91

150 14 3
                                    

"MARA SIGAW KA NGA!" sigaw ni Tom mula sa court. Hindi nalingon si Danjay sa amin sa 'di malaman na dahilan kaya bigla akong nag-alala.

Galit ba siya?

"Sigaw ka raw!" Si Rei.

Bigla tuloy akong nataranta. Pinagtitinginan na rin kase ako. "Anong isisigaw ko?!"

"Kahit ano!"

"SIGAW!" buong lakas pa 'yon.

Oo tama 'yun na lang.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Rei habang si Jash ay napayuko na sa hiya. "Luh si Mara!"

Si Kali? Ayon. Nilayuan ako habang natawa. Wala akong maisip eh! To avoid awkwardness kinawayan ko na lang si Danjay.

Sorry late. Haba ng pila sa girl's comfort room. Daming nag-aayos para magpacute hehe.

Tinawag si Danjay nang kanilang coach kaya nawala ulit ang tingin niya sa akin. Nang makablik ay tumalikod ako. "GO NUMBER 15! GALINGAN NIYO!!!!"

Tignan mo shirt ko! Gano'n kita kagusto preeee!

Worth it dahil napansin ko ang pagngiti niya nang maputol ang tingin namin. Ang gwapo niya sa varsity uniform nila syet!

"Go Montano!"

"Go kay Kuyang nakadilaw! Number 5!" Si Rei na nagtatatalon pa. Gulantang kong siyang binalingan. Ang gaga kase kabilang team ang ch-in-eer!

"Bakit? Gwapo!" depensa pa niya.

Nagsimula ang game na banggaan agad. Nagulat pa ako ng mapansing magaling din ang ABM.

"Kung nag-intersection sa atin talo na agad ABM!" sigaw ni Jash dahil sobrang ingay ng paligid. Kanya kanyang sigawan ang lahat. Kahit na nangunguna ang TVL ay mas maingay parin ang ABM, siguro dahil sa mas madami sila.

Pero wala sa dami yan! TVL mananalo!

Busy ako kakacheer nang may maalala. Ay potek, ABM pala strand ko 'no? Okay lang 'yan. Wala naman ako sa school ko. TVL muna ako ngayon.

"Banggain mo si Tom!" Hindi ko alam kung matatawa ako kay Rei o ano. Mas chincheer niya kase 'yung kabila dahil daw solid ABM siya hanggang huli.

Miski ata hindi kami kasali sa laro ay nagbabanggaan din kami.

"May talent pala si Danjay sa basketball?" Nilingon ko si Kali na kababalik lang mula sa canteen. Itong babaeng 'to. Kung saan saan pumupunta.

"Ba't naalala mo bebe mo?" asar ko. Sinamaan niya agad ako ng tingin. Maya maya ay inalok niya ako ng biscuit na dala niya.

May sama pa ng loob 'yan, pustahan!

Bigla ko lang naalala. Sa isang biscuit may tatlong cookies. Imagine, inalok ako ni Kali! And yeah kumuha ako ng isa cause she insisted it!

Guess what?! Hiningi niya pabalik 'yung biscuit like kagat lang daw. Goooorl Kali is mataray with a heart girl. She won't let you down too pero pagpagkain usapan, si Kali 'yung kanya kanya na huhuhu.

"Kulang pa 'yan sa'yo."

Nilapag niya ang biscuit sa binti ko kaya natawa na ako. Meaning kase no'n Hindi niya gusto.

"Itatapon ko 'yan."

Kinuha ko 'yon at kinain. Inabot ko kina Jash at Rei 'yung iba.

"Gusto niyo? Bibili ko kayo." Si Kali na nabobore na ata. Narinig namin ang malakas na buzzer bago namataan ang paglapit ng mga players sa amin.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon