71

139 11 3
                                    

Mag-a-alas syete na ng gabi at doon pa lang nagiging alive ang lugar. Kung kanina ay halo halo ang tao, may matanda at bata. Ngayon, tanging mga kaedaran na lang namin ang natira.

Kali is busy with her phone habang si Rei naman ay may kausap na sa gilid. Si Jash ay may nakitang kakilala kaya nandoon na siya sa table ng mga 'yon.

"Kuha kitang pagkain?" tanong ni Danjay kaya napabaling ako sa kanya. Pinagsalubong ko ang kilay ko. "Bakit ba puro ka pagkain?"

Natawa siya at hinawakan na ang noo ko para tanggalin ang pagkakakunot no'n. "Baka lang kase nagugutom ka na," depensa niya na inilingan ko lang.

Umiwas ako ng tingin para sana hanapin si Jash, nang ibang tao ang nahanap ng tingin ko. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa direksyon namin dahil bigla siyang umiwas ng tingin, tapos babaling ulit.

Nang makitang nakatingin parin ako ay tinapik niya ang katabi niya para iyon ang kausapin.

"Pakilala kita?" si Danjay.

Napatanga ako at tumingin na sa kanya. "Saan?"

Tumayo siyang hinila na abg kamay ko. "Kina Jewel..." Sa babaeng katitigan ko kanina.

Nakahawak lang si Danjay sa kamay ko hanggang sa marating namin ang table na iyon. Puno iyon ng hindi gaano pamilyar na mukha kaya tanging ngiwi ang nagawa ko.

Feeling ko mga taga-private school 'tong mga 'to.

"Guys si Mara, Mara si John... Etha—" at marami pang pangalan. Halos lahat ay kinamayan ko makilala lang.  Sa dami nila ay hindi ko na matandaan ang pangalan ng iba hehe.

"Si Jewel, nagmeet na kayo kanina 'no?" tanong ni Danjay sa amin. Napatingin kami ni Jewel sa isa't isa at awkward na natawa.

"Oo.." Si Jewel. Inalok kami ng pagkakatanda ko John ang name ng upuan. "Dito ka naman Danjay. Selos na selos na kami sa mga bago mong kaibigan!" singhal ng isa na kinatawa ko rin.

Ang clingy na cute...

Pinaupo muna ako ni Danjay pagkatapos ay nilagay rin ang upuan niya kalapit sa akin. Sobrang ingay nila, siguro dahil malakas din ang tugtog sa paligid kaya ganon sila magsigawan.

"Taga-saang school ka?" biglang tanong ni Jewel na katabi ko lang. Busy ang lahat dahil may kanya kanya silang kausap. Miski si Danjay na katabi ko.lang ay parang nasa ibang mundo na rin.

Dahil wala naman akong makausap...

"CIS." Tinignan ko siya pagkatapos sumagot. Obviously, mukhang hinihintay niya rin akong magtanong kaya nagtanong na ako. "Ikaw?"

"Ako?" turo niya sa sarili. Hindi si Danjay talaga ang tinatanong ko.

"Trinos International School lang naman..." sabi niya. Napatango na lang ako dahil hindi ko naman alam kung saan yon. Basta tunog pangmayaman. Nevermind.

"Alam mo ba kung saan 'yon?" dagdag niya na nagpawala sa mood ko. Peke akong ngumiti bago umiling.

"Hindi e.." Wala rin akong pakealam kung nagkataon...

"Ah... Malayo e.. But malapit sa school nina Dandan. Gaano na pala kayo katagal magkakilala?" tanong na naman niya. Ano bang gusto nito?

"Last year lang..."

Nanlaki ang mata niya at madramang sinapo ang dibdib. "Talaga? Bago pa lang pala. Kami kase halos since birth." Unti unti siyang sumiksik sa akin at mahinang nagsalita.

"Nililigawan ka ba niya?" Sa tanong na yon ay ako naman ang namula. Di na malaman kung anong isasagot. Bubuksan ko sana ang labi ko para masalita ng may malaking palad ang sumakop sa mukha ni Jewel at nang tignan ko iyon ay namataan ko si Tom.

"Ano na naman 'yan Jewel. Huwag kang maniniwala diyan, Mara. Tsismosang mayaman 'yan." Bungad ni Tom sabay pwesto ng upuan sa gitna namin ni Jewel.

"Gago ka talaga e 'no?" Si Jewel na mukhang yamot na. Halos lamutakin ba naman ni Tom ang mukha niya tapos hinawi pa palayo sa akin.

"Ano bang tinatanong mo? Parang tsismis eh."

"Tinatanong ko lang naman kung nililigawan siya ni Danjay!" singhal nito habang inaayos ang buhok.

Si Tom naman ngayon ang tumawa at tinuro ako. "Di pa ba obvious? Nakita mo bang dumikit sa babae si Dan. Sa 'yo at kay Loureen lang naman siya nalapit. Corny mo!"

Habang nagme-make face si Jewel ay hindi ko mapigilang mapangiti. Naalala ko ata ang mga sinabi ni Tom.

Naks. Totoo pala talagang hindi malapit sa babae si Danjay 'no?

"7:00 na... Ihahatid na kita?" tanong ni Danjay sa kalagitnaan ng kantahan. Napatingin na rin ako sa orasan pagkatapos ay sa mga kaibigan ko.

"Kami na lang... Malapit lang naman..." sabi ko pero umiling si Danjay. Tumayo siya at may kinuhang apat na paper bag sa table na nagpakunot sa noo ko.

"Ihahatid ko kayo." Nginuso niya ang phone ko na nakalapag sa table. "Baka maiwan— lalo ka na. Nagpaalam ako sa mama mo kaya dapat lang kitang ihatid."

Tinignan ko ang paligid. "Pa'no yung mga bisita?"

"Ilang minuto lang akong mawawala. Tara na?" tanong niya. Nakita ko na rin sina Jash na naramdaman na rin ata na uuwi na kami dahil magkakasama na ang tatlo.

"Ano 'to?" tanong ni Rei nang abutan siya ni Danjay ng paper bag.

"Take out?" kamot batok na sagot niya. Natawa ako at umiling na. Ang cute kase. Siniko pa ako ni Jash na para bang na-impress siya sa pabalot.

"Ito ba 'yung nililigawan ang tropa para mapasagot ang totoong nililigawan?" Parang kiti kiti si Rei. Hindi ko maintinihan kung abno lang ba talaga siya o ano.

"Una na kami.." Tulak ko kay Danjay na naguluhan na.

"We can manage... See you on Monday!" kaway ko. Lalong naguluhan si Danjay kaya natawa ako.

"You're childhood friends want to spend more time with you..." Turo ko sa table ng kaibigan niyang kanina pa nakatingin samin.

"Buong party nasa table ka namin..." I pointed out. "Kaya... lakad na... Kaya naman namin."

"Pero malapit lang naman."

"That's the point malapit lang..." Bato ko. Napangiwi si Danjay kaya lalo akong napangiti.

"Kami na ang bahala... Besides madami kaming pag-uusapan sa daan na girl thingy." Tawa ko para lalo siyang ma-convince. Nang huminga siya ng malalim ay napangiti na ulit ako.

"Happy Birthday again..."

"Thank you, be safe huh? Please.." bulong niya. Doon ako napangiti bago tumango. Nauna sa paglalakd sina Rei habang si Kali naman ay hinihintay na ako.

Binalingan ko ulit si Danjay na nakatingin parin sa akin. Dahil isa akong hindi nag-iisip na babae, sinenyasan ko siya na yumuko, parang may ibubulong ako gano'n. Ang tangkad kase.

Nang makayuko siya sa tamang taas ay mabilis akong umamba ng halik sa pisngi.

NA SA PISNGI LANG TALAGA DAPAT!

"An—" Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang humarap kaya imbis na sa pisngi ay labi ata ang nahalikan ko.

Napuno ng sigawan ang lugar habang si Kali na nasa tapat ko ay laglag panga na. Tinignan ko pa si Danjay na nanlalaki na rin ang mata.

Napahawak ako sa labi ko bago yumuko.

"Sor— una na kami. Enjoy!" sabi ko sabay hila kay Kali. Dahil paliko ang daanan namin ay mabilis akong nakapagtago sa kahihiyan.

Nagpapadyak ako sa ilalim ng puno habang sapo ang dibdib na hindi na magkanda mayaw.

"Nauna yung kiss sa label!"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon