☆*:・゚ 34 ゚・:*☆

14 3 0
                                    

An Agreement


"If there's no other questions, class dismiss."


After months, pinayagan na rin kami sa wakas papasukin. Nagka-face-to-face classes na nga kami, kaso halos isang buwan na lang naman ang ipapasok namin sa school year na 'to. So, mabibitin lang din kami.


Kumalma na ang bulkan kaya unti-unti na ring bumalik sa normal ang buhay namin dito sa Kinaiyahan.


Lunch break.


Dapat ay magkikita kami ngayon ni Josiah dito sa lumang kubo. Kaso hindi na ako sigurado kung makakapunta pa siya at sisiputin ako. May aasikasuhin daw muna kasi siya bago pumunta rito as usual. Ang problema, hindi ako libre buong lunch break ko. Kailangan kong dalian ang aking pagkain dahil may chapter test pa kami mamaya at kailangan ko pang mag-review.


Bihira kaming mag-usap nitong mga nakaraan dahil ang dami nilang semestral project, idagdag pa iyong 3I's at defense nila. Sa mga susunod na linggo naman ay magiging abala naman siya sa practice nila ng pagmartsa sa kanilang graduation.


Kaya baka magkasalisi kami, hindi kasi magkatagpo ang oras naming dalawa...


Pagkatapos lumipas ang kalahating oras, nawalan na ako ng pag-asang magiging libre siya ngayon. Tapos ko na rin ang pagkain ko.


Nagligpit na ako at inilagay na sa bag ang lunchbox ko nang...


"MJ!"


Ngunit laking gulat ko nang tawagin niya ako.


Nakangiti siya nang lingunin ko. "Akala ko, hindi ka na darating," blangko kong sabi.


Unti-unting nawala ang matamis niyang ngiti nang makaharap na ako. "Aalis ka na?" tanong niya.


"May librong kailangan kong hanapin sa library kaya pupunta na sana ako roon. May chapter test kami mamaya sa isang major namin kaya kailangan kong mag-review."


"S-Sorry, na-late ako sa usapan nating oras. Pero may good news naman ako!" Ngumiti ulit siya nang malawak. Tila proud sa kanyang sarili.


"Na-approve-an na ng barangay captain ang project na prinoposed namin ni Sir! Iyong abo ng bulkan, gagawing hallowblocks. Plus, 'yung ibang basura na nakolekta natin last semester, 'yung project natin!" masayang sabi niya.


Napangiti naman ako dahil mukha talagang masaya siya. Naalala ko rin ang project namin na iyon. Ang daming nangyari. Experiences, memories, lahat ay kasama siya. Naaalala ko pa noon na kung gaano pa siya kasungit sa akin. From that, naging ganitong kalambing at sweet na lalaking may magulo pa ring buhok.


"Congrats, Mr. President!" Hinaplos ng isa kong kamay ang pisngi niya.


From those memories to these worries.


Worries na ano kayang mangyayari kapag college na siya habang ako, high school pa rin.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon