107

122 10 2
                                    

Handa na akong sigawan si Ate Gail nang may mapansing may ibang tao sa bahay. Napaayos ako nang tayo, lalo na noong mapansing mukhang may seryoso silang pinag-uusapan bago pa ako dumating.

Sabay sabay silang napalingon sa akin kaya awkward akong ngumiti. Unti unti akong pumasok sa sala kahit nasa akin parin ang tingin nila.

"Magandang tanghali po," bati ko kahit hindi ko sila kilala. Mukha kasing mayayaman. Base sa tindig at ayos, parang mga boss gano'n.

Lumapit si papa sa tabi ko at inakbayan na ako. "Ito si Mara, 'yung kinukwento kong masipag kong anak."

"Mara, Si Sir Leo at Ma'am Irene. Boss ko sa company na pinagtatrabahu-an ko sa Laguna." Kung saan siya naaksidente...

Napatingin ako sa mga 'yon. Parang may dumapong sama ng loob sa akin kaya hindi ko mapaigilang mapangiwi noong binati nila ako.

"Napakaganda naman ho pala ng anak niyo." Ngumiti 'yung babae at naupo na. Naglabas siya ng mga papeles kaya lalo akong naguluhan.

Nasa tabi si Ate Gail at si Mama na mukhang masaya kaya kahit papaano ay gumaan na ang loob ko. Ano ba kasing meron?

"We're from your dad's company..." Pakilala noong lalaki. Tinuro niya si papa pagkatapos ay sina Ate.

"We're here to bring good news..." Tinignan niya ako bago inabot ang isang papel. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko doon kaya nakinig muna ako.

"Since matagal na employee namin ang dad mo. We decided na pag-aralin ang isa sa anak ni Mr. Bautista. Aside from that, gusto ulit naming maging part ng company namin si Mr. Bautista because of his outstanding performance." Tumabi na si Ate Gail sa akin. Inalog-alog pa niya ang balikat ko sa tuwa habang si Mama naman ay naluluha na sa saya.

"Sorry kung matagal ang naging process nito. But we can assure you na higher level na ang work ng dad niyo. Dahil higher level, higher salary rin ang kapalit no'n. Possible ang mga 'yon, if babalik kayo in Laguna. Since, Laguna based ang may kailangan ng skills niyo, Mr. Bautista." Patuloy pa niya. Hindi ko alam, natulala na ata ako. Kusa nang naglakbay ang utak ko sa mga p'wedeng mangyari.

"About Miss Mara's education. You can pick any school na gusto mo. Magkakaroon ka rin ng allowance and benefits... May natitipuhan ka na bang school?" Baling sa akin noong babae. Hindi ako nakaimik agad dahil sobrang gulat pa ako sa mga sinasabi.

My mom is silently cheering me, ganoon din si Ate na mas masaya pa ata sa akin.

"Any course rin," dagdag pa niya. "All because of your dad. He's an asset of our company." Madami pa siyang sinabi. About sa mga benefits na makukuha ni Papa dahil sa accident na nangyari before.

Palihim palang nilaban nina Mama 'yon. Kaya ganito na lang ang balik. Rights at casualties lang ang nilaban ni Papa pero mas doble ang binalik sa amin.

Kinagabihan, noong nakaalis na 'yung mga bisita. Namalayan ko na lang na tahimik akong umiiyak sa kwarto. Inatake na naman ako ng lungkot, namimiss ko na sina Kali.

Masaya naman ako. Na may possibility na bumalik kami sa Laguna. Pero 'yung pinagdaanan namin noong mga nakaraan. Nakakatrauma.

Natatakot na akong sumaya. Baka may kapalit na naman.

Naalala ko 'yung gabi gabi kong pag-iyak dahil iniwan ko na lang basta basta si Danjay. Na lahat ng plano ko, tinalikuran ko kasi kailangan ako ng pamilya ko.

Sapo sapo ko ang dibdib habang mahinang nahikbi. Alaala ni Danjay ang unang pumuno ng isip ko. Kung paano siya tumawa, kung paano siya magalit, mapikon. Parang kahapon lang lahat.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon