61

164 15 1
                                    

"Ba't naman nakasimangot ang Mara namin." Napaayos ako ng tayo bago malawak na ngumiti sa harap ni Rei.

"Hindi ako malungkot, ang saya saya ko nga, tamo!" Nilawakan ko pa lalo ngiti ko kaya napangiwi na si Rei.

"Boy, ang pangit mo."

"Wow ang ganda mo."

"Alam ko." Napakakapal talaga. Iniwasan ko siya ng tingin bago pinagmasdan ang samu't saring meryenda sa table ko. Wala pang chat si Danjay maghapon, hindi ko naman kinukulit baka busy.

"Iiyak na 'yan," singit pa ni Jash. Peke akong umiyak para sakyan siya, maya maya ay sabay sabay kaming natawa sa kanya-kanya naming katangahan. Si Kali na kain lang nang kain ay natawa na rin.

Inabot ata kami ng gabi kadaldalan, kaming apat lang magkakasama. Magastos na masyado pag kasama buong kaklase namin. Sapat na yung nakauwi sila ng maaga dahil sa akin.

"Happy Birthday pa ulit! Sana magkajowa na ako." Nalukot ang mukha ko sa narinig kay Rei. Binatukan siya ni Kali habang si Jash ay napapailing na.

"Huwag na sad, malay mo busy lang." Pampalubag loob ni Jash. Inirapan ko na lang siya, ayokong umasa, ayoko! Teka. Saan ba ako aasa?

"Wala talagang forever," si Kali na huling umalis. Hahampasin ko saan siya nang bigla siyang kumaway.

"Una na ako, bye tita! Jash, ingat sa daan. Rei, hindi ka na magkakajowa huwag kang umasa."

Napailing na lang ako bago narinig ang sigaw ni Rei, "KALI!"

Pumasok na ako sa bahay nang mapanood umalis si Jash at Rei. Ganoon na lang ang gulat ko ng salubungin ako ni ate Gail. May hawak siyang regalo habang nasayaw sayaw pa.

"Happy Birthday, tamad!"

"Wow, nagsalita ang masipag." Hinampas niya ako na mabilis ko ring ginantihan. Hindi iyon natapos hanggang sa naabutan na lang kami ni papa na halos nagsusuntukan na.

Hinawi ni Ate Gail ang buhok niyang nagulo sa sakitan bago maarteng tumayo. "Okay pagbibigyan kita, birthday mo. Panalo ka na."

"Kailan ka ba nanalo sa akin, huh?" Napabaling na naman siya sa akin pagkatapos ay halos magpatayan na kami. Pikon, lakas mang-asar iyakin naman.

Nang kapwa mapagod ay pumunta na ako sa kwarto para magpalit ng damit, madilim na ang paligid kaya nagdamit pantulog na ako.

Inabutan kong nanonood sina mama ng TV, habang si Ate Gail ay nag-se-cellphone sa gilid.

Uupo sana ako sa tabi ni mama ng bigla niya akong itulak. "Kunin mo yung paper bag sa kwarto namin."

"Ako?" Turo ko sa sarili.

"Hindi, ako." Singit ni ate habang nakaturo sa sarili niya.

"Oh ikaw kumuha." Amba ko sabay upo sa sala. Sumama agad ang mukha ni Ate kaya natawa na ako.

"Ikaw na nga ang kumuha Gail!" si mama.

"Luh?! Si Mara na, kanya 'yon eh."

"Ikaw na, dalian mo," segunda ni mama. Sinamaan muna ako ng tingin ni Gail bago tumayo papuntang kwarto, pagbalik ay nakita ko siyang sinisilip ang laman ng isang malaking paper bag.

"La, mama. Regalo niyo kay Mara 'to?! Ba't wala naman akong paganito dati?!" Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang paper bag. Hindi ko gaano kilala ang tatak pero base sa itsura mukhang mamahalin.

"Kay Mara talaga 'to, mama?" si ate Gail na halos ayaw na ibigay sa akin ang bag. Tumayo na ako at nakisilip na sa paper bag.

"Hindi naman sa amin galing 'yan."

Nang marinig iyon ay tuluyan ko nang inagaw ang bag para i-check ang tag na nakasabit.

Happy 18th birthday, Mara. Sorry, late ako nakabati. Have a great day. -Danjay

"Omygod, Mara!"

"Mag-thank you ka kay Danjay. Papa mo nakakuha nan, gawa namamalengke ako ng dumating ang batang 'yon." sabi ni mama na nagpakabog ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang bag.

Isa iyong itim na backpack, maliit lang iyon at bagay panggala. Sobrang ganda at halatang mamahalin. Tumakbo agad ako papuntang kwarto, kung nasaan ang phone kong nakacharge.

Syet, Danjay.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon