52

203 15 11
                                    

"Nachat mo si Danjay?" Bungad ni Kali sa akin. Halos limang araw na rin noong huli kong nakausap si Danjay.

Noong nasira kase phone ko, pinarusahan ako! Hindi raw kami mayaman at pinaghirapan ni Papa yung pambili ko ng phone kaya maghintay ako kung kailan ako mabibilhan ulit.

Kaya ayon, miski si Ate Gail hindi ako pinahiram para raw malaman ko ang halaga ng bagay bagay. Kahit 'di ko naman sinasadyang masira!

Lagi namang nandito si Kali, halos isungalngal pa niya 'yung phone niya sa akin. Hiramin ko lang pero hindi ko ginawa, narealize ko lang kung gaano kalayo estado ko kay Danjay.

"Ignore means no," suhol na naman niya. Hinawi ko siya't pinagmasdan na naman ang bakante kong papel. Wala akong maisip na sagot.

"No ba sagot mo?" singit na rin ni Jash. Inilingan ko na lang siya at binalik ang tingin sa papel.

"Pass your paper." Nang marinig 'yon ay napatigalgal ako. Ni wala pang pangalan ang papel ko! Teka!

Tumayo si Kali at biglang hinarang ang isang papel sa mukha ko. "Ire-write mo, ako bahala magpasa," sabi niya bago bumaling sa teacher naming nakatingin na sa kanya.

"Pakipasa kay Kali," anunsyo ng teacher. "Kali, padala sa office ko." Sabay talikod. Masama akong tinignan ni Kali bago nangolekta ng papel.

Nang tignan ang bigay niyang papel ay natawa ako, papel niya kase 'yon. At puno ng sagot, kokopyahin ko na lang.

Bago pa ako masermonan ay kinopya ko na, hindi niya naman ako hinahayaang kopya lang. Mamaya o bukas kailangan i-recite ko sa kanya ang natutunan ko, Walanjo.

"Punta akong SM mamaya," sabi ko sa kanya habang pauwi kami. "Sama ka?"

"Gagawin ko don?"

"Kain tayo," suhestiyon ko para sumama siya pero inilingan niya ako.

* * *

Dahil hindi ako sinamahan ni Kali. Mag-isa akong nagtitingin ng mga damit na wala naman akong balak bilhin.

Window shopping lang... Usto ko lang maglakad lakad.

Nakakastress 'yung school eh. Binigyan din naman ako ni Ate Gail panggala.

Hindi naman ako mala-Danjay na kahit anong hawakan eh mabibili na.

Teka? Bat nasali si Danjay?!

Nakakaiyamot pa na paghawi ko ng iilang dress ay nahagip ko ang pamilyar na bulto ng kung sino.

Kilalang kilala ko, nakakaiyamot.

Yumuko ako at halos magtago na, hindi lang nila makita, iniangat ko ang tingin sa kanya. Nang magtama ang tingin namin ay tinawag ko na lahat ng santo, huwag lang siya lumapit.

Isang pagkakamali ang pagpunta rito.

Kagaya ng dati niyang awra, mayabang siyang lumakad sa pwesto ko. Nakaakbay pa sa babaeng kaibigan niya lang raw pero girlfriend niya ngayon.

"Mara?" tawag niya nang hindi ko sila tignan. Umakto akong nagulat bago ngumiti ng malaki, feeling ko sobrang plastic no'n pero sige na.

"Si Melly nga pala, girlfriend ko." Ang kapal ng mukha mo.

Ngumiti 'yung Melly na parang hindi niya ako kilala. Naglahad pa ng kamay kaya halos sakalin ko na.

"Yeah, yung kaibigan mo lang noon..." Sa inis ko hindi ko namalayan na tunog bitter na ako.

Okay, Carlo is my ex. And this girl, is the reason why we broke up. Pakilalang kaibigan lang at 'di dapat pagselosan. Girlfriend naman ngayon.

"Una na kami, Mara!" hambog niyang paalam. Tinanguan ko lang habang nakangiti. Ang kakapal talaga. Mabuti na lang at nakawala na ako sa manlolokong yon.

Pagkatalikod nila ay siyang bagsak ng ngiti ko, napaltan iyon ng pagkamuhi at inis. Kaya rin kami naghiwalay dahil hindi siya nakaisa. Nakaisa ata siya sa Melly kaya iyon ang napili.

"Galit na galit a." Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang pamilyar na boses.

And then, I saw Danjay. Nagbubuklat siya ngayon ng mga damit na parang kanina pa siyang nakikinig.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang tingin namin, walang pinagbago. Hindi siya mukhang galit o nagtatampo.

"Kumusta?" Casual pa niyang tanong na halos magpalambot ng tuhod ko. Naalala ang ilang araw na pambabaliwala.

"Ayos lang." Humanap ako ng mabubuklat. "Ikaw ba?"

Pagkatanong ay bigla niya na naman akong tinignan, kusa akong umiwas nang tingin, nahiya bigla.

"You're alone?" tanong na naman niya. Lumingon pa ako sa paligid. Baka kase hindi ako 'yung kausap eh.

Napansin niya ata 'yon dahil umayos siya ng tayo at mariin akong tinitigan. "I'm talking to you, Mara."

Ba't parang galit?!

"Oo." Tanging nasabi ko. Wala akong masabi. Nakakahiya.

Teka connected ba 'yung sagot? Anong tanong ulit?

Ni hindi ko siya binalingan, nakayuko lang ako. "Una na ako."

"Ihahatid na kita." Doon ako natigilan. Sinalubong ko ang tingin niya, mukha siyang seryoso kaya tumawa ako, nagbabakasaling tatawa rin siya pero hindi.

Napaubo ako dahil sa hiya at pagtigil ng tawa, hindi ko maclassify. Galit ba siya?

"Uuwi ka na rin?"

"Yeah."

Napaayos ako ng tayo, hinawakan na ang strap ng slingbag ko.

"Di pa ako uuwi eh." Palusot ko. Binalingan niya na naman ako kaya umiwas na naman ako ng tingin.

Ano?

"Edi sasamahan kita kung saan ka pupunta."

Huling sabi niya na nagpatigil ata sa paghinga ko. Ano?

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon