131

131 9 3
                                    

Nalaglag lang ang panga ko habang pinagmamasdan ang huling chat ni Danjay. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib ko na para bang ito ang unang beses ko siyang ma-m-meet.

In reality, ngayon ko lang kasi siya ulit makikita. Ang tagal namin kapwa naging busy sa school plus the researches na ginagawa ko ngayon.

Pagdating ko sa sala. Naabutan ko si Danjay na nakatayo sa gilid. Parang may kinakapa sa back pocket niya. Nang makita ako ay ibinuka niya ang braso niyang welcoming me.

Hindi ko napigilang tumakbo at yumakap sa kanya. As in yakap na parang isang taon kaming hindi nagkita. Buti wala si Mama, baka nasa kwarto. Si Papa may work kaya kami lang ang nasa sala.

Habang yakap si Danjay. Hindi ko mapigilang maiyak. Bukod sa miss na miss ko na siya. Para akong narecharge sa sobrang pagod ko nitong mga nakaraan.

Napansin ni Danjay ang pag-iyak ko kaya unti unti niya akong nilayo sa kanya.

"Hey..."

He only wanted to see my face, so he lifted my chin.

"Why are you crying?" Bumakas ang kaba sa mga mata niya kaya miski ako ay natigilan.

"Don't tell me..." Tumigil siya saglit. "Makikipagbreak ka ba?"

Inaantay ko siyang matawa pero napakaseryoso niya. Natawa oa nga ako noong una. Natigilan lang ako noong mapansing para siyang nabunutan ng tinik nang mapansing natawa ako.

Is he serious?

"You want some? Nadaanan ko 'to habang pauwi ako." Alok niya ng doughnuts.

"Nadaanan? Pamilyar ang galawan ah?" Tumawa siya pero parang may mali kaya lalo ko siyang pinagmasdan.

"Are you okay?" I asked. Kumunot ang noo niya bago kumuha ng pagkain. "Yeah, why?"

"Sure?" May mali... Parang may mali.

"I am okay, hon. Ikaw ba?" tanong niya. I sat beside him. Pinagmamasdan pa rin siya. Bakit kasi lagi niyang inuungkat ang break up?

"Ikaw ba ang makikipagbreak?" I asked out of nowhere. Nabitawan ni Danjay ang hawak niyang doughnut at naguguluhan nang tumingin sa akin.

"I will not do that."

"Then why do you keep on mentioning break-up? The last time I checked, wala naman tayong major na away..."

"We were fine the last time I checked, which was a few years ago. Despite the fact that we have never fought, iniwan mo pa rin ako." Mahina ang boses niya sa last part ng sinabi niya kaya natahimik ako.

Miski ata siya ay nagulat kaya bigla siyang napaiwas ng tingin.

"Sorry..."

"May problema ka ba? No... Anong problema? Kailangan mo ng kausap?"I even moved closer to prove that I am here. Na pwede niyang sabihin ang lahat sa akin.

"I am just tired of school..."

"Saan pa?"

"Internship and research."

I feel like he's holding back on something kaya kumuha ako ng doughnut at kumain. Para hindi siya mahiya in case na magkukwento siya.

Matagal siyang natahimik kaya sinabayan ko rin. I just had the feeling he wanted to say something but couldn't...

"Parents..."

"Hmm? What about tito and tita?" I asked. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Danjay. Pagkatapos ay sumandal na siya sa balikat ko.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon