☆*:・゚ 12 ゚・:*☆

30 3 0
                                    

Memorable Lunch

Naupo na nga lang ako rito sa likuran ng lab na parang outsider sa org. Dumating na rin si Ava at Yzen na palinga-palinga, hinahanap siguro ako. At dahil officers din silang dalawa, sa harapan din sila umupo.

Kung hindi niya ako rito pinapwesto, edi sana matagal kaming magkakatabi ni Kuya Luke! Sinunod ko lang naman siya dahil pinagtakpan niya ako kanina kay Sir, kaya pinagbigyan ko na ang gusto niya ngayon. So, patas na kami.

"Okay. I think everybody's here. Settle down, guys, we're going to start... Alam kong pauwing-pauwi na rin naman kayo, but we have to discuss something important today." panimula na ni Sir. Tumango-tango naman kami.

Sakto namang pagbaling ko ng tingin kay Sungit, nagkatinginan kami, nakatingin din pala sa akin. Nanlaki pa nang bahagya ang kanyang mga mata sabay iling at sa iba na tumingin.

Ba't parang inoobserbahan niya ako? Ayaw ko nang tinitignan niya ako. Hmp!

At akala niya yata ay hindi na ako nakatingin sa kanya, dumapo na naman kasi sa gawi ko ang mata niya na agad din naman niyang iniirap.

Sa lahat naman ng lalaking kilala ko, siya lang ang magaling umirap at magtaray...

Iyon na ang huling beses na tumingin siya sa'kin. Nakita ko ring napalingon siya kay Yzen na kahit saglit lang, para siyang biglang natakot at namula agad ang tainga. Kitang-kita ko kahit nasa likod pa ako...

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig... Kaso totorpe-torpe naman siya. Pero kapag mag-aaway ng babae, sisiw na sisiw lang sa kanya.

Napairap na lang din ako sa hangin at napabuntong-hininga. Hanggang sa siya na ang nagsalita.

"Go, Josiah. The stage is yours now. Bilisan mo at kaunti na lang ang oras natin. We should not waste time here."

"Good afternoon to everybody. We are having this meeting to discuss all of our upcoming projects just like what Sir Clark have said earlier. Yes, tama ang narinig niyo. Magkakaroon na agad ng projects ang SEPaKK para naman maaga pa lamang, may magawa na tayo at higit sa lahat, makatulong na agad sa kapaligiran, sa school, sa mga estudyante, at sa iba pang communities outside the campus," malumanay na pag-uumpisa ni Josiah, "So, here I am, your President to discuss those activities. First, these activities are planned by yours truly."

Bigla naman akong nayabangan sa sinabi niya.

"But of course, hindi lang naman ako. Katulong ko si Ms. Batongbakal, my secretary sa pagpaplano ng lahat ng activities. Actually, I was just part of planning, she was the root of all of these ideas." Itinuro ako ng kamay niya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko at saglit na natigilan habang nakahalumbaba pa. Nginitian ko naman sila nang tignan nila ako halos lahat.

Ako raw? Siya lang naman ang nakaisip no'n! Hindi ko talaga mabasa ang tumatakbo sa isip ng abnoy na 'to.

"Let us appreciate her efforts and hardwork," talagang dagdag pa niya kaya lalo akong nahiya. Pinalakpakan pa nila ako na wala man lang malay, hindi naman dapat.

Alam kong mamula-mula na ako sa hiya. Pasalamat siya't kayumanggi ako. Ang sarap talaga niyang tadyakan! Nang-aasar ba siya? Gusto niya lagi ang napapansin ako?

Anong ako ang root? Mukha ba akong ugat?

Muntik na akong mapanguso. Nang hindi na sila nakatingin, sinamaan ko siya ng tingin kaya saglit pa siyang napahalakhak.

Ayaw niya ba ng credits? Eh, iyon naman lagi ang gusto niya. Ba't ako? Kasi para ako ang liable. Parang ako ang accountable sa lahat ng responsibilities ng mga magiging activities? Para ako ang sasakit ang ulo sa mga tanong nila?

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon