☆*:・゚ 19 ゚・:*☆

27 4 0
                                    

Burol

"Good morning, MJ!" bati ni Rose pagkapasok ko ng room.

Lumipas ang unang dalawang araw ko bilang baguhang babysitter ng kapatid niya.

Wala naman masyadong nangyari kahapon, puro bangayan lang silang magpinsan. Medyo busy rin si Josiah dahil sa nalalapit na intramurals. Ang bilis nga dahil karaniwan, pagkatapos pa 'yon ng first periodical exam. Pero dahil mag-uulan na raw sa mga susunod na buwan, inagahan na nila. At dahil president siya ng isa sa mga school organizations, marami rin daw siyang kailangang ihanda. Tingin ko, magiging abala rin ako since president ako ng klase. Kaya aasahan ko nang hindi kami masyadong magkakausap sa mga susunod na araw, na mabuti...

Nahihiya kasi ako sa kanya! Bakit ko ba kasi itinanong pa iyon? Pero mabuti na rin ang sigurado, 'di ba?

Kinompronta ko lang naman siya kahapon kung nagseselos ba siya kay Kuya Luke! Dahil sa mas pinupuri ko siya sa harap niya. Nakita kasi ulit namin siya nu'ng pagkahatid niya sa akin sa bahay, ta's nag-iba na naman ang timpla... Eh, h-hindi naman daw... After no'n, hindi rin siya nagch-chat o kahit text. Nagalit yata siya.

Eh, gusto ko lang naman ng peace of mind! Hindi ko kasi maiwasang mapaisip ng kung anu-ano dahil sa mga pinagsasabi ni Rose! But at least, tama ang desisyon kong huwag umasa.

"Ba't ka napapailing-iling d'yan? Nahihirapan ka rin ba?"

Nasa gilid ko na pala si Rose, nakatayo.

"A-Ahh, oo. Kinakabisado ko 'yung general business environment sa Organization and Management. Kaso hindi ako masyadong makapag-focus," pagdadahilan ko.

"Wala pa 'yung dalawang bruha mong kaibigan?" Umupo muna siya sa upuan ni Yzen.

"Grabe naman. Hindi naman sila bruha. Pero wala pa 'ata. Nakikita mo ba?"

"Aba! Namemelosopo ka na, ah? 'Yan na yata ang epekto ng pagsama lagi sa pinsan ko."

Natikom na lang ako at lalong itinuon ang mata sa kinakabisado ko.

"Anyway, dahil wala pa sila, uunahan ko na sila. Dito muna ako uupo ngayong araw sa tabihan mo."

Hindi na lang ako umimik at pilit ibinabalik ang utak ko sa pagr-review. May chapter test kasi mamaya.

"Kasi hindi rin ako nakapag-review. Pagayahin mo naman 'ko, MJ."

Doon na ako tumingin sa kanya. Nagmamakang-awa ang mata't kamay nito.

"Please? Please, MJ? For this time only, promise. Nakalimutan ko kasing may test tayo sa sobrang dami kong ginagawa. Naalala ko nga lang nu'ng nakita kitang nag-aaral," paliwanag niya pa.

Ngayon lang? Paano kung masanay siya? Hindi naman niya pwedeng idahilan na marami siyang ginagawa kaya napapabayaan na ang pag-aaral. Nag-enroll siya, so dapat i-prioritize niya ang pag-aaral niya. At isa pa, hindi lang naman siya ang maraming ginagawa. Hindi naman sa pagiging madamot, pero...

Bihira akong magpakopya at hindi rin ako nangongopya. Kuha-kuha lang ng idea sa activities, pero may permiso naman sa paggagayanan ko. Gano'n lang, then ipagc-compare ko na 'yung idea ko sa kanila. Tapos sasabihin sa kanila ang opinyon ko kung mali sila o may kulang para mabago nila bilang kapalit ng pagpapagaya nila sa'kin. Hindi pure na kopya lang!

Hinihintay niya pa rin ang pagpayag ko.

"Ba't naman nakalimutan mong may test tayo? Chapter test, 'yon, Teh! Saka sa pagkakaalam ko, nag-chat pa si Ma'am kagabi para i-remind sa'tin. Hindi mo ba nabasa?"

Parang iritableng kumamot naman ito sa kanyang leeg. "Hindi, eh. Nalimutan ko ring mag-open ng mga GC na about dito sa school. Sorry na," pangangatwiran pa rin niya.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon