☆*:・゚ 25 ゚・:*☆

25 3 0
                                    

Making It Clear

"Botong-boto talaga ako sa'yo! Huwag kang maingay, ah? Pero sa amin, si Tita Sabine lang yata ang hindi boto sa'yo."

Huh? Pero kanina... Hindi, ayos lang. Naiintindihan ko, lalo na at ang laki ng agwat ng mga estado namin sa buhay. Iniisip niya lang siguro ang best sa nag-iisa niyang anak?

"Oh, ba't parang nanamlay 'yang mukha mo?"

Tinagpo ko ulit ang mga mata ni Rose at ngumiti. "Ha? Anong nanamlay? Eh, ganito naman talaga ako!" biro ko na lang.

"Hindi boto sa'yo si Tita kasi botong-boto siya sa'yo! Kabado much, 'no?! Jusko. Kanina ka pa nga bukam-bibig nu'ng nabili kami ng pagkain kasi nakita ka na niya finally sa personal! Pareho lang sila ng anak niya, madaldal pero hindi halata sa hitsura. Tinanong pa nga sa'kin kung ilang taon ka na, kasi nga excited na siyang magkaroon ng girlfriend ang anak niya," kwento ni Rose na nagpatameme lang sa'kin.

Ganoon kadaldal ang nanay ni Josiah? Ibig-sabihin, pamilya sila ng madadaldal pero wala sa hitsura?... Pero talaga bang boto sa'kin?

"Kaso ano eh, sa edad yata tayo pumalya. Sabi ko kasi, kasing-edad kita at ako ang ka-year mo. Medyo nanamlay siya na parang kung paano ka kanina nanahimik."

Dahil doon? Bakit kaya? Ayaw ba ni Tita ng mas bata kay Josiah? O baka dahil pareho sila ng ikinakatakot mag-ina? Na baka kapag nag-college na si Josiah, magbago lahat ng meron kami, hanggang sa makalimutan namin kung ano 'yung meron sa'min.

"Bakit kaya, 'no?" napatanong tuloy ako.

Umangat naman ang balikat ni Rose at mabilis ring lumagpak. "Ewan. Hindi ko rin maintindihan kanina si Tita. Pareho sila ni Josiah, 'no? Moody."

Pareho silang nalulungkot sa topic na 'yon, 'ka mo.

"'No ginagawa niyo rito at nags-solo kayo?" Narinig naming bumukas ang pinto at umalingawngaw na ang boses ni Ava.

"Nag-uusap lang kami about sa mga naiwan kong mga topic at gawain. Masyado?" Inirapan na lang siya ni Rose.

Umiling naman ako kay Ava at Yzen habang hindi sa akin nakatingin si Rose.

Stressed na stressed lang si Rose kaya siguro ganito kung magmaldita. Baka nga wala pa siyang matinong tulog eh. Kaya iniintindi o pinaiintindi ko na lang sa dalawa sa tuwing patago ko silang pinipigilang patulan si Rose.

"Tapos na ba kayong kumain? Iniwan niyo na sa loob si Kuya Luke," pagbasag ko na lang ng katahimikan.

"Ano nga pala 'yan? Ang cute! Ang laki pa. Pumasok ka lang dito, may ganyan ka na eh. Uyy! Ba't kami naman nu'ng pumasok, walang ganyan?" pagpansin ni Ava sa dala-dala ko pa ring binigay na stuffed toy ni Josiah. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko.

"Paano namang nakapagbigay pa niyan si Josiah? Alam niya bang papunta tayo? Pambihira rin talagang umibig ang isang 'yon," sabat naman ni Yzen at napa-iling-iling.

"Hindi. Matagal na 'yang nand'yan, napanalunan niya raw sa isang laro tapos gusto niya raw ibigay kay MJ. Pagkakita namin sa kanya bago siya dalhin dito, may katabi na siyang ganyan eh. Kaya hindi na naalis 'yan d'yan, hindi na naiuwi. Kahit nga sabihin naming iuuwi na muna namin, ayaw niya at baka raw dumating itong girlfriend niya. Buti na lang may plastik, hindi naman nadumihan nu'ng nakita namin 'yan."

"Girlfriend?!" gulat na tanong ni Yzen sabay ng biglang panlalaki ng mga singkit niyang mata.

"Ay hindi! Masyado kayong nagpapaniwala sa babaitang 'to," tatawa-tawa kong pagpapaliwanag agad.

"Ahh, akala ko naman. Halata naman na may something between-"

"Pero sabihin niyo sana kung kayo na talaga. Para naman maipag-celebrate pa natin iyan!" dugtong naman ni Ava kay Yzen.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon