119

130 8 2
                                    

Lahat kami ay lantutay after ng major subject namin. May ibang nanatiling nakaupo, kasama ako roon. Habang ang iba ay kating kati na lumabas sa sobrang stress.

Umub-ob lang ako table habang iniisip kung kakayanin ko ba. Ang daming terminology. Ang daming lugar, ang daming alam. Nakakapagod.

Wala ata akong naintindihan. Paano na ako nito?

May 1 hour break ako bago ang sunod na klase. Should I eat outside? or umidlip na lang? Baka kaya wala akong maintindihan kasi kulang ako sa tulog.

Kahit kumpleto naman ako sa tulog. Bobo pa rin naman ako, jusko.

At last, ginusto ko na lang matulog. Mas madugo ata ang next kong subject kaya kailangan ko ng lakas. Inayos ko ang pagkaka-flat ng bag ko bago nahiga ro'n.

Pahinga.. Pahinga lang ang kailangan ko.

Hindi ko mabilang ang minutong itinulog ko. Nagising na lang akong may maingat na nagbubuhat ng upuan palapit sa pwesto ko.

Napabalikwas pa ako kasi akala ko. Gagamitin na 'yong room ng ibang batch. Pero nang maaninag kong si Danjay 'yon ay nasapo ko ang ulo ko. Late din ata nagparamdam 'yong headache sa bigla kong paggising.

"Ilang oras tinulog mo kagabi?" tanong agad niya. Imbis na sumagot ay ch-in-eck ko ang phone para tignan ang oras. Almost 30 minutes ang tinulog ko.

Bumaba ang tingin ko sa notifications ng phone ko. Ganoon na lang ang gulat ko ng mapansin ang mga message ni Danjay.

"Mara..." Napakurap ako nang bigla siyang umupo sa tapat ko. "Hindi ka nakatulog kagabi? Why? May problema?"

"Nanood ako ng k-drama." Kamot batok kong sagot. It was actually true. Sinubukan ko kasi 'yong ni-recommend ni Jash at hindi ko nalamayan ang oras.

"Kumain ka na ba?" Pag-iiba niya. Isa isa niyang nilabas sa paper bag ang mga pagkain. It was from one of our favorite restaurants, at nilapag niya ang favorite pasta ko sa desk malapit sa akin. Tapos 'yong drinks na lagi ko ring ino-order.

Inangat ko ang cup, checking if 'yon nga 'yong favorite drink ko. "Naaalala mo pa."

Unti unti ay natigilan siya sa pagsasalansan. Tumawa pa siya bago binuksan ang isang paper box for me. Nilapagan pa niya ako ng spoon and fork.

Halos ipagnguya pa ako ni Danjay sa sobrang ready ng lahat. "Ikaw lang naman ang nakalimot," he joked.

Dahil siguro totoo. Hindi ko na napigilang masaktan. Bumakas ata 'yon sa mukha ko dahil miski si Danjay ay napatingin sa akin.

Kabog lang ata ng puso kong nasaktan  ang maririnig. Gusto ko biglang maiyak. Gusto ko sapuin ang puso ko dagil parang biglang ang hirap huminga. Gusto ko biglang maiyak. Lumuhod. Mag-sorry na kami na lang ulit. Kaso katangahan 'yon.

"Sorry." Napayuko ako habang sinasabi 'yon. Naalarma agad si Danjay kaya sinubukan kong umayos. Pero wala. Hindi ko talaga mapigilan. Unti unti ay uminit ang gilid ng mga mata ko. 

"Sorry," ulit ko. Sa daming beses na p'wedeng maiyak ako. Ngayon pa. Lagi akong ganito mula nang maghiwalay kami ni Danjay.

May mga oras na masaya naman ako. Pero sa sobrang patong-patong ng mga nangyari before. May instances na bigla na lang ako mapapaiyak.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon