☆*:・゚ 18 ゚・:*☆

26 4 0
                                    

Babysitter of Three

"Ang tagal niyo naman!"

Inaasahan ko na ang reklamo ni Rose sa amin.

Isa-isa ko nang kinuha ang mga napamili namin at tinulungan naman ako ni Rose. Pinauna ko na siya sa kusina nila dahil siya naman ang may-ari ng bahay.

"MJ, makikitulong na nga ako magpatas nito sa pantry. Tulog pa naman si Red," ani'ya. Sumang-ayon lang ako.

May pintuan siyang binuksan at puro pagkain ang laman... Ito ang pantry nila?! Magkasing-laki lang 'ata ito at ang kwarto ko, eh!

Marami pa namang laman, ah? Kung makapag-panic naman itong babaeng 'to kanina. Ganoon ba sila katakot magutom? Ito na ang walang laman sa kanila? Akala ko, isang sakong bigas na lang? Eh, may mga case pa ng mineral water, bundle ng noodles, at ibang pagkain. Nahiya naman ang ref namin na puro tubig at itlog ang laman.

"B-Bakit? May nakita ka bang ipis?" alalang tanong nito sa akin. Hindi kasi ako nakakilos agad.

"Huh? Wala naman. Magpapatas na'ko." May mga label naman ang mga paglalagyan kaya hindi ako nahirapan.

"Huy, nag-date kayo, 'no?"

Haynako... Nag-umpisa na naman siya.

"Ayaw mo kasing ikaw ang mag-grocery. Tapos magrereklamo ka kasi natagalan kami?" Biglang pumasok si Josiah, kaya parang uminit ang pakiramdam ko.

Narinig niya kaya si Rose? Ito kasing babaeng 'to, kung anu-anong pinagsasabi...

Pinakinggan ko na lang ang bangayan ng dalawa hanggang sa maubos ko na ang laman ng mga ecobag. Pagkatapos tupiin ang mga iyon, bumalik na ako kay Baby Red nang hindi na nagpasabi sa dalawa. Pero pagkasilip ko, tulog pa rin siya.

Naupo na lang ako sa tabi ng crib ng bata at binasa ang dala kong notebook. Tulog naman siya kaya pwede pa akong makapag-aral. Pero hindi rin naman nagtagal, nakita ko na ang ate niya sa pintuan.

"Narindi ka ba kanina sa'min ni Josiah? I'm sorry. Gano'n talaga kasi kami. Masasanay ka rin," tatawa-tawa niyang paalala ulit.

"Ayos lang. Inaaway rin naman ako no'n."

"Gano'n talaga 'yon. Masungit, pala-asar, tapos siya naman itong pikon. But, believe me, he's the softest one. Ayaw niya lang ipakita kasi natatakot siyang pagkatuwaan na naman siya or something like that... Noong bata kasi kami... maliit lang si Josiah, mabait, sweet, mahiyain, lambutin. Kaya na-bully siya sa pagiging gano'n niya. For me, nothing's wrong with that naman. Pero mga bata nga kaya siguro mga bully pa noon," biglang kwento naman ni Rose. Naupo siya sa maliit na kama ng kapatid, halos katabi ng kinauupuan ko.

Hindi ko ma-imagine na gano'n pala siya dati na mahinhin. Ngayon kasi, kahit payat siya, kilos-lalaki at binata na talaga. Kahit payat, tingin ko manununtok talaga siya.

"But you know what, kahit gano'n siya, hindi niya kami pinababayaan ni Red, o kahit ako noong mga bata pa kami. He's always there to defend me if needed, pasalita pa 'yan o papisikal. Kahit lambutin 'yan noon, nakikipagsapakan 'yan at matalas na talaga ang tabas ng dila, kaya nga ayaw sa kanya ng ibang bata. Hindi siya nadadalang gawin 'yon noon kahit ang ending, laging siya naman ang nasasaktan at natatalo nu'ng mga nang-aaway sa'min, lalo anong laban niya sa marami at malalaki? Kaya simula high school, ayan, ganyan na tuloy siya. Pati ako, inaaway na rin. Hindi na siya laging sweet... maybe because of being a teenager, I guess?"

Bakit niya ikinukwento ang mga ito ngayon sa'kin? Para tuloy akong naawa kay Josiah sa nangyari sa kanya noong bata pa siya. Nanggigil tuloy ako bigla. Ano bang napapala nila sa bullying?

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon