58

169 16 2
                                    

"Good Morning, Dandan!" bati ni Tom sa akin nang makarating ako sa room. Hinawi ko siya bago nilapag ang bag sa upuan.

"Guess what!" Kahit anong iwas ko ay talagang umupo pa siya sa katapat kong upuan, makipagtsismisan lang. Inis ko siyang binalingan bago sinamaan ng tingin.

"Ano?!"

Malakas siyang tumawa habang hawak ang tiyan, mukhang successful na successful na naman sa pangbu-bwisit sa akin kada umaga.

"'Di ka nagbabasa sa gc no?" Imbes na pansinin siya ay nanahimik nalang ako tahimik kong kinuha ang aking cellphone at chineck ko anong laman ng gc.

Agad na bumungad sa akin ang isang message galing sa amin teacher na nagsasabing wala kaming klase buong araw at pwede kaming hindi pumasok.

Nagsalubong ang kilay ko at agad na nilipat ang tingin kay Tom.

"Bakit pumasok ka?" Kung ako, wala sa aking problem, nakasabay kong pumasok si Mara so I think it's worth it.

"Sayang baon, ikaw? Bakit hindi mo agad nabasa?" Balik niya. Umiwas ako ng tingin at nag-scroll na lang sa fb.

"Nasaan susi ng motor mo? Di mo ata pinapaikot sa kamay mo?" Pansin na namang ni Tom, kaunti na lang matatadyakan ko na 'to dahil sa sobrang pagkatsismoso.

"Hoy!" sigaw niya sa mukha ko ng di ko pasinin, handa na akong murahin siya ng may mapansing notification sa facebook ko.

It is Mara Bautista's birthday today. Wish her a happy birthday.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa date ngayon, I even stalked her to check if it's true.

Agad na bumungad ang mahahabang birthday message kay Mara. Nalaglag ang panga ko at binalingan na si Tom na kunot noo na ring nakatitig sa akin. Naguguluhan na rin ata sa kinikilos ko.

"Kaya mong lumabas 'di ba?"

Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Paanong labas?"

"Tropa mo si Guard," I added more.

"Magka-cutting tayo?" Mula sa naguguluhan ay naging excited ang mukha niya. Nasapo ko ang noo ko at kinapa kung nandito ang pitaka ko.

"Walang klase tanga."

"Bakit tayo lalabas?! Init init sa labas eh!"

"Ililibre kitang pagkain," pambabaliwala ko sa reklamo niya. Katatayo ko pa lang ay namataan ko na agad siyang suot na ang bag niya, handang handa na umalis.

"Saan tayo erp?"

"May bibilhin tayo."

"Para kanino? Worth it ba yan sa pagtataya ko ng reputasyon makalabas lang tayo ng scho—"

"Napakadaldal mo, Tom."

Natawa siya at nagcellphone na habang naglalakad sa corridor, maya maya ay malakas nang tumawa si tanga. May nakita atang memes at binalingan pa ako.

"Parang alam ko na kung bakit nangangarag ka!" maingay niyang sabi, napalingon pa ako sa paligid.

Tanginang bunganga yan, nakakahiya sa mga nagkaklase.

"Susungalngalin na kitang hayop ka," mariing bulong ko sabay hatak sa bag niya.

"Bobo ka, di mo alam na birthday ni bebe mo, Mara?!"

"I don't know, kasama ko siya kanina!"

"Wow 'di mo manlang binati?" Sa sinabi niyang iyon, biglang bumalik sa ala ala ko 'yong huling sinabi ni Mara kanina bago siya pumasok ng school.

"Wala ka bang nakakalimutan?"

Damn. Nakakahiya.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon