95

123 12 1
                                    

"Hoy!"

Ilang beses akong napakurap noong biglang sumigaw si Rei sa harap ko. Nilingon pa kami ng iba't ibang students dahil sa lakas ng tawag niya sa akin.

"Sorry po." Hiyang hiyang sabi niya sa mga nasa harap. Na kinalaunan ay bumalik din agad sa pakikinig.

Pagkatapos ay binalingan niya ako. "Problema mo?" tanong niya. Umayos ako ng upo at diretsyong tumingin sa harap.

"Wala."

Mahina niya akong tinulak. Mukhang nang-uudyok. "Ano nga? LQ kayo ni Danjay?"

Gulantang akong napalingon sa kanya. Natatawa na dahil hindi ko alam bakit niya nasabi 'yon.

"Hindi ah. Bakit naman kami mag-aaway non?" Natatawa ng tanong ko. Nasa bukana ako katabi siya habang sa tabi niya naman si Kali at Jas na focus na focus na sa harap.

"Malay ko. Kase kung magkaaway kayo. Aba'y— stay strong aba. Kaka-one month niyo lang!"

Umayos siya ng upo at mas nagfocus pa sa akin. "Alam mo ang astig talaga noong basketball game niyo ni Danjay.  Hindi ko alam na 15 pala non! Ang perfect niyo tuloy!" Napalakas na naman ang boses ni Rei kaya binalingan na naman kami ng lahat.

Kung sumbungero ang mga tagakabilang section. Kanina pa kami pinagrecite sa harap. Seminar kase ngayon about sa mga college schools and universities na pwede naming pasukan.

Mas stressful for me dahil hindi ko naman alam kung tutuloy ako.

"Pero ang astig talaga. Perfect pair ba kayo ni Danjay?" tanong na naman ni Rei, mas mahina na this time.

"Bakit?"

Tumingin muna siya sa harap. Tinitignan ata kung babaling ang speaker sa amin. Nang makitang busy 'yon sa kabilang side ay kinausap niya ulit ako.

"Imagine... Nakalimutan ko month niya— Basta 15 siya... September 15 ka... Tapos naging kayo 15 din! Potek ti-na-ming-an niyo ba talaga lahat?!"

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala lahat. Hindi talaga planado yon. Sa excite ko sa laro at pagka-busy ko makahabol lang sa varsity shirt nila. 'Di ko na alam kung anong date no'n.

Tsaka enebe haharot lang naman ako. Hindi ko naman sinabing sasagutin ko na. Eh nagtanong kaya Tara na! Sakay na!

Natapos ang seminar ng wala akong naintindihan. Nagpalit din kase si Kali at Rei ng upuan sa kadaladalan namin.

Nang mag-uwian. Sabay-sabay kami ngayon. Maagang natapos ang seminar eh at tantya ko, nasa klase pa si Danjay.

"Kain tayo!" Si Jash. Napaiwas ako ng tingin habang tinatantya ang baon ko. Dahil nga kapos, pati baon ko binawasan na.

"Pass!" Tumatawang sabi ko. Nagsalubong ang kilay ni Rei habang si Kali naman ay nakatingin lang sa akin. Parang pinag-aaralan kung anong sunod kong sasabihin.

"Naiwan ko wallet ko." Palusot ko. Inangkla ni Rei ang braso niya sa kamay ko at sinumulan na akong hatakin.

"Utang ka muna sa akin. Kahit kailan mo bayaran."

Tinanggal ko ang kamay niya. Natatawa na. "Pass. Nag-i-ipon ako pangregalo kay Danjay."

Nalukot agad ang mukha ni Jash. Halos batuhin ako ni Rei ng bag niya habang si Kali naman ay napailing na lang.

Hindi ko alam ang gagawin dahil parang desididong desidido silang kumain sa labas. Ang dami ko na ring nalibanan na gala dahil sa pagtitipid ko.

Stress na rin kase sila gawa kabi-kabila na ang pressure for college. Si Rei at Jash sure na gusto ng mag-Accountancy. Si Kali naman undecided pa.  Ako, ayon, hindi pa rin sure kung mag-aaral. Kahit saan naman ako eh.

Basta makapag-aral.

Hindi naman ata masamang gumastos for now? Hindi naman ata malaking kawalan kung sumama ako sa food trip ngayon...

Hahatakin ko na sana si Rei sa paborito niyang kainan nang bigla kong matanaw si Tom.

Dahil nakita ko siya, agad kong hinanap ang madalas niyang kasama. At doon ay natanaw ko si Danjay na kunot noo nang nakatingin sa phone niya.

Aangat ng tingin nang kaunti, parang may hinahanap tapos titingin ulit sa phone.

"Ano? Tara na Mar— Oh! Si Danjay!" Napalakas ang boses ni Jash kaya naman napabaling si Danjay sa pwesto namin. Nakatambay kase sila sa fishball vendor sa tapat ng school.

Nang magtama ang tingin namin ni Danjay ay nginuso niya ang phone ko. Kunot noo ko 'yong tinignan hanggang sa marealize na baka kaya busy siya sa phone niya— ay tinatawagan niya ako kanina pa.

Hindi nga ako nagkamali dahil agad kong napansin ang 3 missed call niya.

Awkward akong nag-angat ng tingin. I even mouthed. "Nakasilent ako. Sorry. " habang hinihila na ako nina Rei palapit sa kanila.

"Tara sa boyfriend mo!"

"Hi gurls!" Bati ni Tom nang makalapit kami. Kali immediately picked a stick habang si Jash at Rei ay nakipag-usap na kay Tom.

"Uwian niyo na?" tanong ko kahit obvious naman. Malay ko ba. Baka nag-cutting sa sobrang miss sa akin.

"Maagang na-dismiss," sabi niya bago nagpunas ng pawis. Mukhang kanina pa ata sila dito.

"You want this?" Nguso niya sa fishball. Napatango na lang ako bago kinapa ang wallet ko. Kukunin ko pa lang 'yon ay pinigilan na agad ako ni Danjay.

"My treat!" Anunsiyo niya sabay kindat sa akin. Nag-abot pa siya ng dilaw na pera sa manong bago tinuro ang mga kaibigan ko.

"Pabawas na lang po diyan 'yung sa kanila."

"Sayang pera mo!" Mahina pero may diing sabi ko. Danjay just kissed me on my cheek bago tumawa.

"Nagtitipid ka. Let me be your sugar daddy, okay?"

Kumuha siya ng pinakamalaking baso habang nakatingin na sa nilulutong streetfood.

"Ano ba want mo?" tanong niya habang nandoon parin ang mata.

Sa hindi malaman na dahilan bigla akong nalungkot. Bigla akong binangga ng realidad na sobrang layo pala talaga ni Danjay sa akin.

Paano kung hindi ako makapasok this school year? Lalayo na naman ang distansya ko sa kanya. Bakit parang ang hirap maging girlfriend niya?

"Hey baby, ayaw mo ng maanghang 'di ba?"

Estado sa buhay malayo. Ngayon, potek mapapalayo pa ata dahil siya makakatuloy sa pag-aaral habang ako kailangan atang magtrabaho muna bago mag-aral.

Bakit kase hindi ako matalino?

"Hon?"

"Okay lang maanghang... Huwag lang sobra..." mabilis kong sagot. Tumango si Danjay at inusod na ako para di na ako makipaggitgitan sa ibang nabili.

"Diyan ka lang, kukuha lang ako sauce." Bilin pa niya bago tumabi kina Jash na nagtatawanan na.

It is not their fault... Pero bakit parang feeling ko naiiwan ako...

Bakit naiiwan ako?

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon