Batongbakal, Marella Jean Z.
"Oh, kumusta naman ang first day?"
Bumungad sa akin si Mama pagkapasok ko ng bahay. Pero dumeretso muna ako sa ref at uminom ng tubig bago siya sagutin.
Halos gabihin na talaga ako sa pag-uwi. Ang tagal kong naghintay ng masasakyan kanina. Minsan, mas nakakapagod pa talaga ang magbyahe.
Paano ba naman, ang dapat na magsusundo sa akin, si Kuya Marko, nagpadaig na naman kay katam.
Pambihirang kapatid ito, oh! Ba't ba ko binigyan ng ganitong kapatid?
"Naging maayos naman po."
Kahit muntik na akong may makaaway agad. First day na first day pa man din.
"Wala pa kaming masyadong ginawa." Napabuntong-hininga na lang ako.
Bumalik na ulit siya sa paggagayat ng rekado pang-hapunan.
"Wala ka pang ka-close o nakausap? O meron na agad? Malay mo, may kamag-anak tayo ro'n na kaklase mo."
Meron nga agad nakausap, eh. Muntik ko pang makaaway!
"Wala pa, Ma. Una pa lang, ih. Pero mukha namang mababait ang mga kaklase ko, pati 'yung dalawa advisers namin. Kamag-anak? Hmm, mukhang malabo at puro mayayaman ang nandoon."
Pagdating naman sa mga kaklase ko, 'yung Yzen lang naman ang nakakatakot sa kanila.
"Niloko pa nga ako ng adviser naming lalaki. Bato na raw, bakal pa! Siguro raw, ang tigas ng ulo ko," nguso ko pang pagsusumbong kay Mama.
"Bakit hindi ba? Manang-mana nga kayong tatlo ng mga kuya mo sa Papa ninyo. Katitigas ng ulo," gatong pa naman ni Mama. Akala ko, daramayan ako sa pagd-drama ko.
Lalo lang tuloy humaba ang nguso ko. "Ma, naman. Hindi kaya! Sila lang dalawa, ako ang nagmana sa'yo."
"Anong kami lang? Matitigas naman talaga ang mga Batongbakal. Isa lang sa atin ang hindi sa magkakapatid, palibhasa'y ampon," sabat naman bigla ng hindi sumundo sa akin, si Kuya Marko, ang panganay namin.
Pormal ko lang siyang pinasadahan ng tingin.
Sino ba ang pinatutungkulan niya? Ako o ang isa pa naming kapatid, si Kuya JM? Eh kung tutuusin, siya naman ang mukhang ampon sa amin. Siya lang kasi ang tamad sa aming magkakapatid, kung sino pa talaga ang panganay.
Ngayon nga, hayahay lang siyang nakahiga sa sofa. Hindi man lang niya tulungan si Mama kahit maggayat dito sa kusina, eh siya naman itong nandito lang sa bahay buong maghapon.
"Ako? Ako ba? Tch! Porket lambutin ako?!" depensa naman agad ni Kuya JM na busy lang kaninang magsulat.
Aminado naman siya na lambutin siya.
"Tama na 'yan, baka saan na naman mapunta 'yan," awat naman agad ni Mama.
"At least hindi tamad... Tigasin nga, tamad naman," rinig ko pang bubulong-bulong ni Kuya JM.
"Anong sabi mo?" Bumangon si Kuya Marko at nagbadya agad ng suntok. Yabang...
"Bakit? Tinamaan ka?"
Nag-umpisa na naman po sila. Napailing-iling na lang ako.
Ito naman kasing si Kuya JM. Sana ay hindi na lang niya pinatulad si Kuya Marko at alam naman niya ang ugali nito.
Pero ang ganitong ganap dito sa bahay, normal na lang sa amin.
Natural na ang asaran na napupunta sa pikunan nilang dalawa. Mga lalaki kasi, matataas ang ego, lalo ang panganay namin.
"Sabi ko, kung tigasin ka nga pero tamad, wala rin!"
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...