113

205 16 10
                                    

Dahil ata sa kalutangan at sunod sunod na klase. Late akong nakapasok. Kung kailan last day of the week. Tsaka pa gumanito.

It's been a month mula noong mag-start ang klase. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi kina Kali na dito na ako.

Maybe because busy rin sila sa mga buhay nila. At ako rin naman, nagkakataon lang na kahit malapit bahay ko kina Kali. Hindi niya pa rin ako natutunugan.

Sobrang nakakalito ang school namin. Dahil halos nagkakamukha ang mga building. Ilang beses na ako naligaw. Kahit isang buwan na ako dito. Hindi ko pa rin makuha kuha ang mga lugar.

Ending. Mukhang male-late pa ata ako. Ibang room daw ang kasi gagamitin namin. Sumakto pa na late akong nagising kaya manginig nginig na ako sa daan.

Room 405 is so unfamiliar. Hindi rin sunod sunod ang mga numbers sa mga room at wala pang number 'yung iba!

Binobomba na rin ako ng iilan kong mga kaklase pero wala naman akong sinagot ni isa.

Naikot ko na halos ang lugar pero senyales ng 405 wala. Kalapit daw ng garden.

Gurl, alam ba nila na napakaraming garden dito?!

Lalo akong binalot ng kaba noong mag-notif ang chat nila na nandoon na ang Prof. Nangungulit na at mukhang marami ring naligaw. Hindi rin mahanap ang lintik na Room 405 na 'yon!

I was busy back reading on our group chat nang aksidente kong mabuksan ang chat head ng kung sino.

Talaga namang kung kailan kailangan. Saka nag-lag ng tuluyan ang phone ko.

Danjay Montano:
Wala kang class?

Nanlaki ang mata ko nang mabasa 'yon. Napangiwi ako at mabilis na lumipat sa gc namin. Baka naman may ibang indication or sign ng room oh!

Danjay Montano:
Mukhang stress. Anong problem. Can I help?

Wait. Shocks nakikita ba niya ako?!

Agad akong napalingon sa paligid. Nagpop up na naman ang group chat namin saying na nag-aattendance na ang Prof.

B ang apelyido ako! Ano 'yon?! Late na agad ako?!

Dahil wala ng choice ay pinindot ko na ang call sign sa tabi ng pangalan ni Danjay. Connected sa WiFi kaya no problem.

["Yeah?"] Halos mabitawan ko ang phone ko nang marinig ang boses niya. Ang linaw no'n. Ang bilis talaga ng wifi sa school. Hindi choppy.

Umayos agad ako ng tayo, habang kinakalma ang puso ko.

"Sorry if I bother you... Uh... Hindi ko kasi alam kung saan ang room 405." Tuloy tuloy na, nang isang hiyaan na lang.

"Saang garden ba malapit 'yon?"

["Nasa likod mo 'ko."] Nailayo ko ang phone ko dahil malinaw nga ang boses niya. Akala ko pa naman kanina 8D 'yung sound.

"Kanina pa kita tinitignan." Tinignan niya ako sa mata kaya napaiwas ako ng tingin.

"I told you to chat or text me pag may klase ka na hindi mo alam kung saan." Parang nagsesermong sabi niya. Sumenyas pa siya na sumunod kaya sumunod ako. Para akong bata. Nakakahiya. Hindi ko alam paano kikilos.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad. Our college uniform suits him. Dahil second year na siya. Nakauniform na siya habag kami civillian pa rin.

May kalayuan sa uniform niya noong shs pero bakit parang bagay lahat sa kanya?

"2nd floor, 8th room." Nilingon niya ako. Ako naman si tanga. Umiwas agad ng tingin. Mahuli pa akong nakatitig edi, nakakahiya.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon