115

127 7 1
                                    

"Bagay?" tanong ko kina mama na kanina pa nakatingin sa akin.

"Ang ganda kamo." Si mama na nakain pa rin ng anmusal.

It's Monday at ngayon ang unang araw ng mga first year na nakauniform. Ang init niya. Pero air conditioned naman ang school kaya walang problema.

"Mag-aral ka mabuti!" Sigaw ni Ate noong palabas na ako ng gate. Sinundan pa ako ni mama kaya sumenyas na akong pumasok na siya at kaya ko na.

"Ingat ka kakasakay baba ng jeep. Tutuwad tuwad ka ro'n ang skirt mo ayusin mo." Bilin niya. Tumango na lang ako para tumigil na at kumaway pa.

Pagkasara ko ng gate ay ganoon na lang ang gulat ko ng napansin si Danjay sa labas. Nakasuot siya ng uniform na kagaya ng akin. Panglalaki nga lang.

Malamang, Mara. Jusko naman.

Nalipat ang tingin ko sa motor niyang may nakapatong na pamilyar na helmet. 'Yong helmet niyang binili niya sa akin before. Noong naghiwalay kami.

"Sabay na tayo." Walang kaamor amor niyang sabi. Siguro, may feeling na siyang 'di ako sasama kaya tinitigan ko siya lalo.

"Pa-birthday mo na," bulong pa niya. Napaiwas ako ng tingin. Para kasi akong nasaktan.

Bakit parang nagnamakaawa pa siyang samahan ko siya?

Ang kapal ng mukha ko. Deserve ko ba 'to? I mean. Ako 'yong nanakit. Pero bakit parang si Danjay pa ang nabawi?

Napuwing ata ako kasi biglang nanubig ang mata ko. Kinuha ko agad 'yong helmet ko before at walang pasabing nilagay 'yon sa ulo ko. To hide my tears.

Natigilan pa si Danjay sa pag-a-unlock ng helmet niyang nasa kamay niya pa rin.

"Sama ka?" tanong niya.

"Ayaw mo?" tanong ko. Biglang gumanda ang mood ni Danjay. Tinalikuran pa ako bago sinuot ang sariling helmet.

"Happy birthday," bati ko. Nagulat pa ako nang tanggalin ni Danjay ang coat niya. At iniwan ang suot niyang white long sleeve.

Inabot niya 'yon sa akin kaya bigla akong naguluhan. "Lagay mo sa legs mo. Para hindi ka masilipan."

Hindi pa ako nakakareact ay sumakay na siya sa motor. Tinanggal niya 'yon sa pagkakastand bago ako binalingan.

Tumingin siya sa upuan kaya umupo na ako. Inayos ko pa ang coat niya kagaya ng gusto niyang mangyari.

"All good?"

"Oo." Humawak ako sa balikat- bewang niya. Nakakatakot. It's been a long time mula noong sumakay ako ng motor. Tapos nga mainroad pa 'yong dadaanan. Ang daming sasakyan.

"By the way." Binalingan ko siya para marinig nang maigi ang balak niyang sabihin. "Thank you, hon," he added before smiling.

Hindi pa ako nakakareact ay bigla na siyang umandar. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kanya. Ba't naman kasi biglaan?!

By the way, I miss you, Hon.

Tahimik kami buong byahe. Sobrang sarap pala byumahe ng umaga. 'Yong sunrise. Tipong hindi mainit. Sakto lang. Hindi rin masakit sa balat 'yong sinag ng araw.

Nang marating ang school ay madami kaming nadaanang ka-schoolmate. May iilang napapatingin sa amin. May iba namang walang pakialam.

"Wala bang nagnanakaw ng helmet dito?" tanong ko nang ilock niya 'yon sa upuan. Parang nakasabit lang gano'n.

"Wala naman. May CCTV eh."

Tumango ako't nanguna na maglakad. Kapwa kaming dumiretso sa court dahil nga may assembly. Lahat ng college level ay kasali kaya nagsabay na rin kami.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon