☆*:・゚ 06 ゚・:*☆

25 4 0
                                    

Sincerity is Sometimes the Best Way to Win Someone's Heart

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

Ramdam ko ang sobra kong panginginig. Na hindi ko na rin alam kung dahil sa inis o sa pagod.

Iilang araw ko pa lang siyang nakilala, pero punong-puno na agad ako sa kanya. Akala niya talaga kung sino na siyang perpekto! Kahit mukha siyang robot, pero tao pa rin siya at nagkakamali rin!

Tinitigan ko lang siya at ang papel. Hindi pa rin ako makagalaw at baka mabatukan ko lang siya.

"Labas na," tanging lumabas lang sa bibig niya saka parang wala lang na bumalik sa pagsusulat.

Wala man lang akong nakita sa kanyang pagkagulat. Wala man lang siyang kahit anong reaksyon! Ni-walang pagka-feeling sorry sa mukha niya. Wala!

Stupid talaga...

Nagmatigas ako at hindi umalis. Nilaksan ko pa ang pagsinghot ko para lalo pa siya mairita. Hindi naman ako nahagulhol, pero naiiyak pa rin ako sa inis.

Hindi nga ako nabigo at tinignan niya ulit ako, nang masama na parang ako pa ang may nagawang mali.

Kung nakakairita nga ako, para sa kanya. Ano pa siya?! Kahit ang ibang tao, hindi siya gusto.

"Anong iniiyak-iyak mo?"

Pero hindi ko alam kung ba't ang walang pusong kagaya niya pa ang binoto ng karamihan sa club namin. Dahil mukha siyang matalino? Matalino nga at gwapo, bulok naman ang ugali!

"Tumigil ka nga. People might see us and think that I hurted or abused you."

"Bakit hindi ba?" Pabagsak kong ipinatong ang kamay ko sa table niya.

Mabuti nga't kami lang ang nandito.

"Ha? What do you mean? Inano kita? Huwag kang mag-self-pity."

Ha? Ano raw? Self-pity? Ako?!

"G-Grabe..." Bumitaw na ako sa ibabaw ng table niya at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at lalo pang umigting ang titig sa akin.

"Ang tanong ko, ba't mo ginawa 'yon? Sige nga, ano bang mali sa ginawa ko? Kailangan mo ba talagang tapunan pa ng tubig? Ano? Mayaman ka kaya hindi big deal sa'yo ang mabasura ang isang papel na pinaghirapan ng iba? Sana ginawa mo na lang scratch, kung hindi ka nasiyahan... Nasa pangkalikasang organization ka pa man din, tayo, tapos ganyan ka?" sunod-sunod kong reklamo sa kanya.

Hindi ko rin alam kung saan galing ang lakas ng loob kong magsalita nang ganoon sa kanya.

Saka ba't ako matatakot? Kahit Grade 12 at president pa siya ng kung anu-ano, o kahit siya pa ang pinakamatalino o pinakamayaman dito, pare-pareho lang kaming estudyante rito.

"Excuse me?" Tumayo na ito at inurong ang silya niya. Umalis siya sa lamesa niya at lumapit sa akin. Hinarap ako na para talagang sinong boss, nakapamewang pa!

Hindi pa rin ako nagpatinag kahit matangkad siya. Tinuwiran ko rin ang tayo ko, ikrinoss ang braso, at tinignan siya nang diretsa sa mata.

"Ba't mo tinapunan ng tubig?" mariin kong tanong.

Ngumisi naman ito at saglit lumipad ang tingin, saka bumalik din sa akin.

"Tinapunan? Pinapalabas mo bang... sinadya ko?" Nanlaki pa ang mga mata nito, pinandidilatan ako. "OA ka lang. Para namang sinadya ko?"

Aba't— Tama ba ang pagkakarinig ko?!

Hindi man lang siya nag-sorry! Kaya anong iisipin ko? Sinadya naman talaga niyang kabigin ang bote ng tubig sa mesa niya!

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon