90

166 16 7
                                    

"Si Danjay?" tanong ko nang matanaw si Jana sa gate. She's wearing their school varsity shirt kaya lalo akong na-excite.

Hindi ko muna t-in-ext si Danjay dahil si Janna muna ang gusto kong makita. "May meeting pa ata. Eto na oh!"

Inabot niya ang isang damit na kapareho ng damit na suot niya.

Nagulantang sina Jash at napatabi na sa akin nang wala sa oras. "Luh nagpagawa ka ng varsity shirt nila?!"

Nilapat ko 'yon sa damit ko. Napangiti nang mapansing sakto sakin ang haba at lapad. "Ayaw niyo ba?!"

"Malala ka na." Si Kali na nakikitingin na sa damit ko. Napalingon ang mga nadaan sa akin kaya bigla akong nahiya. Maling desisyon ata ang ginawa ko.

Napansin ata ni Kali ang pagbabago ng itsura ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Souvenir na lang pala 'to." Palusot ko at umamba ng pupunta na sa court. Kali instantly blocked me kaya parang gusto ko na umiyak.

Alam kong kahit anong sabihin niya 'yun 'yong masusunod.

"Isuot mo 'yan." Utos niya. "Ih!"

"Papagawa ka tapos itatambak mo?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Magsisimula na raw 'yung game. Mamaya ka na lang sumulpot pag on-game na si Danjay."

Natahimik kaming lahat at gulantang na tinignan si Kali na nagmamaang-maangan pa.

"Ayaw mo? Sinusuportahan na nga kita." Dagdag niya na nagpatawa sa aming tatlo. Nagtatalon pa sina Rei kaya lalo akong natawa.

"Ngayon mo ba balak sagutin si Danjay?" tanong ni Jash. Natawa ako bago tinignan ang damit.

Kulay green at white 'yon. At may Bautista 15 sa likod.

"Bahala na. Siraulo naman 'yon," lutang kong sabi. Natawa si Jash at kumaway na. Narinig na rin kase namin ang maingay na sigawan sa court. Mukhang nagsisimula na.

Hinila na ni Janna ang kamay ko. "Kali! Alam mo na naman daan 'no?" Tinanguan kami ni Kali bago naglakad sa ibang direskyon. Kami naman ni Janna ay pumunta na sa CR para magpalit.

~

"Hayaan mo na. Darating 'yon bago magsimula!" Hinawi ko ang pagkaka-akbay ni Tom sa akin at inis siyang iniwasan.

Uupo sana ako sa bleachers nang biglang mamataan ang pamilyar na mukha ng mga kaibigan ni Mara.

Napaayos ako ng tayo at mabilis silang pununtahan. Sumunod agad ang tsismosong si Tom. May mapang-asar agad na ngiti sa labi.

"Si Mara?" si Tom. Siniko ko siya na napasobra ata dahil bigla siyang napaubo. I immediately said sorry pero ang gago biglang umayos ng tayo at sinabing, "Okay lang mahal parin kita."

Binalingan namin si Jash na mukhang hindi busy. Cause Kali was busy on her phone while Rei, their friend, was busy observing.

"Nasa ba-" biglang sumingit si Rei nang makita ako. "Nagka-emergency. May dinaanan saglit. 'Di namin sure kung makakaabot."

Kumunot ang noo ko nang marinig 'yon.

Walang lakad si Mara ngayon... Anong emergency...

"TEAM GREEN!"

Masyado akong wala sa wisyo kaya kinailangan pa akong kaladkarin ni Tom noong magtawag si coach.

John, our friend, guide Mara's friends kung saan sila dapat umupo.

"Wala sa mood si Dandan pasensya na." Agad kong tinignan si Tom para sana kutusan pero agad kaming sinaway ni couch.

Hindi ko alam bakit ito ang captain ball namin. Wala na atang mapili.

"From Techvoc! Number 15- MONTANO!" Ni hindi ako umimli. Iniisip ko parin bakit biglang nakalakad si Mara.

Malapit na sila bakit nagka-emergency pa? Bobo. Emergency nga... May emergency bang planado.

Napangiwi ako sa naisip. Muli kong binalingan ang bleachers- kung saan dapat nakaupo si Mara. Tanging sina Kali lang ang nandoon kaya lalo akong nanlumo.

Okay lang 'yan, Dan. Your future wife's friends are here. They liked you for Mara... Be grateful...

Nagulo ko ang buhok ng isang phrase lang ang paulit ulit na lumilitaw sa utak ko.

It is Mara that I want to see...

Ngayon ang labanan ng bawat stand based sa mga nanalo. Sa amin, EIM ang magrerepresent at kami 'yon...

TVL-EIM...

Ang kalaban namin ngayon ay kastrand ni Mara which is funny. ABM. Sila ang pinakaunang pinapatalsik sa intersection. Mainly because bihira ang lalaki sa ABM kaya hindi sila makapag-sub. Samantalang sa ibang strand or track like us. Halos magpalit minu-minuto ng manlalaro.

"First 5!" Agad akong tinulak ni Tom. Dahil sa madami naman kami sabi ko magsu-sub na lang ako sa kanya pagnapagod siya.

"Tanga! Ano ka 'yung sa movie ng Kathniel. 'Di ka maglalaro ng wala si Mara?! Tanginang 'to!"

"Bunganga mo!" sigaw ko pabalik. Napakadami kasing nakikinig akala mo kami lang nag-uusap.

"Oh tara na." Hinila pa niya ako. "Huwag mo ko iwan sa ere dahil sa pag-ibig."

Kung kaibigan mo si Tom. Mauubusan at mauubusan ka nang pasensya kahit pa napakahaba pa no'n. Ang gago balak pa ata akong hubaran dahil sa uniform ko pa nakahawak habang hila ako.

Napansin ata ni Tom an hindi na ako natutuwa kaya nanguna na siya sa gitna.

Kung 'di lang kita kateam mate. Bobo bangas ka sa 'kin.

"Pasasalamatan mo 'ko mamaya," sabi niya habang nasa gitna. Siya kase ang tatapik ng bola.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bugbog ka sa akin mamaya."

"Bago mo ko bugbugin..."

Napakadaldal talaga ng hayop. Bakit ba hindi pa hinahagis 'yung bola?!

"Sabihin mo muna- Hi Mara."

"Madidisqualified tayo sa kabobohan mo. Magfocus ka!"

"Gago kumaway ka nga muna kay Mara!" Tinuro pa niya 'yung bleachers kaya lalo akong napikon.

"May emergency 'yon."

"Tanga! 'Yun nga!" Nilapit niya ang palad na hugis 'c' sa bibig at handa nang sumigaw.

"MARA SIGAW KA NGA!" buong lakas na sigaw ni Tom. Kumunot ang noo ko at napaayos na ng tayo.

"SIGAW!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Mara. Mula sa handa na makipag-agawan ng bola ay nilingon ko ang bleachers

I cursed under my breath when I saw Mara waving at me. Ang mas nakakagulat pa ay nakasuot siya ng varsity uniform na kagaya ng sa amin.

Gagi, ginanahan ata ako maglaro.

"Andal!- Montano! Mamaya na 'yan! Focus!"

Bumaling muna ako sa pwesto ni Mara. Damn, nadoon talaga siya!

Kumaway ulit siya sa akin bago tumalikod. Napamura pa ako ng maramdaman ang pag-init ng mukha. "GO NUMBER 15! GALINGAN NIYO!!!!"

"Panalo na agad tayo. Mag-ingat kayo kay Dandan. Hype 'yan. Baka 'di kayo patirahin nan."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon