing halos nanigas na sa kinatatayuan niya si Danjay.

May nakakagulat ba sa ginawa ko?

Napakurap siya bago umubo. Umiwas pa siya ng tingin kaya natawa ako.

Anmeron, Dandan?

"Why don't you take Business Ad. Tutal may background ka naman sa business.." Suggest niya. Napatingin ako sa kawalan at napaisip.

"Gusto ko talaga maging Flight Attendant," sabi ko.

Gulat na napabaling sa akin si Danjay kaya nilingon ko siya.

"Then take it!"

Umiling ako. "Private school lang nag-o-offer no'n."

Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Hindi ka ba pwede sa private?"

"Parang ayokong pagkagastusan nina mama ang college ko. Hindi naman ako brainy."

"College is not all about that..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Besides... being an FA suits you."

Bigla tuloy akong napangiti. "Bakit?"

"Well..." Umayos siya ng upo para tignan ako mabuti. Nakagat ko tuloy yung labi ko kakapigil ng ngiti.

Parang tanga kase para akong tinatantya na hindi malaman. "Your height is great..."

"Height lang?!" Alma ko. Tumawa siya at maya maya ay nangalumbaba na sa table. Diretso niya akong tinignan sa mata bago matamis na ngumiti.

Hayp na 'to. Ka-meet up ko lang dati. Magiging jowa ko na ngayon.

"Sinasagot mo na ako," sabi ko. Nalukot ang mukha ni Danjay. Kalaunan ay biglang namula.

Mukhang nagpipigil ng tawa. After a couple of minutes, sumabog ang tawang kanina niya pang pinipigilan.

"Ano?" tanong niya sa pagitan ng tawa. Ang loko sapo pa ang tiyan sa sobrang kakatawa.

Hinawi ko ang mukha niya, napipikon na. "Ayaw mong sinasagot na kita. Edi sinasagot mo na ako."

"Mara..." At tumawa na naman siya.

Yeah. Ansaya.

Kinuha ko ang gamit ko bago tumayo. Alis na ako. Corny ni Danjay.

"Mara! Teka!" Tumawa muna siya bago ko narinig ang pagsunod niya.

"Mara!" sigaw niya. "Huwag gano'n." He laughed again.

"Hey baby wait!"

"Baby mo mukha mo!"

He laughed even more. Gusto ko mapikon but the sound of his laugh made me smile. Hayop.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon