41

226 17 2
                                    

"Kung nakakatunaw 'yang tingin mo, kanina pa tunaw 'yang cellphone mo."

Bumalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Kali, inirapan niya pa ako bago umayos ng upo.

"Angeles..." rinig kong sabi ng teacher.

Wala kase kaming klase. Pinapakita lang ngayon grade namin, sa totoo lang. wala talaga akong pakialam.

Natutulala parin ako sa hindi pagrereply ni Danjay, matapos kong biruin tungkol kay Kali nawala bigla!

Noong Wednesday pa yon huhuhu Friday na ngayon.

"Hayaan mo na kase," singit ni Jash na nasa unahan ko, kalat ang upuan namin dahil sa kaunti lang ang nagtake ng ABM sa school, wala rin kaming sitting arrangement.

"I'm hurt." Sinapo ko ang dibdib. "I'm hu-"

"Bautista!"

"Present po, Ma'am!" Sigaw ko sa taranta. Natanggal ni Ma'am Eula ang kanyang salamin at masama na akong tinignan.

Nagtawanan na ang mga kaklase ko kaya nasapo ko na ang noo ko.

"Lumapit ka don! Titignan mo yung grade mo, hindi tayo nag-a-attendance." sabi ni Enzo, napangiwi ako at mabilis nang tumayo.

"Alam ko, bakit?"

"Ikaw Marya, babawasan ko grade mo!" bungad ni Ma'am. Peke akong napangiti, hindi nailang sa pananakot na baka bawasan ng grade. Mas nailang ata ako sa tinawag sa akin!

"Ma'am, Mara po." Pagko-correct ko, imbis na pansinin ako ay tinakpan niya ang grade ng mga kaklase ko, 'yung akin lang 'yung kita.

"Okay ba?" tanong niya. 85 'yon. Ays lang.

"Kung hindi po ba dadagdagan niyo?" wala sa sariling sabi ko. Mabilis na napapaling sa pwesto ko si Ma'am. Halos dumampot siya ng ruler para ibato lang sa akin.

"Joke lang hehe."

* * *

"Parang tanga si Mara kanina, muntikan na minusan buong klase dahil sayo eh," sabi ni Jash, hindi parin ata nakakamove on sa nangyari kanina.

"Shh, broken yan, damayan na lang natin." Rinig kong sabi ni Rei. Napabuntong hininga na lang ako lalo.

"Never underestimate a ghosted heart," sabat na naman niya na nagpainit sa ulo ko. Pauwi na kami ngayon ag halos palabas na ng gate, tumigil ako sa paghakbang at sinamaan na ng tingin si Rei na tuloy tuloy parin sa paglalakad.

"As a teenager, normal lang yan pwend, tsaka ghoster talaga yan mga taga International School na ya-" Napatingin siya sa gilid at nang mamataan na wala na kmi sa tabi niya ay napalinga siya sa paligid.

Namula siya bago tumingin sa paligid, hiyang hiya nang marealize na kanina pa siya nagsasalita mag-isa.

"Luh? kanina pa pala akong mukhang tanga," sabi niya ng makalapit.

"Luh? Matagal ka ng tanga," sabi ko. Humagalpak agad ng tawa si Jash habang si Kali ay napailing na lang.

Tumingin ako sa labas ng gate, nagkalat ang mga street foods. "Kain tayo," sabi ko. Natigil sila sa pagtawa at napatingin sa akin.

"Fishball?"

"Kahit ano."

"Huwag tayo diyan, may alam akong mas masarap," sabi ni Rei sabay hila kay Jash na nakahawak sa akin. Hinila ko na rin si Kali at nagpatangay sa lugar na sinasabi ni Rei.

"Siguraduhin mong pagkain 'yan," si Kali.

"May masasarap ding nakain, syempre."

Dinala niya kami sa palang restaurant, Street Food Hauz ang pangalan. May mga table 'yon na hanggang labas at punong puno ng tao.

"Baka naman mahal dito," sabi ni Kali na nanliliit na ang mata sa menu. Nakakain na ako dati dito, mura lang naman.

"Ayun may bakante," turo ni Rei sa labas. Ilang minuto lang kami sa loob pero pinawisan na kami. As in sobrang daming tao.

"Nakaorder na ako, 10 minutes daw."

"Di pa naman ako gutom." Nakangalumbaba lang ako sa table. 'Di parin maiwasang checkin ang cellphone baka may chat si Danjay.

Ba't ba ako naghihintay don? Ilang weeks ko palang naman 'yon kilala.

Magmomove na ako. Habang maaga pa. Tama.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon