Epilogue (part two)

23 3 0
                                    

Josiah's MJ


Ginising ako ng masarap na halimuyak ng pagkain. Pagbaling ko sa kanang bahagi ng kama, wala na pala akong katabi!


Agad akong napabangon. Wala siya kahit saang sulok ng hotel room! Hindi kaya—


"Oh, you're awake. Good morning, Ga." Ngumiti siya nang malawak.


Galing siyang CR. Wala pa rin siyang suot pang-itaas kaya kitang-kita ko ang malaki niyang katawan, malalapad na balikat... at ang abs niya.


Hindi ako makapaniwalang isinuko ko lang ang bataan sa one-night stand! Masyado akong naakit kagabi sa kanya. Marahil ay dala na rin ng impluwensiya ng alak.


Nagising ako kaninang madaling-araw at naaninagang paalis na sana siya. Kaya napabalikwas ako nang bangon at pinigilan siya. Hindi ko alam bakit ko iyon ginawa. Parang gusto kong makita nang malapitan ang mukha niya at hawakan iyon.


Tinitigan niya lang ako kanina pagkatapos ko siyang lapitan. Tapos ayon na! Para na lang biglang may tumulak sa'kin na halikan siya. Tumugon naman siya kaya para akong nawala sa sarili ko. Hanggang sa manghina na ako kaya't ibinalik na niya ako sa kama... eh, nagtuloy-tuloy. Hindi na namin napigilan ang katawan naming dalawa kanina.


Tandang-tanda ko kung paanong ako pa ang nag-initiate sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang naiparadam ko sa kanya kanina. Halata bang gigil ako o boring ako? Siya kasi, kahit ramdam ko ang panggigigil niya habang ginagawa namin iyon, maingat pa rin siya. Lagi siyang nagpapaalam at nagtatanong... But damn it! Ang husky ng boses niya! Those moans and whimpers, I can still hear them... Kainis!


"Akala mo siguro, tinakbuhan na kita." Ngumisi siya at umupo sa tangwa ng kama. "Wait, y-you look upset." Sinilip niya ang mukha ko.


Huminga ako nang malalim at hindi na lang siya kinibo. Ni-hindi ko siya matignan sa mata.


May katabi na akong trolley na puno ng pagkain. Dito pala nanggagaling ang amoy. Kaya rito ko na lang ibinaling ang atensyon ko.


"Galit ka ba sa'kin?" Halata ang pag-aalala sa boses niya.


"Hmm? Hindi naman. Bakit?" pagkukunwari ko.


Well, hindi naman talaga ako galit. Naiinis lang ako sa sarili ko sa ginawa ko. Malay ko ba kung anong klaseng tao na siya ngayon? Bakit ko siya pinagkatiwalaan? Kung noon nga, nagawa niyang maglihim sa'kin.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon