20

279 18 9
                                    

Kabi kabila ang natingin sa akin. Mukhang naninibago na may dayo sa kanilang school.

Inayos ko ang pagkakastand ng motor at tumayo na, tinanggal ko ang coat ko na sa tingin ko'y kinaiilang nila at hinayaan ang long sleeve na suot.

Tiniklop ko ang coat bago natanaw ang pamilyar na babae, wearing her uniform. Fit na fit ang palda niya at nakatuck in ang blouse. Kahit nakapalda ay parang wala lang sa kanya ang pagtakbo.

Napaupo ako sa motor at tahimik siyang pinanood. Hinawi niya ang kanyang buhok bago luminga.

I found myself smiling, she looks cute.

Mukha siyang kabado na hindi malaman.

Nang mapadpad ang tingin niya sa pwesto ko ay nanlaki ang mata niya, maya maya ay tumakbo na naman siya papunta sa pwesto ko na parang hindi siya babae.

"Hey! Sorry," bungad niya. Sapo ang dibdib ay tinuro niya ang school nila.

"I left your item," sabi niya na naman. Napakunot ang noo ko, what is she talking about?

Gamit ang daliri niya, nagdrawing siya ng box sa hangin.

Masyado ata akong lutang at mangha sa kanya kaya huli na ng marealize na ang sinandya ko pala ang naiwan niya.

"Why are you running anyway?" tanong ko. Hinawi niya ulit ang buhok niya bago tumingin sa gate.

"Cleaners," hingal niyang sabi.

Kumunot na naman ang noo ko. "Ha?"

"Taga-Private ka nga pala.." Tiningala niya ako at umaktong nagwawalis sa ere.

"You know, taga linis, daily task, cleaners ako today." Nag-isip siya saglit bago muling nagsalita, "Janitor ako today. Tumakas lang ako then naiwan ko yung bag ko."

"Paano ka uuwi?" tanong ko.

"Maglalakad."

"Without your bag?" pambabaliwala ko sa pambabara niya. Napansin ko ang pasimple niyang pag-irap at pagngisi. Tumingin siya sa gate na parang may hinihinitay.

"May magdadala ng bag ko, wait ka la-" Nanlaki ang mata niya at tinuro na ang gate. "Ayan na si Kali! Ayan na yung bag ko!"

Nalipat tuloy ang tingin ko gate, namataan ko ang isang babae na may katarayan ang mukha.

Basta niyang hinagis ang bag sa kaibigan niya, ni hindi manlang tumitingin sakin. Hindi naman gusto kong matignan pero parang iwas siya sa tao, parang walang pake sa mundo.

Nasalo 'yon nang tawang tawang si Mara at nagflying kiss pa. Tinalikuran lang siya nung babae bago pumasok na ulit ng school.

"Salamat, Kali!" Namataan kong may sinenyasan siyang dalawa pang babae na nagtatago sa may gate kaya napakunot ang noo ko.

She have tons of friends... I see...

Pagbalik ko ng tingin kay Mara ay hawak na niya ang pamilyar na paper bag.

"200 Sir," nakangiting sabi niya. Napailing ako.

Sir... really?

"Salamat!" Matinis niyang sigaw pagkaabot ko ng bayad.

Tinignan ko siya saglit bago sumakay sa motor ko. Nang ibalik ang tingin sa kanya ay nakatingin parin sa akin.

"Pauwi ka na?" tanong ko habang inii-start ang motor.

"Oo."

"Hatid na kita," simpleng sabi ko. Trying to be nice, tinanggal ko ang pagkaka-stand ng motor at tinignan siya. And there, she looked shock.

"'Di ako nasama sa stranger e," parang batang sabi niya kaya hindi ko mapigilang matawa.

Good 'yan.

"I'm Danjay, Mara."

"I'm Mara, Danjay," sagot niya pabalik. Naipilig ko ang ulo at tinignan na siya.

"I'll go now," paalam ko. Tumango siya at kumaway.

"Thank you! Drive safely, Sir!"

"It's Danjay."

"Okay boss."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon