☆*:・゚ 20 ゚・:*☆

31 3 0
                                    

From Mr. Stupid to Mr. Cupid

"Basta sitahin niyo agad kapag may mga nagtapon lang ng mga basura nila sa kung saan-saan. Wait, may nakalimutan akong kunin. Dito muna kayo, ibibigay ko mamaya."

Bumalik ako sa lab para kunin ang mga ginawang karatula ni Josiah na siya mismo ang gumawa. Hindi printed at gawa sa recycled materials. Ibang klase rin talaga ang lalaking iyon kung mag-effort...

Sa akin nga nila iniwan ni Kuya Luke ang pagl-lead ng SEPaKK ngayong intrams. Muntik na akong maiyak kanina dahil masyado akong na-overwhelmed sa dami ng gawain ko. May iba pa kasi akong duties bukod dito at nagsabay-sabay pa kanina. Ang dami pang tanong ng mga kaklase ko, utos ng mga teachers, at pakisuyo ng ibang orgs. Kailangan ko ring i-supervise ang representatives namin. Nakakaumay.

Sabay pa kasi silang nawala ni Natasha, assigned naman siya sa medic.

"Ito. Idikit niyo pa rin itong mga karatulang 'to. Gawa 'yan ni Pres kaya siguraduhin niyong maididikit niyo, kun'di malalagot tayo ro'n. Iyan ay para rin alam ng mga students at guests kahit papaano kung saan dapat ilagay ang mga pinagkainan, props, at lahat ng mga basura nila. Alam niyo naman ang mga assigned area niyo, 'di ba? Isinend ko na 'yon sa GC, at huwag kong makikita na kayo pa ang nangungunang magkalat. Okay?" kunot-noong paliwanag ko sa mga ka-miyembro ko.

Nagsitanguan naman ang karamihan. Ang iba naman ay poker face lang, hindi ko alam kung iniintindi ba nila ako. Kay Josiah lang yata sila nakikinig at nasagot eh, sa sungit ba naman no'n. Eh ako, ang liit ko pa.

"Okay, I think we're clear. Keep safe. Go!" Binigyan ko na sila ng hudyat at nagsipuntahan nga sila sa assigned area nila.

Si Ava lang ang naiwan. Since ako rin ang bahala sa pagbibigay ng assignment namin, syempre magkasama kami ni Ava.

"Tara na sa section natin at baka mamaya, nagkakalat na ang mga iyon," pagmamadali ko kay Ava na palinga-linga.

"Huy! Tara na." Hinawakan ko na siya sa palapulsuhan.

"Ang daming tao, 'no? Ba't may nakikita akong mga pulitiko doon sa mga lamesa sa stage? Hindi naman sila kailangan dito, 'di ba? Intrams kaya 'to! At saka, ang daming estudyanteng iba ang uniform. Ano naman sila rito?" pangunguwestiyon nito sa akin na tila ba alam ko rin ang sagot.

Pero ang dami ngang tao na mukhang wala namang kinalaman at hindi part ng event.

"Ewan ko sa mga pulitikong 'yan. Pero malamang, mga taga-ibang school 'yung naka-ibang uniform, nang-i-spot ng pogi at muse. Intrams kaya ito, Ava! Ano pang aasahan mo?"

Tinitigan ko ang dalawa kong kaklase na nadatnan naming nag-i-imaginary dribbling. Galing na galing sa sarili, eh mga mukha namang mga gorilla-ng nakawala sa zoo.

"Hoy! Mga unggoy kayo! Magsi-upo nga kayo, baka gusto niyong ibalik ko kayo sa zoo!" saway agad ni Ava sa kanila.

Ngunguso-nguso at bubulong-bulong naman ang mga sinaway niya.

"Gulo-gulo niyo." Iritableng napakamot na lang ako.

"Ava, pwedeng makikisuyo? Makikibantayan muna nitong section natin. Huwag mong hayaang may patayo-tayo lagi at pagala-gala, lalo na kapag sumisigaw habang hindi pa nag-uumpisa talaga. Kailangan daw nakapirmi ang mga estudyante dahil nandito raw ang principal, strikto raw 'yon... Bibisitahin ko lang 'yung dalawa."

"Ah, sige! Okay lang. Puntahan mo muna sina Yzen."

Bago ko silipin sina Yzen, idinikit ko muna ang karatulang nasa akin sa assigned area ko. Dito sa halos tabi ng stage kung nasaan ang tents ng mga contestants sa Mr. and Ms. Intramurals, ibaba ng stage.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon