114

132 7 3
                                    

"Marya Anghel Bautista po." Hiyang hiya pa ako habang sinasabi ang whole name ko. Ang banal kasi pakinggan tapos ako demonyo hehe.

"Program?" mataray na tanong noong nasa counter. Napangiwi ako bago tuluyang sumagot. "Tourism po."

"Pati ba PE?"

"Yes po, pati po ID."

Tumaas ang kilay niya at may tinurong kung ano. "Sa kabilang building pag-ID."

Namula agad ako nang marinig 'yon. 'Di ko na sinubukang lingunin si Danjay dahil nakakahiya rin naman. Nagsorry pa ako bago tinanggap ang uniform.

"Sukatin mo muna. Hindi na p'wede ibalik pagnakuha na." Bilin ng babae nang hindi nakatingin sa akin.

Finally, nilingon ko si Danjay na kanina pa ata nakatitig sa likod ko. "Aalis ka na?"

Awtomatikong kumunot ang noo niya kaya natigilan ako. "No? Why?"

"Baka may lakad ka. Magsusukat pa ako." Pinakita ko 'yung dalawang set ng uniform ko at PE.

"Alam ko. Titignan ko kung sakto sa 'yo."

"Ano?" Imbis na sumagot ay sinenyasan niya akong pumasok na sa parang fitting room. Hiyang hiya pa ako habang pinoproseso ang mga nangyayari.

Okay, I am with Danjay... My ex... Umay... Anong nangyayari?!

Para madistract sinukat ko na lang yung uniform. Isa 'yong dark green pencil skirt na may maliit na slit sa hita, at dark green blazer na may logo sa kaliwang dibdib at white fitted polo sa loob.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at halos 'di ko na makilala sarili ko. Takte. Hindi ko na-imagine sa buong buhay ko nagsusuot ako ng ganitong klaseng uniform.

Okay naman 'yong fit. Magaling 'yong nagbigay. Saktong sakto lang lahat. Nang maisipang magpalit ng PE ay naalala kong titignan pa nga pala ni Danjay.

Titignan daw ba niya? Para saan?

Lumabas na lang ako ng fitting room at naabutang nakaupo si Danjay sa tapat. Kusa siyang tumayo noong nakita niya ako. Pagkatapos ay bahagyang natigilan.

"Pangit ba?" tanong ko. Hindi siya nakasagot agad kaya nilingon ko na 'yung full length mirror sa gilid ko.

"Okay lang naman ah?" tanong ko ulit. Danjay was standing motionless. I'm not sure if the fit isn't right for me or what. Takte, hindi ba bagay? Mukha ba akong trying hard?

Kumaway ako sa harap niya. "Huy!"

Ilang beses siya napakurap bago umayos ng tayo. He even placed his hand on his chin. Para akong pinag-aaralan. Parang hindi ka tulala kanina ah?

"Ang ganda. But—" Tinuro niya 'yung slit. "May slit ba talaga diyan?"

Pati ako ay naguluhan na. Parang since elementary ka rito? Bakit ako ang tinatanong mo?

"Oo?" 

Sabog ba si Danjay? Pinilig niya ang kanyang ulo, mukhang may iniisip na kung ano kaya nagpaalam na akong magpapalit na.

"Okay na ba? May reklamo ka pa?" Natatawa kong sabi. Danjay rolled his eyes bago umiwas ng tingin. Cute.

Nang masukat ang PE ay hindi ko na pina-check. Okay na naman for me. Bahala na si Danjay.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon