84

137 8 2
                                    

"Cute ka ha? Ayan suyuin mo bebe mo." Si Rei na nakain na nang fishball. Nasa dating tambayan parin kami. Kung saan ko nakita si Danjay dati.

Okay naman kami pero huhu para siya laging iwas sa akin.

Tinignan ko si Kali na pabalik na sa table namin na kakakuha lang ng drinks. "Kali anong ginagawa mo pagnagtatampo sa'yo bebe mo?"

Nilapag niya ang tray bago ako inirapan. "'Di uso sa akin manuyo," maikling sagot niya bago humigop sa kanyang shake.

Napasimangot ako lalo. Dumagdag pa yung mga taga kabilang table na kanina pa kami pinag-uusapan. Naging kalat din kase yung balita na may babae't lalaking naaksidente dahil sa katanagahan. At taga-CIS 'yung babae.

Nagkabalikan din naman sina Melly at Carlo. Hayp na mga 'yon, dinamay pa ako. Nawalan pa ata ako ng manliligaw huhu.

Ako na lang kaya manligaw? Allowed naman 'yon 'no?

"Mara." Sabay-sabay kaming apat na napatingin sa nagsalita. Nanlaki pa ang mata ko nang makita si Carlo. He's wearing his school uniform habang may mga band-aid at benda parin sa mukha at katawan.

"Okay ka na?" tanong niya na para bang wala ang mga kaibigan ko sa table.

Tinignan ko siya mulo ulo hanggang paa. "Oo, at ikaw mukhang mas okay pa sa okay." Ayaw akong pansinin ni Danjay dahil sayo tapos nakakangiti ka pa huhu.

"Sorry nga pala sa nangyari," panimula niya. Umusod si Rei para bigyan ng way si Carlo kaya napangiwi ako.

"Okay na, okay lang," alma ko nang tumigil na. Napakamot siya sa kanyang batok pagkatapos ay naglahad ng isang balot ng paborito kong caramel candy.

"Sorry ulit," sabi niya. 

"Favorite mo parin 'to 'no?" dagdag niya. Tinignan ko si Kali na katabi ko. Tahimik lang siya pero alam kong ayaw niya naman kay Carlo noon pa man.

"Huwag na," sabi ko pero bigla siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kali kaya miski si Kali ay napalingon sa kanya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo 'to kinukuha."

"Amin na nga." Agaw ko. Nagulat ako ng bigla niya 'yong kunin at natatawa akong tinignan.

"So favorite mo parin pala 'to?"

"Oo nga! Akin na!"

Pekeng umubo si Rei bago nagsalita. "Paggalang... Paggalang sa mga single."

Hindi ko siya pinansin, imbis ay binangilan ko na lang si Carlo na natatawa parin. Hahablutin ko sana yung caramel candy ng bigla siyang tumayo.

Tumayo na rin ako kasabay ng pakikipag-agawan ng kendi. Sabay na lang kaming natigilan ng may isang grupo ng mga ka-age namin ang pumasok sa lugar.

Kapwa kaming napalingon ni Carlo at ganon na lang ako iniwan ng kaluluwa ko nang makita si Danjay. Nakasuksok ang pareho niyang kamay sa bulsa habang nakatingin sa amin- sa akin.

Maya maya ay lumipat ang tingin niya kay Carlo. Doon ako napakurap at mabilis na naupo.

"Dan, bebe mo oh." Si Tom pero nilagpasan lang ni Danjay ang table namin. Lahat nang kasama niya ay naguluhan din pero si Jewel ang pinakanahagip ko. Hindi dahil siya lang ang babae. Kundi dahil sa naguguluhan siyang tumingin sa aming dalawa ni Danjay.

Oh ano? dapat nga masaya ka!

"Jewel, anong flavor sa'yo?" malakas na sabi ni Danjay mula sa counter. Tinignan ko si Jewel ngayon na nanlalaki na ang mata habang nakatingin na sa akin.

Tom with his friends also looked at me and Danjay with shock.

Binalingan ko sina Rei at Jash na gulantang na rin. Kali was just smirking on the side kaya napairap na ako.

Edi wow.

"C-Cookies and c-cream!" sigaw ni Jewel sabay takbo papunta sa direksyon ni Danjay. Gulat sina Tom pero nag-apir din kalaunan kaya lalo akong nairita. Sinamaan ko ng tingin si Carlo na nagpipigil na rin ng ngiti.

"Need help?" tanong niya. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon. Si Rei na katabi ko ay biglang tumayo.

"Gusto ko ng gan'to!" Mahina siyang natawa. 

"Kuya! dito ka!" tawag niya kay Carlo. Matagal ko ng naging bf si Carlo siguro mga Grade 9 pa kami no'n. Si Rei naman at Jash noong Grade 11 ko lang na-meet.

Nag-lean palapit si Jash sa akin para bumulong. "Uy ito ba yung napapanood ko sa K-drama?"

Noong una ay naguguluhan pa ako pero ng tumabi si Carlo sa akin ay naintindihan ko na.

"'Di ka dapat dehado," bulong niya na kaming mga nasa table lang ang nakakarinig. Tumawa ng malakas si Rei kaya napatingin ang lahat sa kanya, kasama noong mga kaibigan ni Danjay.

"Patawa 'to si Ku— Carlo!" Maharor na sabi ni Rei. 

Luh?

Kinuha ni Kali ang shake niya sa table bago umiling. Halatang hindi na natutuwa sa nangyayari.

"Umalis ka na an' dami mong alam." Taboy ko kay Carlo pero bigla siyang dumampot ng fries at sinuksok na sa bibig ko.

Nilingon ko si Danjay at namataang nagtatangis bagang siyang nakatingin sa ibang direksyon.

"Niligawan ka ba no'n?" tanong ni Carlo.

Nakikain pa nga. "May ambag ka ba diyan?" Saway ko ng makitang kuha siya nang kuha sa kinakain namin.

"Ay sorry." Nagpagpag siya nang kamay. "Bibili ako. Ano bang gusto mo?"

"Si Danjay ang gusto ko bakit?!" singhal ko. Nanlaki ang mata ni Carlo, nabitawan ni Jash ang stick na hawak niya habang si Rei naman ay nalaglag na ang panga.

Hindi ko narealize agad ang sinabi ko pero nang balingan ko ang table nina Danjay ay namataan ko si Tom na tawa na nang tawa. Parang gusto ko magpakain sa lupa.

Si Tom ang pinakamalapit sa table namin habang si Danjay ay nasa dulo kaya sigurado akong 'di niya narinig ang sinabi ko.

"Gusto mo ba, Mara?" Pang-aasar ni Tom sa kabilang table. Napatingin si Danjay sa kanya pagkatapos ay sa akin. Umiwas din agad siya ng tingin nang makitang nakatingin ako.

"Sa 'yo lang naman talaga, Mara." Dagdag pa ni Tom na lalong nagpapula ng pisngi ko. Epal din 'to lagi 'no?

Tinignan ko ulit si Danjay at napansin na hindi sila magkatabi ni Jewel. Jewel was sitting beside an empty seat malayo kay Danjay.

Akala ko ba magkasama kayo?

"Uwi na tayo." Anunsyo ni Kali. Kinuha niya ang bag niya at nauna na sa amin.

Kinuha na rin nina Rei ang mga gamit nila. Habang si Carlo, nawala na. Nasa counter pa ata. Bahala na siya. Kaya na naman niya sarili niya.

Naunang silang lumabas habang ako ay nagapahuli talaga. Binalingan ko ang pwesto nina Danjay at agad na nagsalubong ang kilay ko nang makitang wala na siya sa upuan.

Hahakbang na sana ako paalis nang bigla akong mabunggo sa kung sino. Magsosorry sana ako ng maaninaw ang pamilyar na logo sa dibdib niya.

Nang mag-angat ako nang tingin ay halos tumigil ang paghinga ko. "Danjay..."

Kinuha niya ang bag kong nakasabit sa sandalan ng upuan. "Ihahatid na kita."

"Paano si Je—"

"Hi hon!" Natigilan ako ng may lalaking umupo sa tabi ni Jewel 'yung kaninang bakante. That guy even kissed Jewel.

"Boyfriend niya 'yon?" I asked out of nowhere. Danjay stared at me kaya awkward akong ngumiti.

"Galit ka pa?"

"Bakit ako magagalit sa'yo?"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon