☆*:・゚ 04 ゚・:*☆

38 4 0
                                    

Three Representatives

Medyo awkward 'yung ginawa naming role play kanina. Idagdag na rin ang rasong medyo masama ang loob ng leader nila, ako.

Saka nalaman ko na hindi lang pala ako ang naligaw rito sa ABM, kun'di pati na rin sina Ava at Yzen. At kami pa talaga ang naging parang leaders sa grupo namin, ah? Iyon tuloy, hindi ganoong kaganda at kabuhay ang presentation namin. Hindi tulad ng kina Cortez at Rose.

Recess namin. Pero nandito pa rin si Sir dahil wala raw si Ma'am Beltran at may inaasikasong mahahalaga. Pero baka raw mamaya ay nandito na rin.

Maya-maya ay may pumasok na namang grupo ng estudyante na lumapit kay Sir.

Siya na naman?! Nananadya ba siyang magpakita pa rito?

"Ms. Batongbakal?"

"Po?" Parang tumalon ang puso ko at nandilat kay Sir.

"Ahhh, mabuti naman at nandito. Ms. Yzen Nieves, Ms. Batongbakal, and Ms. Ocampo, sumama kayo sa kanila. Kayo ang napili kong representatives sa SEPaKK, ang Science Organization ng School na ito. You can bring your food if you want."

Saglit pa akong napatunganga. Tinignan ko saglit ang lalaking feeling cool, nakangisi na.

Ako? Bakit ako? Bakit ako na naman?!

"Sir, ba-" aangal pa sana ako. Talagang umangal ako!

"Sige na, may meeting daw kayo roon. Baka ma-late kayo," nakangiti pa nitong saad.

Desisyon ka, Sir?

Nagkatinginan pa kaming tatlo kahit magkakalayo ang upuan namin. Nauna silang tumayo bago ako, labag sa loob na tumayo rin.

Sumama kami sa grupo ng mga estudyanteng pumasok sa room. Rinig ko namang nagpaalam iyong epal sa mga kasama niya at iniwan na kami. Buti naman...

"Ahhh, sa ChemLab kayo pumunta. Naroon na ang iba, pwede na kayo pumunta roon. Susunduin lang namin ang iba pang representatives," wika naman ng isa pang lalaking matangkad na kasama nila.

Tumango lang kaming tatlo at nagsarili na ng direksyong pupuntahan.

"Nadaanan ko na 'yon kanina! Kaya alam ko na kung saan. Kung hindi niyo pa alam, sasamahan ko kayo," pagbasag ng katahimikan ni Ava.

Nginitian ko naman ito sabay tango.

Si Yzen, diretsong-diretso naman ang tingin sa hallway. "Kahit naman ayaw namin o hindi ni Ms. Batongbakal, sasamahan ka pa rin namin dahil doon naman talaga ang punta nating tatlo," walang kagana-gana niyang sagot.

"A-Ahh, MJ na lang. Masyadong mahaba 'yung apelyido ko," sabi ko lang.

Hindi naman siya sumagot at diretso pa rin ang tingin sa daanan. Ni-hindi siya tumango.

Para na ngang nag-uusap ang mga mata namin ni Ava at tinatanong ang isa't isa kung bakit ganoon na lang si Yzen. Napapagitnaan pa man din namin siya.

Binilisan na namin ang paglakad hanggang marating ang lab na sinasabi ng mga estudyante kanina.

"Ayan! Dito na!"

Nasa ground floor ito ng building namin.

Eh, sarado naman ang pintuan. Kaya hindi muna kami pumasok. Baka mamaya...

"Sigurado ka?" tanong pa ni Yzen kay Ava at tinaasan ito ng isang kilay.

"Oo nga! Kahit minsan naman, nagiging sigurado rin ako, 'no?!"

Hindi na pinansin ni Yzen ang sinabi ni Ava at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. Umuna siyang pumasok kaya naglakas-loob na rin kaming pumasok ni Ava.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon