125

145 9 2
                                    

"'Yon si Danjay!" Natigilan ako sa pagtatype ng sasabihin nang ituro ni Kali ang stairs paakyat sa pinto ng simbahan. Mas mataas na part kasi 'yong simbahan kaya kailangan pang maghagdan bago makapasok.

Parang bumaliktad ata intestine ko. Basta ang weird. Nang makita si Danjay na nakaformal. Ang bilis ng kabog ng puso ko.

"Good morning." 'Yan pa ang bungad niya nang marating ang tapat ko. He even kissed my cheeks kaya lalo akong kinilig. Wait, kilig ba 'to?!

"Paggalang naman sa single oh." Irap ni Kali bago umalis sa tabi ko. Pipigilan ko sana siya pero natanaw ko na rin sina Rei na nakaway papunta sa location ni Kali kaya hinayaan ko na.

"Ang ganda mo." Nilabas niya ang handkerchief niya. Pagkatapos ay maingat na tinap ang noo ko.

"Sabi ko huwag ka na muna pumunta. Sa reception na lang," sabi ko. Umiling lang si Danjay at tinignan ako ng masinsinan. "I want to see you. It's worth it. You look good in yellow."

"Alam ko," sabi ko. Iwas hiya. Nakakahiya pala macompliment hehe.

"Turn around..."

Kumunot ang noo ko pero sinunod ko rin. Bakit? May surprise sa likod ko? Tinignan ko 'yon at ang mga bridesmaid lang naman kanya kanyang selfie at mga cute na flower girls ang nandoon.

Lilingon ko sana ulit si Danjay nang makaramdam ako ng malamig na bagay sa leeg ko. Nanlaki ang mata ko at kinapa ang dibdib ko. I felt a small piece of metal and based on its shape. I can hear my inner self yelling.

Tama nga! Sinuotan ako ni Danjay ng kwintas. Nacurious agad ako sa design kaya kinuha ko agad ang phone ko para silipin.

Gusto kong maiyak nang makitang eroplano 'yon. 'Yon 'yong gustong gusto kong kwintas noon pa. Noong nasa high school pa lang ako. I don't know how Danjay knows this?

"Paano mo nalamang gusto ko 'to?" tanong ko. Sinilip ko pa 'yon tapos malawak na ngumiti sa kanya. Sa sobrang saya ko, yumakap ako sa leeg niya. Mas matangkad siya sa akin kaya kinailangan niya pang yumuko.

"Ang ganda! Salamat!"

"You're welcome... Lakad na ikaw. Kailangan ka na doon oh." Kinalas ko ang yakap sa kanya pagkatapos ay nilingon na ang mga kasamahan kong nakapila na sa pinto ng simbahan.

"I have to go..." Paalam ko. Danjay nods instantly, but I realize we haven't taken any photos yet. May kalapitan lang sa amin ang photographer kaya kinapal ko na mukha ko, kaclose ko rin naman 'yon kaya okay lang hehe.

"Kuya, pakuhanan naman po kami." Inabot ko ang phone ko pero naaalala kong mas maganda nga pala quality ng phone ni Danjay kaya inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Clueless pa niyang tinignan ako. "Anong gagawin ko?"

"Phone mo."

Sa camera sana kaso matagal pa makukuha 'yon kaya sa phone na lang ni Danjay.

"Okay, smile!" Tumabi agad ako kay Danjay pagkaabot ng phone. To my surprise, hinila niya ako palapit sa kanya. His hand even rested on my waist. I can't help but smile the entire time.

"Smile!" I even shouted. Hindi ko na natignan ang mga kuha dahil napatakbo na ako sa linya. Ako na lang kasi 'yong inaantay.

Nang marating ang pila ay nilingon ko si Danjay na hawak pa rin ang phone niya. Hindi ko alam kung kinukuhanan ako ng picture o sadyang hindi makaget-over sa picture namin.

I smiled as I caressed the jewelry he had given me.

Totoo talagang pagmasaya ka. Ang bilis bilis ng oras. The whole year na hiwalay kami ni Danjay felt like a decade. Ngayon, seeing him laughing with my cousins and friends... Sobrang overwhelming...

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon