A Bad Day Only Lasts for 24 Hours
"So, we have another nominee for the position of president. Ms. Batongbakal."
Agad akong tumingin kina Ava na mukhang nag-aalala ang mukha at si Yzen na parang dismiyado sa aking iiling-iling.
Naestatwa na ako sa may pintuan at hindi na nakaimik.
"Oh? Ms. Batongbakal, baka nagtataka ka since late ka. Hindi mo alam ang ganap namin ngayon... We're currently having our class officers election and since walang nagn-nominate sa mga napakatahimik mong kaklase, we decided na iyong late na lang ang maging nominees," paliwanag ni Sir Anciado.
Teka, bakit ako? At bakit hindi sila nagsasalita? Wala ba silang mga dila? Sila nga itong mga nakakakilala sa isa't isa kasi sila itong magkakaklase noon.
Tsk, ngayon pa lang, dama ko na ang pagiging sakit sa ulo ng mga ito!
"U-Uhh, I'm sorry po, Sir. Na na-late ako." Nakayuko akong naglakad at naupo na sa upuan ko.
"Nah, it's just fine. Your friends told me the reason," ani'ya, "So, we have two nominees for the president. Wala na kasing late."
Edi dapat nga ay excused ako!
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko yata talaga araw ngayon. Ang pangit yata na ang umpisa ko rito. Kasalanan kasi ng lalaking 'yon!
At pambihira rin naman si Sir... Hindi niya ba naisip na if late na nga kami ngayon, eh ano pa sa mga susunod? Kaya bakit kami ang gagawing presidente ng klase? Maganda bang modelo iyon? Para na rin niyang sinabi na gayahin kami sa pagiging late.
Pero sino ba iyong isa? Dalawa raw kami?...
Napadpad naman ang mata ko sa direksyon ni Natasha. Nakatingin din siya sa akin at nakakunot ang noo na parang problemado at parang nanghihingi ng tulong ang tingin.
Hindi siya mukhang galit, pero si Kai. Parang kakagatin na ako sa lisik ng mata. Ano kaya namang iniimim?
"Ms. Batongbakal and Ms. Natasha Nieves, please stand." Kapwa kaming nanlaki ng mata ni Natasha sa pagkagulat.
Kami ngang dalawa ang nominees!
"Please, come here in front, and kindly introduce yourself na parang nangangampanya kayo," utos pa sa amin ni Sir.
Kahit mukhang pareho kami ni Natasha na ayaw iyong sundin, ginawa pa rin namin.
Since ako rin naman ang dahilan kung bakit nadamay pa siya sa pagka-late, ako na ang nauna. "H-Hello, classmates! I am Marella Jean Batongbakal," simpleng pagpapakilala ko. Iyon na lang ang nasabi ko sa kaba.
"Ms. Batongbakal, try to convince them to vote you naman."
Sir naman!
Ba't ko naman gagawin 'yon, eh ayaw ko ngang manalo o iboto nila.
Pero tumango pa rin ako kay Sir. "Hope, you'll vote me. Thank you," walang sigla kong dagdag.
Gusto kong sumabog! Super stressful naman agad nito!
Bago pa magsalita ulit si Sir sa akin, inunahan na ni Natasha.
"Good morning. I am Natashan Klein Nieves, for president position. If I win this position, I will do my best to be a good model and leader who will lead our class towards the great success. So, I hope you will vote for me. Thank you!" pagpapakilala naman ni Natasha na halos magpalagpak ng panga ko.
Akala ko lang pala, ayaw niya. Na napilitan lang din siya gaya ko. But worry no more! Sa ganda ng sinabi niya, walang-wala ako. Panigurado, siya na ang iboboto ng klase... Mabuti naman.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...