30

241 15 0
                                    

"KOYA!" sigaw ko. Naipreno bigla ni Danjay ang motor niya kaya halos mabitawan ko ang box ng bavarian.

Napalabas tuloy ako ng bahay para i-check siya. "Okay ka lang?" tanong ko nang makalapit.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya bigla akong napangiwi. Ano? Siya pa galit? Ako na nga lumapit.

Kanina ko pa kase siya hinihintay, naligaw na ata. Kanina pa pala paikot ikot.

"Magkano?" tanong niya. Tinignan ko ang box at inabot sa kanya.

"Libre," sabi ko. Natigilan siya sa pagdukot ng wallet kaya natawa ako. Salubong ang kilay niya at hindi na malaman kung paano nagrereact.

"Malulugi ka." Baliwala niya sa sinabi ko. Okay, he's not buying it.

Natawa ako lalo at iniwas ang kamay kase naglalagay siya ng 500 sa kamay ko.

"Nabalitaan kong pasimple mo akong pinopromote sa school niyo," pag-amin ko. Natigilan siya't gulantang akong tinignan.

"Legit ako ha?" panggagaya ko.

Umangat rin ang likes at medyo maraming nag-aavail sa akin nitong mga nakaraan. Siya pala ang dahilan.

"Legit ka naman talaga," parang wala lang na sabi niya. Inirapan ko siya at dinikit ang box ng bavarian sa dibdib niya.

"Bayad ko sa promotion," sabi ko. Sinamaan niya na naman ako ng tingin na nagpatawa sa akin. Bakit ba galit na galit 'to? Nireregla na siya o ano?

"'Di ako bayaran, Mara."

Agad na napa-arko ang kilay ko. Napaka-arte naman ng yayamaning 'to.

"Dali na tanggapin mo na, para namang ikakalugi ko ang pagbibigay ng isang box," asar ko. Hindi niya parin iyon tinananggap kaya nag-isip na ako ng gagawin para kunin niya 'yon.

Lumampit ako sa bandang likod ng motor kaya napasunod siya nang tingin.

Basta kong nilapag ang box sa likod na upuan ng motor niya at binitawan, muntikan na 'yong malaglag kaya sinalo niya.

Natawa ako ng makitang siya na ngayon ang may hawak ng box. Easy.

"You're welcome, Danjay." sabi ko sabay talikod. Narinig ko ang pagsigaw niya natinawanan ko lang, baka ibalik pa niya eh.

"Ngiting ngiti," bati agad ni Ate Gail nang makapasok ako ng bahay. Pinilit kong maging normal ang ayos ng mukha bago siya hinawi.

"Baka nakangiti," irap ko. Natawa siya lalo kaya pumasok na lang ako sa bahay.

Ganun na lang ako gulat ko, kamuntikan pa akong madapa ng makitang may tao na sa sala, na kanina naman wala.

"Boyfriend mo?" tanong ni Kali. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, bigla akong nainitan kasabay ng pag-init ng mukha ko.

Nakita niya ba yung mga nangyari kanina?

"Hindi."

"Hindi pa kamo," gatong ni Ate. Pumulot ako ng throw pillow at hinagis sa kanya. Tawang tawa siyang umilag na lalong nagpainit sa ulo ko.

"Issue kayo," inis kong sabi. Binalingan ko na ngayon si Kali na nakatingin sa kamay ko.

"Wala ka atang dalang pera?" tanong na naman niya. Agad akong kumapa ng pera sa bulsa.

Nang walang makapa ay umayos na lang ko ng tayo. "Gcash nagbayad," palusot ko. Tinaasan ako ng kilay ni Kali kasabay ng pagsigaw ni Ate Gail.

"Mama! si Mara binigyan yung boyfriend niya ng isang box na bavarian!" inirapan ko si Ate, bumaling na kay Kali. Pagtingin ko sa kanya ay binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

Like Wala-akong-sinasabi look.

Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na naupo sa sofa, di mapigilang maisip kung magugustuhan ba ni Danjay yung bigay ko.

Weird.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon