47

217 18 15
                                    

"Teka, awts aym hurt!" sigaw ko. Sa gulat ni Danjay na nasa tabi ko lang ay bigla niyang naipreno ang bike niya.

Sa lakas ng impact ay kita ko kung paano nausod ang katawan niya paharap.

Sumenyas akong stop kaya naiangat niya ang salamin niya, oo, nakasalamin siya dre. Yung pang-araw ata yon.

"Taympers!" Hingal na hingal na sabi ko. Dre, ang pa-Maynila na ata kami sa layo na ng napidal ko.

Sumenyas siyang gumilid muna kami kaya sinunod ko. Kinuha niya ang pink na tubigan sa katawan ng bike ko na ngayon ko lang napansin. May ganoon pala?

"Kaya pa?" tanong niya pagkatapos makuha ang kanya. Uminom siya sa tubigan habang akong si tanga, nawala ata yung pagod.

Ang ganda lang ng view, kitang kita 'yung adams apple ta's 'yung paggalaw noon taas baba ay-

Napainom ako sa sariling bottle ng matapos uminom si Danjay, diretso tingin kase siya sa akin. Halos malunod pa ako sa biglaang pag-inom. Nakanganga ba ako?

"We're 3 minutes away," sabi niya, with matching hingal voice pa 'yon kaya namura ko ang sarili ko sa kaiisip ko ng kung ano.

Kasalanan 'to ni Rei, nadudungisan ako.

"Ha?"

"We're 3 minutes away," ulit niya. Napatango ako kahit walang nagets. Pagod na ata ako at wala nang pumapasok sa utak ko.

"Kaya pa? Tara na, o pahinga muna?"

"Malayo pa ba?" tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya, bigla bigla ay napahawak siya sa bewang niya, naguguluhan na akong tinignan.

"Bakit?" tanong ko. Kinapa ko pa mukha ko. "May dumi?"

"We're three minutes away, Mara," mabagal niyang sabi. Ako naman ang napakunot noo. Ano naman ngayon?

Wait...

"Saan?" I asked one more. I heard him whispered. "Jesus."

Kaya literal akong namula. Ano bang meron?! Bakit nagtatawag na 'to ng kung sino?!

"Mara," tawag niya. Maya maya ay tumawa sabay lapit ulit sa'kin. "You're tired."

"Alam ko."

"Yeah, it's obvious. Listen to me." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya naguluhan na ako lalo. Okay?

"We're three minutes away, sa pupuntahan natin." Sobrang bagal ng pag-pronounce niya. Ang awakward huh?

Hindi ko maintindihan bat ang bagal niya magsalita! Parang pinapaintindi sa akin nang maigi pero gets ko naman!

"Kung kanina mo pa sinabi edi tapos na, tara na!" sabi ko. Napansin ko ang pagkamot ulo niya na 'di ko na lang pinansin. Mamaya ko ia-analyze ang pinagsasabi ko. May mali ba?

Dahil nakaparecharge ay ang three minutes na sinasabi ni Danjay ay naging two minutes lang. In an instant I saw a huge park.

Hindi siya park na may mga padulasan kundi nagagandahang structures, picnic grounds and a huge lake? Basta may tubig.

"Anong lugar 'to?" tanong ko. Manghang mangha parin, may magandang arko na pwedeng lakaran ng kahit sino. Mukhang pangmayaman na park dahil may mga malalaki at matataas na building sa di kalatuan.

Syet. Pangmayamang park in short. Adult park?!

"Trinalo Park," simpleng sabi niya. Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid at lalong nangmangha sa ibang magagandang parts.

May grills na bandang gilid kung saan may mga taong naghahagis ng kung ano sa tubig, maya maya ay napuno ng orange na isda ang spot kung saan sila naghagis ng kung ano.

Nahila ko si Danjay at tinuro ang part na 'yon. "Nakita mo 'yon?! Ang dami!" sigaw ko.

Natawa si Danjay at biglang inusod ang bike niya. Akala ko ay aalis na kami kaya malungkot ko siyang tinignan.

"We'll just lock our bikes there." Tinuro niya ang lugar kung saan maraming bike. "Unless, gusto mong gumala ng may bike na kasama?"

Sa sobrang walang mapagsidlan ang saya ko ay walang kwenta rin ang naisagot ko. "Gusto ko ikaw kasama."

Bago pa tumigil ay nabuo ko na, ni hindi ako binalingan ni Danjay pero pansin ko ang pagkibot ng labi niya kakapigil ng ngiti.

"Sasamahan naman talaga kita."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon