Prologue

105 6 0
                                    

"Tatapusin talaga ako ng accounting na 'to!"


Hindi siya ang matatapos ko, kun'di ako ang tatapusin niya! Grabe... Ang hirap ng adjusting entries. Adjusting palang 'yon, ha? Jusko!


Kaya itinabi ko muna ang columnar pad ko bago pa ako mabaliw nang tuluyan. Magpapahinga muna akong magsagot ng assignment. Break time...


Tuwing may oras ako rito sa resort, ginagawa ko na ang assignments ko para hindi na matambakan pag-uwi. Ang hirap pagsabayin ng trabaho at ng pag-aaral, lalo na't graduating. Ayos na rin ito, at least, nakakatulong ako kina Mama. Hindi na ako gaanong mabigat sa gastusin nila.


Pero minsan, parang nakakasawa na rin. Paulit-ulit na lang linggo-linggo at parang wala na talagang bago. Pagod ka na physically, mentally exhausted ka pa. Kahit choice ko naman talaga na pagsabayin sila, wala eh, mahirap talaga at hindi ko maiwasang mapainda. Wala namang madaling bagay... Iyon na lang ang iniisip ko. Pero mas mahirap lang talagang maging mahirap. Ang hirap ng walang pera. Tapos nandito pa ako sa bansang 'to.


Hihinga na lang nang malalim at magpapahangin...


Wala namang magagawa. Kun'di ang magtiis, magreklamo, at sabihin sa sarili na, darating din ang oras na para sa'yo. Kung mayaman lang ako, magt-travel na lang ako para makapag-unwind. Pero hindi gano'n ang buhay na meron ako, eh. Hindi tulad ng mga guests namin dito sa resort. Kung may ipon man ako, doon ko pa ba gagastusin iyon? O kung doon nga, hindi naman ako agad makakaalis. Hindi madaling mag-ipon ng malaking pera.


Ano kayang feeling no'n? Na parang walang pumipigil sa'yong gawin lahat ng gusto mong gawin at maranasan?


Mabuti na lang at may ganitong tanawin sa trabaho ko... Napakaganda talaga ng aplaya rito. Nakakarelax. 


"Sige na! Lumangoy ka na. Paano ka matututo kung hindi mo susubukan?"


Hindi pala kaaya-aya ang tanawin ngayon...


Napatingin ako sa isang lalaki na may babaeng hinihila papuntang dagat. Malamang ay dalawa sa mga guests namin dahil nasa tapat ko lang halos.


"Ayaw ko nga! Natatakot ako, Babe!"


"Ano bang nakakatakot? Hindi ka naman hihigupin ng dagat. Nasa isip mo lang kasi, kaya ka natatakot," tatawa-tawang pang-aasar pa ng lalaki sa kanyang nobya.


Tama naman, nasa mindset lang 'yon. Parang ako, sarili ko lang din naman ang kalaban ko. Minsan ay ako lang naman din talaga ang pumipigil sa sarili ko na gawin ang mga kaya kong gawin.


Kaya ko naman. Pero nauunahan ako ng takot.


Pero bakit nga ba may takot akong nararamdaman? May ganito pa ring klaseng tanong na hindi ko masagot sa sarili ko. Siguro ay natatakot akong magkamali at madapa? Bakit ako natatakot kung may pamilya at mga kaibigan naman akong masasandalan? O nasanay lang talaga akong nakakaya ko namang nang mag-isa ang lahat ng nangyayari sa akin? Hindi ko rin alam...

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon