57

208 21 3
                                    

Halos magdapa ako kakahanap ng sapatos ko. Mula sa pinto ay tanaw na tanaw ko si Danjay.

Ayos na ayos suot ang mamahalin niyang uniform!

Patingin tingin pa siya sa relo niya bago umangat ang tingin sa akin, muli akong nataranta habang inaayos ang pagkakasuot ng sapatos.

"Nasisiraan ka na ba?" tanong ko pagkatapos masara ang gate. Mariin niya akong tinititigan bago umiwas ng tingin.

"Manliligaw ako," sabi niya. Umiwas siya ng tingin kaya natawa ako. Hiyang hiya ata sa nasabi niya.

"Kanino?" pang-aasar ko. Tumingin din ako sa tinitignan niya kahit na bumaling pa siya sa akin.

"Pakilala mo nang makita ko kung maganda," dagdag ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya natawa ako. Para kaseng bata, ayaw tumingin sa akin.

"Pangit ba ako?" tanong ko. "Kapali-"

"Let's go," supladong sabi niya. Halos manguna ng maglakad. Napalinga ako sa paligid. Hinahanap ang motor niya.

"Lakad?!"

"Oo, ayaw mo ba?" tanong na naman niya. Humakbang na ako at pinantayan siya. Natatawa pa, nakakapanibago kase, yung itsura niya sa imagination ko laging nakamotor. Ngayon, lakad! Improvements!

"Simula ngayon commute ako," biglang sabi niya habang naglalakad kami. Tumango tango pa ako na para bang naiintindihn ko ang pinagsasabi niya.

Napalinga na lang ako nang mapansing wala na akong katabi, nilingon ko si Danjay na salubong na ang kilay. "Hindi mo tatanungin kung bakit?"

Ako naman ang naguluhan, ang aga aga. Nalulutang na naman ako. Klase na ba? Bakit parang nag-aaral na ako?!

"Dapat ba magtanong ako?" tanong ko. Bumagsak ang balikat ni Danjya, parang gusto na akong saktan na di malaman kaya natawa ako.

"Eto na, sabihin mo muna. Mara, tanungin mo ko kung bakit ako commute simula ngayon." Nagsimula na siyang humakbang, halos nauuna na sa akin nagtatampo na ata. Bakit ba ganto to? May dalaw ata.

Kahit naka pencil cut skirt ako ay tinakbo ko ang distansya namin, nang mapantayan ay natatawa ko siyang kinulbit. "Monthly period mo ba?"

"Ikaw, kumain ka na ba?" tanong niya. Napakurap ako sa gulat, anong connect?

"Oo, ikaw?" tanong ko.

"Oo."

"Ganda naman ng topic natin, erp," tanging nasabi ko.

Hindi niya ba alam na birthday ko? Bakit? Nabanggit ko na ba dati kung kailan birthday ko?

Binalingan niya ako at nanliliit matang tinitigan. Parang gusto niya akong tirisin kaya nilakihan ko ang ngiti ko. Cute niya kase, pikon na pikon.

Umangat ang kamay niya, akala ko ay babatukan ako. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso siya sa balikat ko, nakaakbay! Hindi sweet kundi para niya akong tropa na kokonyatan na.

"You talk too much, Mara." Rinig kong sabi niya. Ambigat ng braso niya ha! Ang speed! Ba't nakaakbay!

Mabilis lang naming narating school dahil malapit lang naman 'yon, nang pakawalan ako ni Danjay ay inayos ko na ang buhok ko.

"Baliw ka ba?" tanong ko. Natawa siya't nakitulong sa pag-aayos ng buhok ko. Namula ako habang napapatingin sa paligid.

"Ang PDA ha."

"Masanay ka na."

"Na ano? Na PDA ka?"

"Hindi iyan ang sasabihin ko, pero sige." Inayos niya ang backpack niya bago inayos ang hiblang humaharang sa mukha ko.

"Simula ngayon, ihahatid na kita." Seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko at malakas na natawa, madaming napalingon sa amin pero wala akong pake, nakakatawa kase si Danjay.

Nang makitang seryoso at nakataas ang kilay ni Danjay ay natunaw ang ngiti ko, napaltan ng gulat.

"Seryoso?"

Tinuro niya ang mukha niya sa sabing, "Nakikipagbiruan ba ako?"

"Paano ka ba makipagbiruan?"

"Mara, 'yung pasensya ko paubos na," pikong sabi niya sa banat ko. Napahagalpak na naman ako kaya naihilamos niya ang kamay sa mukha niya. Frustrated na ata.

"Ano ko pilay? Bat mo ko ihahatid?"

"Nililigawan kita e, manliligaw mo ko Mara. Manliligaw."

"Nababaliw ka na."

Inirapan niya ako, parang babae, bago tinuro ang gate.

"Pasok na."

"Hindi mo ko ihahatid sa room?" pang-aasar ko. Sinimangutan niya ako kaya napangiti na naman ako.

"Wala ka bang nakakalimutan?" Birthday ko ngayon.

Naisip siya saglit bago kumaway. "Have a great day."

"Walang suitors kiss?" habol ko nang makalayo. Napahawak si Danjay sa noo niya kaya natawa ako lalo.

Ang ganda ng simula ng umaga ko!

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon