54

197 13 4
                                    

"You can sleep here." Tapik niya sa sariling balikat. Nag-init ang mukha ko at umirap na.

Sobrang traffic walanjo. Mag-iisang oras na ata kaming nakatigil.

"Maalam ka pala mag mag-commute no?" tanong ko sa kalagitnaan nang pagkakatulala.

"Oo naman," simpleng sagot niya. Tumango na lang ako at umiwas ng tingin.

Naa-awkward parin ako. Mageexplain ba ako bat hindi ako nakareply?

"Bayad po." Dahil ako ang mas malapit, aabutin ko na sana ang bayad ng lalaki. Nagulat na lang ako nang unahan ako ni Danjay at siya na ang nag-abot sa harap. Napabuntong hininga ako bago bumalik sa pagkakatulala.

Tinitimbang kung aamin ba ako. Dapat ba? Ano ako girlfriend?

"Sorry," bulong ko sa kawalan. Okay umamin ka na lang.

Ramdam ko ang pagbaling ni Danjay sa akin kaya hindi na ako sumubok na balingan siya pabalik. Nakatingin lang ako sa daliri ko.

"Nasira phone ko, kaya 'di ako nakareply," bulong ko. 'Yung kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Nailang pa ako sa sarili, talaga namang sa jeep pa ako nagganito eh.

"I know," sabi niya. Nagulat ako at napaangat ng tingin sa kanya.

"Kali told me," dagdag pa niya. Natigilan ako lalo, hindi na malaman ang sasabihin.

"Nahuli niya ako one time na inaabangan kita sa inyo, wala naman akong planong kitain ka. Nag-alala lang ako. Wala ka kasing reply ng ilang araw. And I saw her, tinanong ko kung may nangyari ba sayo. Hindi ka rin naging active sa f-" Napangiwi ako ng biglang prumeno ang jeep sa mabilis nitong andar.

Nauntog tuloy ako kay Danjay kaya naputol ang sinasabi niya, he even checked me kung ayos lang ako.

Epal kase, feeling mayaman, Mara?! Ngayon lang nakasakay ng jeep?!

"Talaga?" bawi ko.

"Yeah."

Hindi ko namalayan, ang tagal ko na palang tulala. Nakaidlip pa ako sa pagod kakawindow shopping. Wala naman akong nabili.

Nagising na lang ako sa mahinang yugyog ni Danjay, sinasabing nandito na kami.

Sunod na sinakyan namin ay tricycle, another pila na naman pero mabilis lang, sa backride kami sumakay.

"Bayad po." Si Dandy na malutong na berdeng pera ang inabot. Napairap na lang ako at kumuha ng barya sa wallet. Tinabig ko ang kamay niya, ako na ang nagbayad.

"Ako na," harang pa niya. Inilingan ko siya at nagbayad ng saktong halaga.

"Ikaw nagbayad sa jeep kaya ako na. Saan ka ba? Isang Sunflower po-" Binalingan ko siya, binigyan ng tingin na nagtatanong kung saan siya. Mukhang nagets niya kaya sumagot siya. "Sunflower din."

Nanlaki ang mata ko kasabay nang pag-andar ng tricycle napahawak ako sa grills habang si Danjay ay biglang humawak sa bakal sa gilid ko, para hindi ako mahulog.

"Humawak ka kase," supladong sabi niya. Napairap ako at humawak na.

Nakakainis ba't ang sweet? Ba't ang lutang ko?! Siya kase ang katabi ng dtiver, ako sa gilid. Nakahawak siya ngayon sa bakal na nasa kanan ko. Parang seatbelt tuloy yung kamay niya ngayon.

Tinigil kami sa tapat ng bahay ko. Si Danjay, seryoso masyado. Bumaba rin.

"Pahatid ka na lang sa inyo! Okay na ako dito!" Tulak ko para umupo ulit siya. Napapatingin pa si Manong sa amin, hindi malaman kung aalis na ba siya o ano.

Mukha ba kaming magsyotang nag-aaway?

"Maglalakad na lang ako." Bumaba na siya kasabay nang pag-andar ng tricycle kaya napakurap na ako.

"Oh ano? M-Maglakad ka na," sabi ko nang makitang nakatigil lang siya sa harap ko.

"I wanna know the answer." He suddenly blurted out. Nagsalubong ang kilay ko kaya nakamot niya ang kanyang panga.

"I shouldn't ask you through notes..." Nang marinig iyon ay kumabog ang dibdib ko. Hindi siya makatingin sa akin ganoon rin ako. Para akong nahotseat na 'di malaman.

Dami kong bagay na di na-gets. Bakit ito naintindihan ko agad?!

Matagal na katahimikan ang namutawi sa amin, rinig na rinig ko ang kuligig sa sobrang tahimik.

"Can I court you, Mara?" tanong niya na nag-echo sa buong lugar. Kahit na mahina lang iyon ay rinig na rinig ko.

"Hmm?" soft niyang tanong. Namula ang pisngi ko, binagabag na naman ng katayuan namin sa buhay.

"Seryoso ka ba?" tumatawang tanong ko. Pampaalis awkward sana pero seryosong siyang nakatingin sa akin.

Mukhang 'di nakikipagbiruan.

"I mean, mahirap lang ako. Napakayaman mo. Public school lang ako, private ka. Wala ka bang type do'n?"

"Liligawan ba kita kung may type ako do'n?" Pambabara niya na nagpakurap sa akin. Mukha siyang pikon kaya napangiwi ako.

Ba't naman kase galit.

"Remove the lang," sabi niya. Inayos niya ang suot na coat bago taimtim akong tinignan.

"You're not just Mara, You are Mara," sabi niya. Hindi ko iyon nagets kaya nagsalita ako.

"Anong connect?" Napabuntong hininga si Danjay, biglang tumingala, nagpipigil ng tawa.

"I'll court you."

Hindi tanong kundi sinabi niya...

Anong choice ko? This is grasya!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon