85

135 10 2
                                    

Mara Bautista:
Salamat...

Galit ka pa?

Danjay Montano:
Hindi nga.

Kulit.

Mara Bautista:
Bat mo ko iniiwasan?!

Danjay Montano:
Masakit pa binti mo?

Mara Bautista:
Masakit puso ko.

Bat mo ko iniiwasan?!

Danjay Montano:
Hindi kita iniiwasan.

Mara Bautista:
Hindi mo na ako hinahatid.

Danjay Montano:
Dahil may klase na sa oras na papasok ka palang.

Mara Bautista:
Oo nga pala.

Danjay Montano:
I am not mad.

Mara Bautista:
Eh ano?

Danjay Montano:
Wala.

Mara Bautista:
Ano nga?

Danjay Montano:
Nagtatampo?

Mara Bautista:
Wow.

Danjay Montano:
Tsk.

Mara Bautista:
Bakeeeet? Bakeeeeet? Bakeeeee3eeeeeeeet?

Danjay Montano:
Ang dami kong gustong puntahan kasama ka.

Mara Bautista:
Seen

Danjay Montano:
Masyadong mahal pagcommute pero kaya ng motor.

I respect your decision na pag-tayo na. Saka ka lang sasakay don.

Mara Bautista:
Oh bakeet!

Danjay Montano:
Pero yung Carlo ex mo. Sumakay ka ng walang pasabi. Naaksidente pa kayo!

Mara Bautista:
Bat ka galet!

Danjay Montano:
Hindi ako galit.

Mara Bautista:
Sorry na.

Danjay Montano:
Hindi ka pa nagpaalam. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin ng mga panahong 'yon Mara. Di mo alam takot ko non.

Mara Bautista:
Tinawagan kita at si Jewel ang sumagot.

Danjay Montano:
Edi sorry.

Mara Bautista:
Aba attitude ka.

Danjay Montano:
Tsk.

Sorry about that.

Mara Bautista:
All boys daw.

Danjay Montano:
All boys naman talaga 'yon.

Mara Bautista:
Ay boy na ba si Jewel?

Sorry ha ngayon ko lang nalaman.

Danjay Montano:
Hindi sa ganon.

Mara Bautista:
Then explain.

Danjay Montano:
Totoong all boys gathering 'yon.

Nagkataon lang na kailangan namin magpicture at napadaan si Jewel.

Phone ko ang gamit sa pagpipicture kaya noong tinawag ako ng mama ni Tom para tanungin ng tungkol sa mama ko. Iniwan ko muna sa kanila yung phone.

Madami siyang binilin kaya natagalan akong makaalis doon. Di ko namalayan ang oras. Kaya nalate ako.

Dumagdag pa yung ideya na tumawag ka tapos si Jewel ang nakasagot.

Hindi pa ako nagkaka-girlfriend pero alam kong pangit 'yon. Kung ano ano ang pwede mong isipin.

Mara Bautista:
Grabeeee

Danjay Montano:
Tapos di pa kita macontact tama ba yon?

Si Kali ang tinawagan mo.

Tapos sasabihin mong naaksidente ka. Isa ako sa nakarinig non. Alam mo bang halos atakihin ako sa puso non?!

Mara Bautista:
Oh sorry na.

Danjay Montano:
Tapos malalaman ko ex mo kasama mo.

Alam ko namang di mo na yon gusto. Pero nung nakita ko kayo kanina. Pinag-aagawan yung kung ano mang supot yon.

Mara Bautista:
Hahahahaha

Danjay Montano:
Wait...

Bakit ako ang nag-e-explain?

Mara Bautista:
Ay sorry ako ba dapat?

Teka.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon