108

123 9 7
                                    

Tom Andal:
Oy nasaan ka?

Tol, nawawala ka, tol?

Danjay Montano:
Tangina mo.

Nasa clinic ako dahil sa katangahan mo.

Tom Andal:
Malay ko bang sisilab yon.

Kaya ayoko ng science. Di ko naman alam na pati sa college may Laboratory pang nalalaman.

Danjay Montano:
College ka na. Obob ka pa rin.

Tom Andal:
Mas bobo kamo.

Nga pala, nakakausap mo pa ba si Mara?

Danjay Montano:
Mara?

Tom Andal:
MARAmi pa diyang iba. Ngunit puso ni Danjay ay para kay MARA BAUTISTA lamang.

Danjay Montano:
Hindi.

Tom Andal:
Anong hindi? Hind kay Mara puso mo?

Danjay Montano:
Hindi ko nakakausap

Tom Andal:
Ah so kay Mara nga talaga puso mo.

Danjay Montano:
Tangina mo. Bakit ba kaklase pa kita hanggang ngayon? Bakit ba di ka na lang lumipat ng school?!

Tom Andal:
Kalma, bro.

Danjay Montano:
Gago.

Tom Andal:
Bakit ba galit na galit ka?! Mula noong maghiwalay kayo ni Mara naging magagalitin ka na ah?!

Danjay Montano:
Ikaw kaya mabanlian ng kumukulong tubig.

Bobo kasi ng partner ko, magsasalin na lang trabaho, ligwak pa.

Tom Andal:
Bat nakakatype ka?

Bobo ka. Tinatamad kalang pumasok sa sunod na klase kaya nagii-injure injure-an ka. Tangina mo too.

Danjay Montano:
Bakit natanong mo si Mara?

Tom Andal:
Weird

Danjay Montano:
Bakit?

Tom Andal:
Parang nakita ko sya. Nakasalubong ko ata.

Danjay Montano:
Nasa Aklan na 'yon. Di na ako babalikan non.

Tom Andal:
Ah sadboi.

Danjay Montano:
Gago

Tom Andal:
Seryoso! Parang nakita ko siya!

Danjay Montano:
Nilunok mo ba yung substance experiment kanina?

Tom Andal:
Bobo seryoso nga

Danjay Montano:
Tulog mo lang yan. Di ako papasok next class. Attendance mo na lang ako.

Tom Andal:
Weird talaga. Nakita ko siya.

Danjay Montano:
Tama na. Di nakakatuwa.

Tom Andal:
Ah broken.

Okay tol.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon