☆*:・゚ 26 ゚・:*☆

22 3 0
                                    

Go for the Highest Score

"Libre ka naman, MJ! Halos ma-perfect mo? Dalawang major? Grabe ka... Tsk! Mamaw talaga! Sabi mo, hindi ka masyadong nag-review. Hindi raw nag-review pero tig-isa lang ang mali sa dalawang tests? Malaking scam ka talaga!"

Mabingi-bingi ako sa mga sigaw ni Ava at talagang sa may tabihan pa ng tainga ko. Mahina pa siguro ito para sa kanya. Pero nakakatuwa dahil mas mukhang proud pa siya kaysa sa'kin.

Naglalakad kami ngayon papuntang canteen, kaso naalala ko bigla na may gagawin pa pala ako.

Umiling-iling na lang ako. Ayaw kasi nilang maniwala na hindi ako masyadong nag-review. Oo nag-aral ako pero saglit lang. Ang review kasi sa akin ay iyong kinakabisado ko lahat. Pero wala akong natatandaang sinabi kong hindi ako nag-review at all. Saka mas effective rin siguro na huwag na akong magkabisado? Lalo akong nam-mental block kapag puro memorized lang. Ayos na pala na binabasa ko lang at inuunawa ang mga nasa notes ko.

"Tumahimik ka nga, ingay-ingay mo. Kakarindi na, eh," inis na saway naman na ni Yzen sa kanya sabay ngumisi, "Alam mo namang bumalik na ang inspirasyon."

Naningkit na lang ang mga mata ko. Alam ko ang tinutukoy nila. Kanina pa nila ako inaasar, silang dalawa pati si Rose. At isa lang naman ang tinutukoy nila, si Josiah malamang.

Bumalik na kasi si Josiah at nagiging maayos na naman daw ang mga bagay-bagay, ang sabi ni Rose. Kaso pareho silang naghahabol sa mga naiwan nilang mga gawain.

Masaya ako na nandito na siya ulit, hindi ko itatanggi. Pero walang kinalaman ang mga nakuha kong scores sa kanya. Siya ba ang sagot? Hindi naman.

"Libre mo na lang kami, perfect ka naman. Kahit biscuits lang sa canteen," pagpupumilit pa ni Ava.

"Hindi ako makakasabay sa inyo," buntong-hiningang salita ko na.

"Huh? Bakit? Mag-aaral ka pa para sa 21st Century Lit? Huwag na! Sigurado naman, papasa ka mamaya. Sabi mo nga, 'di ba? Hindi ka nag-review. Malay mo, gumana ulit."

"Tangeks! Wala naman akong sinabi kanina na hindi ako nag-review. Ang sabi ko, hindi lang masyado. Saka, hindi. Hindi ako magr-review. Pupuntahan ko si Pres, may ibibigay akong report," paliwanag ko.

Nagpalitan naman agad ng mapaghinalang tingin ang dalawa, sabay tingin naman sa akin nang nanunukso na.

"Sana all naman," asar na ni Ava.

"Tumigil ka, ah?" Inismiran ko siya. Akala mo naman ay walang Kuya Luke.

"Sige na. Naiintindihan naman namin kung gaano niyo ka-miss ang isa't isa." Napakislot pa ako sa pagsundot ni Ava sa bewang ko habang sinasabi iyon ni Yzen. Pati ba naman itong si Yzen ay nahawa na ng lakas sa pang-aasar kay Ava at Rose. Mga bad influence.

"Ewan ko sa inyo! Diyan na nga kayo." Iniwan ko na sila at binilisan ang lakad papuntang hallway pa-laboratory. Rinig ko naman ang nang-aasar na tawa ni Ava kahit nasa malayo na ako. Ang babaeng iyon talaga, akala mo'y hindi babae kung umasta.

Nang makalayo sa kanila, ibinalik ko sa normal na bilis ang paglalakad ko. Baka madapa pa at baka mahalatang excited akong makita siya. Pero kahit na, hindi ko talaga maitago ang ngiti ko. Sobrang saya ko dahil nakabalik na siya at ang pinakamahalaga ay magaling na siya.

Ngayon na lang ulit kami magkikita nang malapitan pagkatapos namin siyang dalawin sa ospital, magt-tatlong linggo na ang nakalipas. Kanina, nakita namin siya, sila ni Kuya Luke. Kaso malayo sa amin dahil hiwalay ang Grade 11 at 12 sa pila sa flag raising.

Nagkakausap naman kami, sa text nga lang lagi at sobrang dalang pa dahil marami siyang inaasikaso dahil doon sa kaso. Ayaw ko namang makadagdag pa sa isipin niya kaya pinipigilan ko rin ang sarili kong i-message siya.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon