This was the prologue of this story. I decided to change the prologue, that's why I put it here. Now, it looks like just an extra chapter. Hehe...
Anyway, happy reading!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Living in the Present Moment"Next patient na po. Mrs. Batongbakal na po ang sunod."
Tumayo na kami ni Mama sa waiting area pagkatawag sa amin at pumunta na sa harap ng office ng doktor.
Ngayong sabado ko lang nasamahan si Mama magpa-check-up. Ngayon lang kasi ako nagka-oras at nagkapera. Eh, wala naman akong maaasahan sa panganay namin.
Noong Miyerkules, isusugod na sana namin siya sa ospital. Pero bigla naman siyang gumaling at nawala ang pamimilipit niya sa sakit. Nagpumilit siya na itutulog na lamang daw niya. Isa pa, malayo ang ospital sa bahay namin at wala naman kaming sasakyan, nasa hiraman din ang ambulansya at patrol. Kaya nagtiis na lang si Mama at mabuti nakaya niya.
Noon pa may ganitong sakit si Mama pero hindi pa namin napapatignan. Nasakit ang sikmura niya. Nito lang ay napapadalas na. Sasakit tapos mawawala rin naman, then babalik ulit. Noong Miyerkules, lumala lang talaga at suka na siya nang suka. Hindi rin siya makakain masyado.
"Ay, wait lang po pala nang kaunti sabi ni doc. May kausap lang po sa telepono. Pasensiya na po."
"Okay lang po," sagot ko sa secretary ng doktor.
Ngayon, paniguradong mapapamahal ako. Sa clinic ng doktor ko kasi dinala si Mama kaysa sa hospital na mas mahal pa. Malayo rin ang clinic ng bayan namin at hindi sigurado kung aabot kami sa limit ng patients.
Kung sa public hospital naman, malayo rin at mas matagal pa ang ipaghihintay kaysa sa clinic ng mga doktor. Mas matagal pa ang ipipila kaysa sa mismong checkup, ire-refer lang din naman kami sa ibang doktor.
Pakiramdam namin, palala nang palala ang mga pampublikong serbisyo rito sa amin. Dahil ba libre kaya gano'n? Ni-wala nga kaming public hospital sa mismong bayan namin, sa kabilang bayan pa ang meron.
Hindi pa namin alam ang sakit ni Mama, pero inabot na agad kami ng dalawang libo.
"Pwede na po kayong pumasok." Pinapasok na kami ng secretary.
"Magandang tanghali po, Doc," bati namin ni Mama sa doktor. Habang ang bumungad naman sa akin ay nagpakinang sa mga mata ko.
Alam kong ilang beses na akong nakakita ng doktor at nakapasok sa mga clinic at hospital. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha at humanga, kahit sa mga simpleng kagamitan lang nila, lalo na sa tuwing makikita ko ang mga doktor na nakasuot ng white coat nila at may mga stethoscope ring dala sa batok.
Hindi ko lang maiwasang ma-imagine ang sarili ko na ganito rin balang-araw. Na ganito rin ang magiging hitsura at pormahan ko. Na haharap din ako sa mga pasyente ko, susuriin ang sakit nila, reresetahan, at gagamutin sila...
Kaso hindi na nga pala. Mukhang malabo na yata.
"Uhm, good afternoon din! Kumusta po?" masiglang pag-uumpisa ni Doc. May accent ito at parang hindi purong Filipino.
Isinisigaw ng hitsura niya ang ibang lahi. Pero nagta-Tagalog siya. Mukhang sanay na at dito naman siya nakatira. Ang galing lang...
"Ayos naman po, Doc. Wala naman pong sumasakit sa akin ngayon," sagot naman ni Mama.
"Okay! Good to know that. Ano po ba ang problema noong mga nakaraan sa health, Misis... Mrs. Batongbakal nga po, ano?"
"Opo, Doc, Batongbakal po..."
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...