82

127 10 0
                                    

"Ano? Sarap magdive ng walang pool 'no?" Gusto kong umiyak nang dumating si Jash at Rei kung saan kami naaksidente.

Malapit lang sila dito kaya nagpuntahan agad nila. Lalo na ata't nakarating sa kanila na ako 'yung naaksidente.

Ang tanga kase ni Carlo. Nagbalibag kami pagkaliko sa kanto kaya ayon, sugat sugat tuloy siya. Mabuti na lang wala kaming nabangga o nakabanggaan.

Madaming galos si Carlo pero okay naman siya. 'Di lang kami makauwi dahil ayaw na umandar ng motor niya. Dumagdag pa na may mga nakakita kaya pinagkakaguluhan na tuloy kami.

"Okay ka lang?" Si Jash na tinitignan parin ako.

May sugat ako sa siko na pinatuon ko no'ng tumalsik kami at cute badtrip sa tuhod na medyo malaki.

"Ays lang," mahinang sabi ko.

Nagdadasal parin dahil alam kong alam na nina Mama. Buti memorize ko number ni Kali. Si Kali nga ang tinatawagan ko para 'di ako mapagalitan pero magkakasama na pala sila huhu.

Busy si Carlo kakapagpag ng damit niya habang nadaing na rin sa mga sugat na tinamo niya. 'Di siya makalapit sa akin kase inaayos din nila 'yung motor.

Malamang broken pa 'yon.

"Alam na nina Tita?"

"O—" Sabay sabay kaming nasilaw sa liwanag ng parating na tricycle. Tantya ko lagpas 8:00 na pero puno parin ng tao ang kalye dahil sa nangyari.

Tumayo si Rei para tanawin 'yung tricycle. Imbis na doon tumingin ay mas napatingin ako sa kasunod na motor. Parang gusto kong magpalamon sa lupa ng makita ang mukha ni Danjay.

D-ina-rive niya ang motor ni papa at nang patayin niya ang makina noon para bumaba ay lalo akong kinabahan.

Mukha siyang galit pero nang bumaba ang tingin niya sa braso ko ay bigla 'yong nagbago. Lalapit sana ako nang biglang may sumabunot sa akin.

Nang lingunin ko ay ganoon na lang ang takot ko ng makita si mama na nanunubig na ang mata.

"Ano bang pinaggagagawa mo, Mara?!" Halos maiyak an sigaw ni Mama. Gusto ko na ring umiyak pero biglang pumunta sa harapan ko si Carlo at sinalag ang balak na pananakit ni mama.

"Sorry po, ako po 'yung may kasalanan." Paliwanag niya. Tinignan ko si Danjay na nakatingin na rin kay Carlo. Lalo akong binalot ng kaba habang iniisip paano magpapaliwanag na sa kanya.

Mama looked at me bago hinawi si Carlo. "Umuwi na tayo!"

Umayos ako ng tayo bago sumunod kay Mama. Pinagtitinginan na kami ng lahat kaya gustong gusto ko nang makaalis dito.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napangiwi na ako. Potek.

Nilingon ako ni Kali na natataranta na. Lalapitan sana ako ni Carlo pero mabilis siyang binangga ni Danjay gamit ang balikat na naging dahilan ng pagtabi niya.

Sinapo ni Carlo ang balikat niyang binangga ni Danjay at galit nang bumaling dito.

"Ano bang problema mo?!" Si Carlo.

Danjay ignored him bago ako binuhat na kinatigil ko. "Don't move."

Sinakay niya ako sa loob ng tricycle kasama ni mama habang si Gail at Kali ay nasa angkasan na.

Matapos akong maibaba ni Danjay ay mabilis ko siyang sinundan ng tingin.

Takot na takot pa ako nang magkasalubong sila ni Carlo pero nilagpasan lang siya ni Danjay at sumakay na sa motor ni Papa.

Nakahinga ako ng maluwag doon bago naramadaman ang biglang paghila ni mama sa tenga ko.

"Mamaya ka sa akin Mara!"

Nang makauwi kaminay binayaran na ni Gail yung tricycle habang si Danjay naman ay kausap na si Kali. Hindi manlang siyang nalingon sa akin kaya lalo akong nalungkot.

Galit ba siya?

"Pumasok ka sa loob Mara!" Sigaw ni Mama sa loob ng bahay. Medyo um-okay na ang tuhod ko kaya nakakapaglakad-lakad na ako.

Nilingon ko ulit si Danjay at namataang nagpaalam lang siya kay mama pagktapos ay naglalakad na siya palayo.

Ni hindi manlang ako binalingan...

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon