105

119 9 4
                                    

Tuluyan kong nabitawan ang phone ko at nanlalaking matang tumingin sa kawalan. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napasigaw.

Nagpapapadyak pa ako habang sinusuntok ang unan sa kwarto.

Biglang bumukas ang pinto kaya napabalikwas ako. Namataan ko sina mama na hingal na hingal. Nakasunod pa si Ate Gail na buhat buhat ang pamangkin ko kaya natigilan na ako.

"Bakit?" tanong ko habang pinagmamasdan sila. Hinubad agad ni mama ang tsinelas niya. Handang handa nang ihambalos sa akin.

Tuluyan na akong tumayo. Sabay ilag para hindi mapalo ni mama. "Nakina Tita Sally mo ako. Ako'y napatakbo sa sigaw mo— tapos tatanungin mo kaming bakit?!"

Gigil na gigil si mama habang hinahabol ako. Ako naman si gaga. Magaling umiwas, kaya ni isa. Walang tumama sa pagwasiwas niya.

Sorry pa ako ng sorry hanggang sa umalis na si Ate Gail at Papa. Narealize ata nila na nag-iinarte lang ako.

Katakot takot na sermon pa ang inabot ko bago sila umalis ng kwarto. The moment that they left. Sumampa na ulit ako sa kama.

Hindi nga ako nagkamali! Ch-in-at ako ni Danjay! Omygad! Nakita niya atang typing ako! Teka... kita ba 'yon?!

Naseen ko pa 'yung message niya.

Anong irereply ko?! Dapat ba akong magreply?!

I miss you too...

Too? Baka wrong send. Wala naman akong sinabing miss ko siya ah? Oo miss ko siya pero wala akong sinabi!

Umayos ako ng upo. Na para bang nakikita ako ni Danjay ngayon, na kailangan ko maging formal.

Nagsimula akong mag-type habang dinadama parin ang kabog ng dibdib.

Wrong send?

Potek. Ang pangit, tunog assuming... Binura ko 'yon at nagtype ng panibago.

Too? May sinabi na akong miss kita?

Nasapo ko ang noo nang mabasa 'yon. Bakit parang tunog Kali naman nito?!

Kamusta ka na?

Feeling close.

Miss me too? Miss ba kita? Miss na miss kamo. Miss you more.

Nang mabasa 'yon ay napahagalpak ako ng tawa. Hindi ko na alam, hindi na ako marunog makipag-usap!

Inis akong sumigaw sa unan para hindi na marinig nina mama. Nakakafrustrate!

Ending pinatay ko na lang phone ko at lumabas. Kailangan ko ng hangin. Kailangan ko huminga!

Halos mag-iisang taon na rin noong lumipat kami dito sa Aklan. Sa bahay ng tita ko kami tumira. Maganda naman dito, sariwa ang hangin. May kalayuan sa nakasanayan ko sa city.

Sinisipa ko ang batong nadadaanan ko. Nag-iisip ng perfect reply kay Danjay.

"Mara!" Natigil ako sa paghakbang at napaangat ng tingin sa tumatawag sa akin.

It's Lila, pinsan ko. At kalaunan, naging tropa ko rin dito. Siya ang nagsalba sa akin. Kung wala siya baka nasiraan na ako ng bait dito.

"Mangungutang ka? Wala akong pera. Wala pang sweldo." Panimula ko. Batok agad ang bungad niya kaya nahilo pa ako ng ilang segundo.

Sadista nga pala tao dito. Okay lang naman ako.

Napansin niya atang nawala ako sa ulirat kaya kinapa niya ulo ko. "Sorry napalakas. Tanga mo kasi!"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon