4

379 20 8
                                    

Hindi matigil ang pagpapaypay ko sa sarili. Gustong gusto ko na umuwi pero sabi no'ng pinsan. Malapit na raw siya kaya sige na. Bahala na.

Palingon-lingon ako sa kaliwa't kanan. Wala manlang indication kung lalaki ba siya o babae. Hindi ko rin alam ang damit aba!

Tiningala ko ang nakakasilaw na sinag ng araw, umusod pa ako dahil unti-unti nang sumasakit ang balat ko dahil sa nakakapasong init.

Sino bang pumili ng oras?!

Ganun na lang ang gulat ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko, it's from an Unregistered Number again. Mula sa pinsan ng nakakairitang Lawrine.

From: Unregistered Number

There are two girls wearing the same outfit. I'm confused.

Sa gulat ay napalingon ako sa paligid. Wala namang bagong dating? And... may kapareha nga akong suot sa 'di kalayuan.

Dahil ata sa pinagsama sama inis at pagod kakaantay, wala sa sarili akong nagtype ng reply.

'Yung mas maganda.

Bago mapindot ang send button ay natawa ako. Ang tanga lang, ni hindi ko nga alam gender ng kukuha ng item! Nu kaya yon!

Binura ko ang message bago nagtype ng bago. Tinignan ko muna yung babaeng kaparehas ko ng suot pagkatapos ay nagsimula na.

Ako 'yung naka-sling bag.

Pagka-send ay pinagkrus ko na ang kamay ko habang nakatingin sa paligid. Alas dos pa lang ng tanghali, nagsi-siyesta ang mga tao kaya tahimik ang paligid.

Kabi-kabila ang dumadaan sa harap kong sasakyan. Lakad rin ba siya? Saan ba siya magmumula? Sa kanan? O sa kaliwa?

Kakaisip ay hindi ko napansin ang pagtigil ng motor sa harap ko. Ilang beses pa ako napakurap lalo na ng bumaba siya ng motor.

He is tall, nakasuot siyang helmet at nakaputing shirt. Kumabog ang dibdib ko sa 'di maipaliwanag na kaba.

"Are you Mara?" bungad niya. Kumunot ang noo ko kaya natigilan siya, I can't see his face but his voice is not familiar either...

"Sorry, I'm Lawrine cousin." sagot na naman niya. Ako si tanga, tulala parin, naku-curious kung sino siya! Hindi ko makita ang mukha niya!

Tinaas niya ang salamin ng helmet at agad na bumungad ang mapupungay niyang mata. Lalo na naman akong natulala.

"Miss Mara?" Napakurap ako nang bigla siyang magsalita. Hinila ko ang strap ng bag ko at kinuha ang item.

"15—" napapikit ako habang nailing. Taena, Mara nalulugi ka pa! "250."

Inabot ko ang item, tumayo siya at kinuha ang pera sa bulsa niya sa likod. Napatingin rin ako roon at nagulat ng makitang mukhang mamahalin ang pitaka niya.

Binalik ko ang tingin sa helmet, sino ka ba?

"Wala akong barya," sabi niya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Isang isang daan at isang dalawang daan.

Napakapa ako sa bulsa ko. "Wala rin ako eh."

Rule kase sa meet-up dapat sakto yung bayad, kung hindi man, nag-iinform kung walang barya.

Nagkatinginanan kami bago napalingon sa paligid, halos sarado rin ang mga tindahan.

"Pabarya lang ako ro'n!" sabi ko habang nakatingin sa tindahan sa di kalayuan. Napatingin din siya roon bago umiling.

Nagulantang ako nang bigla niyang tanggalin ang helmet niya. Ngumiwi siya at ginulo ang buhok na parang naiinitan.

Tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago nagpunas ng pawis.

"Keep the change," sabi niya. Nilagay niya ang pera sa kamay ko at ngumiti. Napatingin ako roon habang siya ay tinanggal na ang pagkakastand ng motor niya, handa ng umalis.

"Have a nice day, Mara."

"Tha—" hindi pa man tapos ay wala na akong nagawa. Bigla siyang umandar kaya napangiwi ako. Gagi, anong name non?!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon