32

231 17 2
                                    

"Wala raw!" Napangiwi ako at pagod ng naupo sa bench. Hindi ko inasahang ganito ang second sem. Masakit sa ulo.

Gerahan pala ng subjects 'to.

"Paano yan?" tanong na ni Kali. Nagkaubusan kase ng columnar, 'yong yellow pad na ginagamit ng mga Accountants.

Yung nakakahilong 20 columns na kasing laki ata ng manila paper. Kailangan namin sa exam 'yon bukas, sumasakit na agad ang ulo ko.

"Check natin sa SM." Suhestyon ni Rei. Tinignan ko siya sabay tingin sa wallet. Mamumulubi ata ako ngayong sem.

"Kung pupunta ng SM dalawa na lang sa atin para tipid, ambagan tayo." Pagkasabi ni Kali noon ay agad na kaming nagtinginan sa isa't isa. Handang handa nang magturuan kung sino pupunta.

"Si Rei." Agad kong sabi.

"Si Jash." Sabi ni Rei. Habang si Jash ay si Rei rin ang tinuro.

"Ba't ako?!"

"Basta hindi ako kasali," agap ni Kali.

Nakauniform pa nga kami, late kase nasabi ng teacher namin kaya nang mag-uwian. Basta na lang namin iniwan yung mga bag namin kina Kali sabay bili ng columnar, marami rin kase school dito kaya madaming nag-aagawan ngayon ng columnar na wala ng mapagkitaan!

"Paano kung ubos na rin?" tanong ko. Napatingin silang lahat sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"Edi sayang pira," si Rei. Napaupo na lang sa pagod sina Jash at Kali. Sumandal ako sa upuan bago punikit.

'Yung drain ka na sa school, tapos pag-uwi. May isipin ka pa. Paano pa pag-college na kami?

"May naisip ako." Naimulat ko ang mata ko nang marinig si Jash. Nakatingin kaming lahat sa kanya ngayon nang bigla niya akong ituro.

"Katabi ng SM 'yung international school noong boyfriend m-"

"Hindi ko yon boyfriend, bobo." Agap ko. Sumama ag tingin ni Jash pero agad rin siyang bumalik sa normal.

"Sabihin mo favor naman, pacheck kung may yellow pad na kasing laki ng manila paper sa national bookstore," instructed niya na nagpaurong sa 'kin.

"Ayoko nga!" Nakakahiya doon 'no. Hindi ko naman gaano kaclose yon e. Tsaka-" Tumingin ako sa orasan ko saglit. Umiwas na lang ako ng tingin at 'di na nagsalita.

3:30 na pauwi na yon o nakauwi na.

"Dali na!"

"Maging practical ka naman!" Singit ni Rei na nagpapanting ng tenga ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya napangiwi siya.

"Joke lang hehe, kumalma tayo."

"Pauwi na 'yon," palusot ko. Tinaasan agad ako ng kilay ni Kali kaya napasimangot na ako.

"Malayo ang SM sa school niya, dadaan pa ng overpass!"

"May motor 'yon diba," sangga ni Jash kaya lalo kong nawalan ng pag-asa.

"Nakakahiya, di ko close 'yon," subok ko. Binuksan ko ang phone ko at pumunta sa messenger.

Nang makitang offline ay masaya kong hinarap ang phone ko sa mga kaibigan.

"Offline."

Hindi 'yon pinansin ni Kali na nararamdaman kong may ibabato na naman, tinignan niya ako kaya halos magpapadyak na ako sa inis.

"May phone number ka niya," suhestiyon niya. Iimik sana ako ng bigla na naman siyang magsalita, "May load ako tawagan natin."

"Kali hacks." Bulong ni Jash sabay apir kay Rei.

"Kung ayaw mo, kayo ni Rei ang bumili, basta pag wala hindi namin kayo babayaran ni Jash."

"Eto na tawagan na nga," pinakita ko ang number na agad na tinype ni Kali. Tinapat niya iyon sa tenga niya at matagal na naghintay.

Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib at pinanood siya, siya naman pala kakausap dinamay damay pa ko dit- Natigalgal ako ng biglang ihagis ni Kali ang phone sa akin.

Nasapo ko ang dibdib ng masalo yon, taena. Hinahais lang ni Kali yung iphone niya!

["Hello."] lalo akong naubusan ng hangin ng marinig ang boses ni Danjay. Kinuha ni Rei ang phone sa kamay ko, akala ko kakausapin niya, pero bigla niyang tinapat na ang phone sa tenga ko.

"Magsalita ka!!" suhol ni Rei na kaming apat lang ang nakakarinig. Napalunok ako at nagsimulang magsalita.

Jusko.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon