75

145 13 1
                                    

Madilim na ang paligid ng hayaan akong makapasok ng guard. Kakilala kase, kaya nakalusot. Wala na rin gaanong mga teacher or officials kaya wala akong naging problema.

Busy ako kakalinga sa paligid, pinagtitinginan ng iilan dahil siguro nakajogging pants ako ng school ko.

Hindi na rin kase ako nakapagpalit. Late na rin kase kaming na-dismiss. Kagaya nina Mara, lahat nang G12 sa school ay nagiging PM to night session.

Hindi naman ako dito nakapag-aral pero may iilan din naman akong tropang nag-aral dito noong Junior high kaya minsan ko na ring napuntahan 'to.

Madaming nagbago, gumanda ata lalo. Hindi mukhang public school dahil sa kulay.

After minutes of walking... I saw the SHS building. Iilan na lang ang bukas na ilaw, dumagdag pa ang sobrang tahimik na paligid dahil gabi na at umuwi na ang mga estudyante.

Madali kong nahanap ang room ni Mara at namataan ang iilang kababaihan na kalalabas lang ng room na 'yon.

May isang tinuro ako sabay takbo pabalik sa room, mula rito ay narinig ko ang sigaw niya. "Mara! bebe mo nandito!"

Palihim akong natawa bago umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano babatiin yung mga kaklase niya eh. Awkward.

"May tropa ka rin bang gwapo?" Natatawang tanong nung isa. Napayuko lang ako bago sinilip ang room nila. Mukhang 'di naman seryoso 'yung mga babae kaya binaliwala ko na lang.

"Sabing kaya ko na." Singhal ni Mara na kalalabas lang ng room. Halos mahulog ang backpack niya habang bitbit ang hindi makaintindihang mga bond paper.

Kinuha ko ang iba sa mga 'yon habang siya ay nila-lock na 'yung pinto.

Hinarap niya ako at bahagyang nanlaki ang mata nang makitang halos na sakin na lahat ng gamit niya.

Napatingin siya sa balikat at kamay niya tapos sa akin, tapos babalik ulit sa balikat niyang wala na ang bag niyang kaninang nakasabit. Mukhang manghang mangha parin sa nangyari.

"Bilis ah?" tanong niya nang makabawi.

Napailing ako bago tumawa. "Oo kung magnanakaw ako, tangay na lahat ng gamit mo."

Tumaas ang kilay niya bago nangunang maglakad. "Syempre I trust you kaya hinayaan kitang kunin 'yung gamit ko."

"Hinayaan daw," asar ko. Binalingan niya at pinanliitan ng mata.

"Totoo naman!"

"Okay!" I said before I placed my arm around her shoulder. Nanigas pa siya sa kinatatayuan niya bago tuluyang makahakbang.

Sinaluduhan ko 'yung guard nang madaanan namin 'yon. Nang marating ang bahay nina Mara ay binalik ko na ang mga gamit niya.

"Salamat."

"Anong salamat? Wala nang libre sa mundo." Natawa si Mara at inilingan ako. She started closing their gate while lookong at me. Mukhang may kalokohan na namang sasabihin.

"Anong wala? Meron kaya." Matamis syang ngumiti." "Sa piling mo."

That was unexpected kaya pinili ko na lang tumingin sa langit. Tinalikuran ko siya bago kumaway. Maya maya ay narinig ko ang tawa niya. Though I don't want it. I found myself smiling too.

That crazy girl...

Week by week Mara and I got busy. Pareho kaming Senior high graduating student kaya gano'n na lang kami kadalang magkita.

I still find time to see her. Nahahatid ko pa naman pero may mga scenario na hindi ko nagagawa dahil a sched.

Lalo pa 'yong lumama nang magsimula ang immersion. Mara starts working in the Municipal hall. Tapos na kami last sem kaya puro klase na lang.

"Babatiin na ba kitang happy anniv?" tanong ni Mara. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang terminal, katatapos niya lang sa working hours niya at saktong wala akong klase kaya sinundo ko.

Hanggang ngayon ay ayaw niya parin sumakay ng motor. I respect that so we choose to travel in commute setting.

Inabutan ko siya ng tubig. "Happy anniversary then.." I joked. Nanliit ang mata niya bago ako inirapan.

What now?

"Binati nga ako." Kahit mahina lang 'yon ay narinig ko pa rin.

"Hindi mo dinala motor mo." Pansin niya.

I looked at her. "Hindi ka rin naman sasakay."

"Malay mo ngayon sumakay na." Patama niya. Oh shoot. Sabi niya kase once na kami na. Saka lang siya sasakay sa motor, hindi pa naman kami kaya paano ko malalaman 'yon!

"Lalim ng iniisip ah."

Christmas decors are everywhere. Mas maganda pa lalo dito sa Munisipyo dahil sa naglalakihang disenyo.

"Ganda no?" Mara asked nang mapansing nakatingin ako sa paligid. Around 5:00 ang out niya pero kumain pa kami sa plaza kaya ginabi na.

Tumigil ako sa paglalakad ng may maalala. "What do you want for Christmas?"

Natigilan din si Mara at nilingon na ako. Parang pinag-aaralan niya ako kaya lalo akong naguluhan.

"May girlfriend ka na ba?" Doon ako naguluhan lalo na nang mapansing mukhang seryoso siya.

Ano na namang problema nito?

Teka? May nagawa ba ako?

"Wala?"

"Bakit ka nagtatanong?!" biglang singhal niya na lalong nagpagulo.

"Then, wala!" sabi ko. With conviction this time. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at nanguna nang maglakad.

"Wala lang natanong ko lang."

Para akong nabunutan ng tinik. Wala naman akong ginawa but her question made me overthink wtf.

"Tara na! Kung ano ano iniisip mo diyan." Sigaw niya mula sa malayo.

Tsk. Yeah you made me think weird things!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon