43

221 18 5
                                    

Binaba niya ang stand ng motor sabay hila ng susi, tinanggal niya na rin ang helmet niya at bahagyang ginulo ang buhok.

Confirmed syet.

Bago pa siya mapatingin sa pwesto ko ay umub-ob na ako.

"Wala manlang akong upuan ah." Pamilyar na boses ang pumuno sa tenga ko, lalo akong yumuko para hindi niya makita. Nagulat pa ako dahil syet, kilala ko boses niya.

Si Rei na bida-bida, may pagsipa pa sa ilalim ng mesa.

"Kina Mara, may upuan oh, apat lang sila." Rinig kong sabi nang isa sa mga kaibigan nila. Gusto kong magmura ng mapansing sa tapat ko ang bakanteng upuan. Hindi ko na ulit narinig ang boses ni Danjay.

Sa ibang table ata kumuha ng upuan, unti-unti ay umayos ako ng upo. Pilit na umaakto nang normal.

Muntikan ko na namang maibuga ang kinakain ng may isang kamay ang humawak sa upuan sa tapat ko.

"Can I get this?" tanong niya, kung kanino man basta hindi sa akin.

"Ah," si Jash. Inikot ko ang straw nakatingin parin sa table. Walang titingin! Ba't ba nakakailang 'to.

"Tanong mo kay Mara." Namilog ang mata ko kasabay nang pag-angat ng tingin kay Jash na nakikipag-apir na kay Rei. Nagsigawan rin ang mga nasa kabilang table na lalong nagpapula sa akin.

"Mara?" tawag ni Danjay, kahit hindi natingin ay napakurap ako. Maya-maya ay normal akong tumango.

"S-Sure," I uttered. Hinila ni Danjay ang upuan at doon ko nakita ang bag ko. Kinuha niya iyon bago inabot sa akin.

"Your bag." Inabot ko 'yon at awkward na namang ngumiti. Maliit na ngiti ang binigay niya bago tumalikod.

Inulan agad siya nang pang-aasar sa kabilang table, nahawi ko ang buhok ko. Sinamaan na si Jash na nahigop na sa sariling inumin.

"Nandoon bag mo kaya ikaw ang dapat hingian ng permission." Depensa ni Rei. Nagkatinginan na naman sila ni Jash sabay tawa.

Tinignan ko si Kali na nagkibit balikat lang, busy sa phone, walang pake sa mundo.

Hindi ko alam kung paano kikilos, miski ata pagnguya na-concious ako. Paano ba ngumuya? Anong normal speed?!

"Parang siraulo." Si Kali na pinadausdos ang shake niya sa table, pati ang kinakain niyang fries. "Mukha kang abno," dagdag niya na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Tunay?"

"Uhuh, just relax, halatang patay na patay ka kay Danjay." Dumampot ako ng tissue at mabilis na hinagis sa kanya. Natawa siya kasabay ng pagkuha ng panibagong fries.

Maya-maya ay pasimple akong tumingin sa table ni Danjay, nagtatawanan sila at mukhang nag-uusap tungkol sa exams.

Danjay looks happy around his friends, gaano na kaya sila katagal magkakaibigan? Kami nina Rei ngayong Grade 11 lang eh, pero kami ni Kali childhood friends talaga.

Napakurap na lang ako ng biglang may lumapat na kung ano sa baba ng labi ko, and then I saw Rei. Parang pinupunasan niya ang ilalim ng labi ko kaya agad akong napalayo.

"Ano na naman 'yan?"

"Laway mo 'te, tumutulo."

"Ano ako, ikaw?" bato ko bago inagaw ang tissue. Natapos na kaming lahat kaya ako na ang ngunang nguna na tumayo.

Napaupo ulit ako nang makitang ino-organize ni Kali ang pinagkainan namin, pinagsama sama ang mga plastic cups at paper cups.

Organize as ever, jusko.

Nakitulong ako bago pinulot ang bag ko.

"Tara na?" tanong ni Jash na chine-check ang table kung may naiwan kami.

"Tara," segunda ko nang masuri ang lugar. Inangkla ko aagad ang kamay sa braso ni Kali at Jash, iniiwan ang pabibong si Rei.

"Alis na kayo?"

Napapikit ako ng marinig 'yung nagtanong kay Kali kanina kung sila pa, sumagot agad si Rei.

"Opo."

"Danjay hatid mo," rinig kong asar ng isang lalaki. Umakyat ata ang init ng mukha ko sa tenga kasabay nang di magkanda mayaw na kabog ng dibdib.

"Mara paalam ka kay Danjay." Pinanlakihan ko ng mata si Rei na tuwang-tuwa na.

Binalikan ko si Rei para sana hatakin siya pero biglang tumayo si Danjay, iniwan at ako ng kaluluwa ko kasabay ng paghakbang ko patalikod.

"Hatid na kita," sabi niya habang pinagkikiskis ang kamay. Nagpapagpag ng kung ano.

"Malapit lang bahay ko." Pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan ko. "Eto si Jash pinakamalayong bahay sa amin." Tinulak ko i Jash na hindi na maipinta ang mukha.

"Una na ako, may bibilhin pa ako," biglang sabi ni Kali. Nalaglag ang panga ko lalo na nang sabay na napatingin ni Jash at Rei sa isa't isa.

No...

Bago pa man umimik si Jash ay dumikit na ako kay Kali.

"Oo nga, may bibilhin pa kami," sabi ko. Napansin ko ang pagsilay ng ngisi kay Kali kaya napabuga ako ng hangin.

Binalingan ko sina Jash at Rei. "Ingat kayo!" Tumingin ako sa mga tropa ni Danjay. "Baka may type kayo sa dalawang 'to, single 'to."

Pagkatapos ay kay Danjay, "Salamat!"

Inangkla ko ang kamay sa braso ni Kali at hinatak na siya. Nagpahatak naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Naks, nag-iisip ka," manghang sabi ni Kali ng makalayo-layo kami.

"Mana ako sa'yo."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon